[Jimin Sebastian POV]
Ilang buwan nadin kaming magkasama ni Jiminash. Mula sa mga assignments, projects, activities sa school. Pati din sa mga galaan mag kasama kami lagi.
Para ngang nahuhulog na loob ko sa kanya eh.
Biro lang.
"Jimin sembreak na natin next week anong balak mo?" tanong nya sakin habang kumakain kami dito sa canteen.
"Di ko---"
"Aba andito pala ang nga genius, uy Jimin balato mo naman sakin si Ashley oh" sabi nila David.
"Pwede ba David umalis na nga kayo?" inis na tumayo si Jiminash.
"Bakit Ashley ayaw mo ba sakin?" tanong ni David kay Jiminash.
"Ayoko sayo atsaka never kitang nagustuhan noh!" sigaw ni Jiminash.
"David umalis na kayo" mahinahon kong sabi.
"Bakit?! Manliligaw ka ba ni Ashley?!" sigaw sakin ni David.
"David umalis ka na nga!" sigaw ni Jiminash.
"Ano papalag ka?!" agad naman akong kinwelyuhan ni David pero di ako napalag.
"Ano ba David bitawan mo nga sya!!! David!!! Bitawan mo nga si Jimin!!!" hinahampas hampas naman ni Jiminash si David para lang bitawan ako.
Agad naman akong binitawan ni David atsaka sila umalis.
Tinulungan naman ako ni Jiminash tumayo.
"Ayos ka lang ba? Bakit kaso di ka napalag?" tanong nya.
"Ayoko masira pangalan ko sa school na 'to" sagot ko at umupo sa upuan.
"Baliw. Eh paano naman kung papatayin ka na hindi ka parin lalaban?"
"Syempre ibang usapan naman yun"
"Sa bagay. Kain na tayo"
[Jiminash POV]
Hindi ba talaga sya napalag? Kahit isa?
Naawa din ako minsan kay Jimin kasi sya nag aaral sya dahil sa pamilya nya, para makaahon sila sa hirap.
Pero ako nag aaral lang ako dahil yun lang gusto ng mga magulang ko. Kahit na ubod kami ng yaman.
Jimin sorry.
Pero hindi padin ako pedeng magpatalo. Dapat sakin ang huling halkhak
Dapat ako ang magtatagumpay sa huli. Ganti nadin 'to sa magulang ko sa pagpapalaki nila sakin ng marangya.
Mom, Dad i will do my promise. I PROMISE THAT I WOULD BREAK JIMIN SEBASTIAN'S HEART.
December 22, 2010
"Jimin?" sambit ko sa pangalan nya.
"Ano?" tanong nya.
Andito kaming dalawa ngayon sa isang golf field. Nakahiga kami dito sa damuhan habang tinitignan ang mga stars.
"Bakit ba tayo magkasama?" tanong ko.
"Kkk~ Ano ba naman klaseng tanong yan?" sabi nya.
"Wala lang. Kasi parang dati kung mag away tayo sobra eh"
"Ewan ko din. Wala akong idea eh" sabi nya.
"Ako naman. May tanong ako sayo" sambit nya.
"Ano yun?"
"Jiminash, kung sakaling humigit pa dito ang nararamdaman ko matatanggap mo ba yun?" kinabahan naman ako sa tanong nya.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko at huminga ng malalim.
"Kung sasabihin ko bang may gusto na ako sayo. Tatanggapin mo?" tanong nya
Napabangon naman ako
Teka. Diba ang plano ko ay mapahulog ang loob sakin ni Jimin? Pagkakataon ko na ito
"Jiminash kung liligawan ba kita okay lang ba sayo?" tanong nya. Humiga ulit ako.
Wala pa akong masasagot sa tanong mo Jimin. Ngayon lang kasi may naglakas loob na ligawan ako ng harap harapan.
"Di mo naman kailangan mag madaling sagutin yung tanong ko eh. Bibigyan kita ng oras para sagutin ako. Hihintayin ko sagot mo." sabi nya.
Yung puso ko. Bumibilis yung pintig.
Love never exist. Kaba lang itong nagpapakabog ng dibdib ko.
"Alam mo Jimin. Ngayon palang sinasabi ko ng oo" sabi ko habang naka harap sa kanya.
"Talaga? Oo?!" di makapaniwala nyang sabi
"Oo nga" nakangiti ko pang sabi sa kanya. Kitang kita mo naman sa mukha nya ang saya at tuwa kaya agad nya akong binuhat.
"Hoy Jimin! Haha! Hindi pa kita sinasagot baliw ka!" sabi ko sa kanya.
"Haha! Ansaya ko!" sabi nya at binaba ako.
Tapos bigla nya akong niyakap.
Yung yakap.
Yung yakap na yun.
Kakaiba
Kakaibang kakaiba.
Jimin sorry, kailangan kong gawin 'to para mas umangat ako kesa sayo.
TO BE CONTINUED...

BINABASA MO ANG
Jimin vs. Jimin [Slow Update]
عشوائيPosible kayang mag LOVE WILL BE EXIST sa dalawang ito kung lagi naman silang magkatunggali? Well Maybe. Somewhere we only know. Lol hahaha XD ©JHOPIENISM