Chapter 13

16 8 1
                                    

ILANG WEEKS NA ANG NAKALIPAS....

*******************************

"CONGRATS sa atin hindi ako makapaniwalang gagraduate tayo kahit puro tayo inom inom noon,masayang sabi ni ram.

Masaya ako dahil natapos na rin ang pag aantay ko nakatapos narin ako,maraming salamat sa sakripisyo ni mama para sakin,para saamin ni kuya.

pagkatapos nga ng ceremony ay pasimple akong lumingon lingon hindi ko kasi makita si cedrix kanina pa,pati rin si lanz,umuwi na kaya sila?pero ang aga naman ata,naglalakad nga ako patungo sa room ng section B ng may makita akong nagtatawanan sa may hallway papuntang second floor,lumapit ako at nagtago sa may pader saka ako sumilip kung sino ang mga tao nayun,si erica nga at ang pamilya niya ang una kong nakita sila kasi ang nakaharap sa banda dito sa kinaroroonan ko at nakatalikod naman ang matanda at ang dalawang lalaki nagulat nga ako ng lumingon si lanz nagtago ako agad at hindi ko alam kung napansin niya ba ako o hindi alam ko ng si cedrix yung isa at ang papa nila,may family reunion pala sila sabi ko sa isip ko at nagmadaling umalis doon.

"Saan ka galing kanina kapa hinahanap ni mama halika na uuwi na tayo naiinis na sabi ni kuya.

Pinuntahan ko nga muna ang mga kaibigan ko at saka ako nagpaalam sa kanila,tapos naman na ang ceremony kaya pwede na kaming magsi uwian.

Pagkarating namin sa bahay ay mayroong palang hinanda si nanay lita na konting salo salo at kami at ang mga marites nga naming mga kapitbahay ang bisita okay nadin yun kesa naman wala.
Natapos na kaming kumain at naglalakad patungo sa room ko hindi ko nga alam kung ano na susunod kong gagawin,pagpasok ko sa room ko ay bumagsak ako sa higaan ko at nag iisip kung paano nga ba ako makakaipon para makapag take ng bar exam.

Nahihiya na kasi ako kina mama siya na nga ang gumasto lahat para sakin pati ba naman sa bar exam.
Gusto ko nga sanang mag apply ng trabaho para naman makapag ipon ako at magkaroon ako ng sarili kong pera.
Ngunit saan naman ako mag aaply ng trabaho?ayoko naman sa company na pinagtatrabahuan ni mama hindi lang ako makaka pag focus pag kasama ko siya sa trabaho,bahala na magpapasama nalang ako kina ram kung sakali.
Hindi ko namalayan na sa pag iisip ko ng mapapasukang kumpanya ay naitulog ko na pala,pagkagising ko nga ay napaisip ako naisipan kong tawagan si ram at nagtanong kung may alam siyang mapasukan na trabaho at sinabi nga niyang subukan daw namin mag apply sa "M's corporation" kesa naman tumambay ako ay bumangon ako at mabilis na nagtungo sa banyo para maligo,

Pagkatapos kong nagbihis ay kinuha ko ang mga kakailanganin ko sa pag apply ng trabaho,saka ako bumaba at nagpaalam kina mama.
Nagkita kita nga kami nina ram at mikay sa building na ito.

"Nakakapagtaka bakit M's corporation pangit naman ng pangalan ng building na to pabirong saad ko sa dalawa.

Tinawanan lang nila ako at kahit nahihiya kami ay nagpatuloy na kami sa pagpasok sa loob,maganda naman ang company na ito maluwang at medyo may kataasan din ang mga palapag na meron ito.
Lumapit nga kami sa may counter at nagtanong kung saan kami pwede mag submit ng application itinuro naman niya kaagad ang direksyon.

Pumasok nga kami sa isang room na tanggapan ng mga nag aapply naupo kami at gaya namin ay marami ring nakapila.
Kinuha nga nila ang mga resume namin at tatawagan nalang daw nila kami kung sakaling nakuha kami.

Lumabas na nga kami at naglakad palayo sa building na iyon.dahil nga natagalan kami kanina sa pagpipila ay hindi na kami nakakain kaya naghanap muna kami ng pwede naming makainan at buti nalang at may mga cafeteria doon sa labas mabilis nga kaming nagtungo doon para kumain.

Nang mapansin namin ang pamilyar na mukha papunta sa kabilang cafeteria si kelvin pala,tinawag ko kaagad siya at mabilis naman siyang nagtungo sa kinaroroonan namin,nagtanong tanong nga kami kung kamusta na sila ni sam at sa awa ng diyos ay okay naman daw sila,natanong ko rin si cedrix sa kanya pero tila hindi naman siya umiimik.

The Two Brothers are My Lovers[𝙎𝙀𝙍𝙄𝙀𝙎1]𝙘𝙤𝙢𝙥𝙡𝙚𝙩𝙚𝙙Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon