𝑳𝑼𝑵𝑨'𝑺 𝑷𝑶𝑽...
Medyo malaki na rin ang tiyan ko dito na nga ako sa bahay ni lanz nakatira dahil nga inaloo niya ako na dumito muna ako hanggang sa manganak ako,bumibisita naman sina mama dito at parin rin sina ram ay binibisita rin ako.
Hindi na nga ako pumapasok sa opisina dahil pinagbawalan na rin ako ni lanz dahil nga sa medyo malaki na rin ang tiyan ko,Wala na nga ang matandang katulong nila rito,dahil nga sa katandaan na niya ay hindi na siya pinayagan ng mga anak niya na bumalik pa,si Ate Elena nga ang lagi kong kasama dito sa bahay nina lanz,siya kasi ang bagong katulong nila medyo mas matanda nga lang siya sa akin ngunit para lang kaming magkasing edad.
Habang nasa bahay ako ay naisipan kong maglakad lakad sa hardin nila,total ay hapon naman na naisipan ko rin na tulungan nalang si ate elena na mag dilig ng mga halaman.
"Naku Luna ako nalang ang gagawa riyan mamaya madatnan pa kayo ni lanz at magalit pa iyon sa akin,maupo kana lang po roon,pag aalala nito.
Habang nagdidilig naman siya ay naglalakad lakad naman ako para nga lang akong tangang pabalik balik at paikot ikot.
Gabi na nga at wala parin si lanz,natapos narin kaming kumain ngunit hindi pa siya umuuwi,Pumasok na nga ako sa silid at natulog nalang.
Pag gising ko ay lumabas agad ako ng kwarto at nagtungo sa kusina,napansin ko kaagad si lanz na naghahanda ng almusal.
"I didn't get home last night, I came from the airport and took my dad's ashes that were sent from America.
" Bakit si dad mo lang w-wala ba kay cedrix?
"Hindi pa daw nila naghahanap ang bangkay niya..
Natulala lang ako baki5 hanggang ngayon hindi pa nila nakikita ang bangkay ni cedrix?buhay pa ba siya?
Ayoko ng ma istress ang sarili ko.malapit ko ng ipanganak ang anak ni cedrix,ngunit ang kapatid niya ang tatayong ama nito.Ang hirap tanggapin na si lanz ang tatayong ama ng anak ko ngunit ayaw kong lumaki ang anak kong walang ama,dahil ang hirap ng ganun naranasan ko yun kaya alam ko kung gaano kahirap ang lumaking walang ama,ayokong kutyain siya ng mga kaklase gaya ng nangyari noon sakin.
kaya kahit labag sa kalooban ko tinanggap ko parin ang alok ni lanz na magpanggap bilang mag asawa,para narin sa magiging kapakanan ng anak namin ni cedrix.Pagkatapos naming kumain nagpaalam narin si lanz at papasok na siya sa opisina.
Nagpasa naman ako kay ate elena na magtungo sa sementeryo pumayag naman siya kaagad.NAGLALAKAD kami papunta sa malaking krus at sumindi ng kandila.
"𝐶𝑒𝑑𝑟𝑖𝑥,𝑘𝑢𝑛𝑔 𝑛𝑎𝑠𝑎𝑎𝑛 𝑘𝑎 𝑚𝑎𝑛 𝑛𝑔𝑎𝑦𝑜𝑛 𝑙𝑎𝑔𝑖 𝑚𝑜 𝑘𝑎𝑚𝑖𝑛𝑔 𝑏𝑎𝑏𝑎𝑛𝑡𝑎𝑦𝑎𝑛 𝑛𝑔 𝑎𝑛𝑎𝑘 𝑚𝑜,𝑝𝑎𝑡𝑎𝑤𝑎𝑟𝑖𝑛 𝑚𝑜 𝑎𝑘𝑜 𝑘𝑢𝑛𝑔 𝑝𝑖𝑛𝑎𝑎𝑘𝑜 𝑘𝑜 𝑠𝑎 𝑘𝑎𝑝𝑎𝑡𝑖𝑑 𝑚𝑜 𝑎𝑛𝑔 𝑟𝑒𝑠𝑝𝑜𝑛𝑠𝑖𝑏𝑖𝑙𝑖𝑑𝑎𝑑 𝑛𝑔 𝑝𝑎𝑔𝑖𝑔𝑖𝑛𝑔 𝑎𝑚𝑎 𝑠𝑎 𝑎𝑛𝑎𝑘 𝑚𝑜.𝑀𝑎𝑘𝑎𝑘𝑎𝑎𝑠𝑎 𝑘𝑎𝑛𝑔 𝑝𝑎𝑝𝑎𝑙𝑎𝑘𝑖ℎ𝑖𝑛 𝑘𝑜 𝑛𝑔 𝑡𝑎𝑚𝑎 𝑎𝑛𝑔 𝑏𝑎𝑏𝑦 𝑚𝑜,𝑎𝑡 𝑘𝑎𝑝𝑎𝑔 𝑛𝑎𝑔𝑘𝑎𝑖𝑠𝑖𝑝 𝑛𝑎 𝑠𝑖𝑦𝑎 𝑖𝑝𝑎𝑝𝑎𝑘𝑖𝑙𝑎𝑙𝑎 𝑘𝑖𝑡𝑎 𝑠𝑎 𝑘𝑎𝑛𝑦𝑎,𝑎𝑡 𝑠𝑎𝑛𝑎 𝑏𝑎𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑎𝑟𝑎𝑤 𝑚𝑎𝑡𝑎𝑛𝑔𝑔𝑎𝑝 𝑛𝑖𝑦𝑎 𝑛𝑎 𝑤𝑎𝑙𝑎 𝑛𝑎 𝑎𝑛𝑔 𝑡𝑜𝑡𝑜𝑜𝑛𝑔 𝑎𝑚𝑎 𝑛𝑖𝑦𝑎.𝑃𝑎𝑡𝑎𝑤𝑎𝑟𝑖𝑛 𝑚𝑜 𝑎𝑘𝑜 𝑐𝑒𝑑𝑟𝑖𝑥,𝑘𝑎ℎ𝑖𝑡 𝑤𝑎𝑙𝑎 𝑘𝑎 𝑚𝑎𝑛 𝑠𝑎 𝑡𝑎𝑏𝑖 𝑘𝑜 𝑠𝑎 𝑡𝑎𝑏𝑖 𝑛𝑎𝑚𝑖𝑛 𝑛𝑔 𝑎𝑛𝑎𝑘 𝑚𝑜 𝑙𝑎𝑔𝑖 𝑚𝑜 𝑠𝑎𝑛𝑎𝑛𝑔 𝑡𝑎𝑛𝑑𝑎𝑎𝑛 𝑛𝑎 𝑚𝑎ℎ𝑎𝑙 𝑛𝑎 𝑚𝑎ℎ𝑎𝑙 𝑘𝑖𝑡𝑎.
[𝑐𝑟𝑦𝑖𝑛𝑔...]
BINABASA MO ANG
The Two Brothers are My Lovers[𝙎𝙀𝙍𝙄𝙀𝙎1]𝙘𝙤𝙢𝙥𝙡𝙚𝙩𝙚𝙙
Подростковая литератураsi luna ay isang babaeng masayahin at mapagmahal ngunit may konting galit sa kanyang puso,siya ang babaeng kayang intindihin ang lahat at isakripisyo ang lahat para lang sa kanyang ina at sa ibang tao ngunit magbabago ang lahat ng bumalik ang taong...