VOTE AND COMMENT
[JIMIN POV]
Di ako makatulog. Naiisip ko parin yung nangyari kanina sa golf field.
"Hoy Buchim anong ngini-ngiti ngiti mo dyan? Aba ibang ngiti yan ah, parang ngayon ko lang nakita" sulpot ni Ate Tiffany.
"Pano kasi Ate, si Ashley eh" sabi ko habamg nakangiti parin dito sa labas ng bahay namin.
Umupo naman sya sa tabi ko.
"Oh anong meron sa demonyitang Ashley na yun?"
"Ate naman, wag mong sasabihan ng Demonyita si Ashley"
"Aba pinagtatanggol mo na sya ah?"
"Paano kasi Ate, netong mga nakaraang linggo, nagkakagusto na ako sa kanya" sabi ko.
"Kaya ba ganyan ang ngiti mo ha? Ha? Ha?" pang aasar nya habang tinutusok tusok pa ang tagiliran ko.
"Ate tumigil ka nga, tsaka yung inaakala natin sa kanya na wala syang kahit isang kabaitan sa katawan eh meron naman pala, hindi naman sya ganun kasama eh, sadyang wala lang syang totoong kaibigan na mapaglalabasan nya ng totoo nyang ugali, kaya nung naging close kami, nakita ko talaga kung sino sya, kung paano sya maging masaya, kung paano sya tumawa, at kung gaano sya mag alaga" sambit ko.
"Ay wow, talagang tinamaan ka sa kanya Buchim ah. Pero eto lang ang tatandaan mo, pag isipan mo ng mabuti ang nararamdaman mo para sa kanya, ayokong pagdating ng araw masaktan ka sa mga desisyon na gagawin mo. Alam mo namang ikaw ang bunso namin at ayaw kitang masaktan ng kahit sino, dahil swear magkakamatayan tayo dito" sabi ni Ate Tiffany.
"Oo na, oo na" sabi ko nalang.
"Alam mo ba kanina may nakabanggan akong lalaki sa Mall" sabi nya
"Tapos?"
"Tapos sya pa tong galit. Parang baliw eh pinagbayad pa ako ng 100 para dun sa Sturbucks nya na nabangga ko daw, nakakainis naglakad tuloy ako" sabi ni Ate Tiffany.
"Edi sana nagpasundo ka nalang sakin" sabi ko.
"Eh malay ko ba kung asaan ka, tsaka kaya ko naman mag lakad eh kaya okay lang, nga pala, pag nakita ko talaga yung lalaki na yun tatadyakan ko sya sa bayag kala nya ah. Nakakainis talaga" sabi pa nya habang pumapadyak padyak pa.
"Wag, masama kaya yun" sabi ko at tumawa.
"Che! Nga pala yung sabi ko sayo Buchim ah, mag ingat ka parin sa feelings mo, wag todo bigay, alam kong first time mo palang tamaan sa isang babae at malas nga lang kasi kay Ashley pa, pero kung gusto mo talaga sya, aba wala na akong magagawa dyan. Pero pag oras na nasaktan ka sa babaeng yan, lagot sakin yan, naku susunugin ko yung bahay nila. Alam mo naman na ayaw namin ni Mama na sasaktan ka lang ng kung sino sino, hindi kita binuhat at pinatulog nung bata ka para lang saktan ng iba" sambit nya
Napaka maalaga talaga netong Ate ko, kahit mukha yang baliw mabait yan. Kahit minsan binabatukan nya ako okay lang.
Bigla namang sumulpot si Mama sa likod namin hawak hawak ang cellphone ko
"Anak bakit tumatawag sayo tong ingrata nato? Aba, paano nya nakuha ang number mo?" sabi ni Mama kaya agad kong kinuha ang cellphone ko.
Si Ashley nga ang natawag kaya agad ko itong sinagot.
"Hello?"
Lumapit naman sakin si Mama at Ate para makinig sa usapan namin ni Ashley.
"Ma, Ate. Ano ba lumayo kayo" bulong ko sa kanila kaya umayos sila.
BINABASA MO ANG
Jimin vs. Jimin [Slow Update]
RandomPosible kayang mag LOVE WILL BE EXIST sa dalawang ito kung lagi naman silang magkatunggali? Well Maybe. Somewhere we only know. Lol hahaha XD ©JHOPIENISM