JVJ [6]

346 17 1
                                        

BAOG NA AKO GUYS.HAHAHALOLXD

_____________________________________________

Lumipas na ang 2 buwan na nag papatalinuhan ang dalawa nateng BIDA BIDA.

[Jiminash POV]

Tapos na ang klase at hinihintay ko ang driver ko, antagal ko ng nakaupo dito na nag-aantay pero wala parin. Wala ng mga estudyante dito sa school siguro ako nalang.

Haist ewan ko ba pero naiiyak ako sa sitwasyon ko ngayon.

Sila Mom at Dad.

Kahapon bago sila umalis ng bansa ay may sinabi sakin si Mom.

Ang sabi nya...

"Uy bakit andito ka pa?" tanong bigla ng nasa likod ko kaya naman nagulat din ako ng onti.

Tinignan ko kung sino ang nasa likod ko.

"Tss ikaw nanaman" naiinis kong sabi.

"Oh teka umiiyak kaba?" natatawa pang sabi nya at pumwesto pa sa harap ko.


"Umiiyak, sino?" maang maangan pa ako eh halata naman dahil namumula ang mata ko eh.

"Sus, ano bang problema? Sabihin mo na" ang kulit naman neto tsk.

"Pwede ba Jimin Sebastian tantanan mo na ako?" tumalikod naman ako sa kanya. Pero tuso sya kaya pumunta sya sa harap ko.

"Sige na sabihin mo na. Ano bang problema?" ang kulit mo talaga, kyng pwede lang kitang pitikin ginawa ko na.

"Wala nga. Umalis kana"

"Yung mga ganyang tao kabisadong kabisado ko na eh. Alam kong may problema ka, pwede mo namang sabihin sakin yan eh kasi pwede mo akong maging kaibigan at pwede ding kaaway para atleast nailabas mo na yung sama ng loob." sabi nya at umupo sa tabi ko.

"Sinasabi mo? Tss umuwi ka na nga" sabi ko at umirap.

"Wooo~! Taray taray mong babae, kaya maraming may ayaw sayo dito sa school eh kasi ansama ng ugali mo" sabi nya at natatawa pa sya ah? Wow lang kasi napaka honest nya.

"Si Mom at Dad kasi eh" pag sisimula ko. Naramdaman ko namang naging seryoso din sya.

"Oh anong nangyari?"

"Sinabi nila na ayaw daw nila na lagi akong pang second sa bawat quarter, sabi din nila na wala akong kwenta kung ganun lang din daw, gusto kong umiyak sa harap nila pero hindi pwede dahil mas lalo lang silang magagalit sakin. Ginagawa naman daw nila lahat pero bakit happy go lucky lang daw ako. Hindi kasi nila alam eh, akala kasi nila madali lang para sakin na talunin ka sa bawat quarter, nahihirapan din ako, ginagawa ko din ang best ko. Nung bata ako pinipilit nila akong mag paka talino at kabisaduhin lahat ng mga lesson na hindi pa dapat pag aralan ng isang batang katulad ko noon, pinapalo ako nila Mom pag di ko yun nakakabisado di ako papakainin, pinagtutulakan nila sa akin yung nga bagay na hindi ko gusto, pinu-pwersa pa nila ako noon na talunin ka. Ano pa ang dapat kong gawin para matuwa sila sakin?" umiiyak na talaga ako sa tabi nya.

Naramdaman ko nalang na nakayakap na pala sya sakin at hinihimas ang likod ko.

"Tama na, ok lang yan. Gawin mo lahat ng gusto mo. Pansamantala wag kang makinig sa mga magulang mo at intindihan mo muna ang sarili mong kaligayahan" sabi nya.

Pinunasan nya ang luha ko gamit ang panyo nya.

"Ang pangit mo kapag umiiyak, kamukha mo na si FOUR ARMS hahaha" sabi nya.

"Hmmp, kala naman nakakatawa" sabi ko.

"Ikaw na nga itong tinutulungan dyan eh" sumbat pa nya. Aba talaga nga namang...

"Anong tinutulungan? Ano bang natulong mo, yung pag sabi sakin na kamukha ko na si Four Arms? Tss" sabi ko saka siningahan yung panyo.

"Ano friends na tayo?" bigla kong tanong sa kanya.


"Oo naman, ikaw lang naman nag sabing kaaway natin ang isa't isa eh" sabi nya tapos tumawa nanaman.

Tinampal ko ng sa mukha nya yung panyo na may sipon ko hahaha!

"Yuck kadiri naman!" reklamo nya at nagsimula na kaming mag habulan sa may parking lot area.


TO BE CONTINUED

Jimin vs. Jimin [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon