Chapter 25

34 5 2
                                    

𝑳𝑼𝑵𝑨𝑺 𝑷𝑶𝑽...

Nasa harap nga ako ng school ni kim dahil susunduin ko nga ito.Nagsisilabasan na  ang lahat ng istudyante ngunit wala paring kim ang lumalabas,nag aalala na nga ako at tumakbo ako papunta sa room nila ngunit umuwi nadaw lahat ng mga istudyante roon.tinulungan na rin ako ng guard na mag libot ngunit wala naman na ni isa na istudyante sa school.

Dahil sa pag aalala ko ay tinawagan ko na si lanz para tanungin kung nakauwi na ngunit wala naman daw ito sa bahay.

𝑃ℎ𝑜𝑛𝑒 𝑟𝑖𝑛𝑔...

"𝑁𝑎𝑛𝑑𝑖𝑡𝑜 𝑠𝑎 𝑙𝑢𝑚𝑎𝑛𝑔 𝑏𝑢𝑖𝑙𝑑𝑖𝑛𝑔 𝑎𝑛𝑔 𝑎𝑛𝑎𝑘 𝑚𝑜 𝑘𝑢𝑛𝑔 𝑔𝑢𝑠𝑡𝑜 𝑚𝑜 𝑝𝑎 𝑠𝑖𝑦𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑘𝑖𝑡𝑎𝑛𝑔 𝑏𝑢ℎ𝑎𝑦 𝑝𝑢𝑚𝑢𝑛𝑡𝑎 𝑘𝑎 𝑟𝑖𝑡𝑜 𝑎𝑛𝑦𝑎 𝑛𝑔 𝑏𝑎𝑏𝑎𝑒 𝑠𝑎 𝑘𝑎𝑏𝑖𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑙𝑖𝑛𝑦𝑎.

"𝑀𝑜𝑚𝑚𝑦 ℎ𝑒𝑙𝑝 𝑟𝑖𝑛𝑖𝑔 𝑘𝑜𝑛𝑔 𝑠𝑖𝑔𝑎𝑤 𝑛𝑖 𝑘𝑖𝑚.

Tinawagan ko naman agad si lanz na agad mag tungo sa sinasabing detalye ng babae.

" Kuya ihatid mo ako sa lumang building na ito sabi ko sa driver at pinakita ang picture na sinend ng babae.

Pagkarating namin doon nakita ko na agad si lanz tumakbo ako palapit sa kanya.

"Lanz nasaan ang anak natin.maluha luhang sabi ko.

" Nasa taas sila wag ka gagawa ng eksena baka ihulog nalang niya bigla si kim,paliwanag naman nito.

Umakyat naman kami agad papunta sa taas ng lumang building at bumungad si kim na nag iiyak at takot na takot ang itsura nito.
Tumawa ng malakas ang babaeng nakatayo na may mga kasamang armadong lalaki.Tinanggal niya ang maskara niya at tumambad sa harap namin si erica.

"Hayop ka pakawalan mo ang anak ko,ako ang kailangan mo wag mo na idamay ang anak ko,sigaw ko sa kanya.

Lalapitan ko na sana si kim ngunit pinutok niya ang baril sa gilid ni kim.sumigaw ako sa sobrang takot na baka natamaan na ang anak ko.

Biglang dumating si cedrix at may kasamang mga pulis.

Nataranta naman ang mga kasama ni erica at nakikipag palitan sila ng putok ng baril,sinamantala ko namang kalagan si kim ng natanggal ko na ang tali ay tatayo na sana kami ng tinutukan kami ng baril ni erica.

"Do you think you will be happy?Nagkakamali ka mamatay kana,sigaw niya at ipinutok ang baril.

Nagulat ako ng tumakbo palapit saamin si lanz at niyakap kami pareho ni kim,nagulat nalang kami ng   tumama ang bala mula sa likod niya.

" Lanz sambit ko at nanginginig ako ng may tumutulong dugo sa bibig niya.

"Daddy sigaw ni kim.

" Always remember that i love you both,kim anak,lagi mong babantayan ang mommy mo,hon mahal na mahal ko kayo,sabi nito at hindi na nagsalita pa.

Nagiiyakan kami pareho ng anak ko habang nakayakap kay lanz na wala ng buhay.
Babarilin pa sana kami ni erica ngunit naunahan na siya ng mga pulis,lumapit si cedrix saamin at inalalayan kaming tumayo at paalis sa  building na iyon.

Inuwi na nila ang bangkay ni lanz dito sa bahay,lumapit ako sa kanya at napahagulgol nalang hababg tinitignan ang asawa kong nakahiga at wala ng buhay na nakandusay sa loob ng kanyang kabaong.

"Pati ba naman ikaw iiwan mo rin kami,paano na kami ngayon ng anak mo?Hinayaan mo nalang sana na ako ang binaril at hindi na ikaw,ang dami mong sinakripisyo para sa amin ng anak mo,pati ang buhay mo sinakripisyo mo,im sorry lanz,im really sorry,nag iiyak na sabi ko habang nakayakap sa kabaong niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 14 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Two Brothers are My Lovers[𝙎𝙀𝙍𝙄𝙀𝙎1]𝙘𝙤𝙢𝙥𝙡𝙚𝙩𝙚𝙙Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon