JVJ [7]

243 15 0
                                    

ANO BA NAMAN? WALANG NAG VO-VOTE PUTEK HAHAA AZAR!

_____________________________________________

[Jiminash POV]

Were now friends. Tagumpay ang plano, kumagat sya sa paen.

"Mom, succesful" sabi ko at niyakap si Mom kasi ansaya ko hahaha.

"See? Keep your friends close but your enemies closer" sabi ni Mom.

Ang tanga tanga ni Jimin Sebastian dahil napakadali nya palang utuin.

Tss, sa sobrang bait nya naloloko na sya. Kawawang Jimin Sebastian, tignan lang naten kung hindi mawala ang talino mo sa plan B ko :)

"What about the plan b mom?" tanong ko kasi sabi nya na pag nagawa ko na ang plan A ay sasabihin nya na sakin ang plan B.

"The plan B my dear is, MAKE HIM FALL IN LOVE WITH YOU"

"WHAT THE... MOM!? Bakit ko naman gagawin yun? Duh its so cheap" inis na sabi ko. Grabe naman hahaha. What kind of plan B mom? Make him fall in love with me, tss so cheap. Ano ako si Cedric Lu? By the way im always watching Fall inlove with me so nagkaroon ako ng nga ideas. I love you Cedric Lu

"But that is the only way to defeat his rank. Kailangan nyang ma-inlove sa iyo at hindi ikaw ang ma-inlove sa kanya"

"Mom naman, asa pa kayong magkakagusto ako sa isang tulad nya na taga iskwater area iww." nandidiring sabi ko.

Basta gagawin ko nalang ang lahat para maipanalo ko ang laban nato. Yun nalang ang nakikita kong paraan. Tama si Mom, defeat his rank.

[Jimin Sebastian POV]

"Ma, di ka maniniwala sa nangyari ngayong araw nato" bungad pag pasok ko palang ng bahay kakauwi ko lang kasi galing bahay nila Jiminash, hinatid ko sya dahil di nanaman dumating ang driver nya.

"Oh ano? Nakadisgrasya kana ba ng babae?" pabungad din ni Ate.

"Hoy Epane!? Talaga 'to wala ka ng ibang sinabi kundi buntis buntis" sabi ni Mama kay ate Epane.

"Ma, KAMI NI JIMINASH..."

"ANO!? KAYO NA!?" sigaw ni ate epane.

"ANAK AKALA KO BA DI KA MAG KAKAGUSTO SA BABAENG YUN!?" isa pa 'to si Mama.

"Hindi mali kayo ng iniisip. Kaibigan ko lang si Jiminash"

"ANO!!?? KAIBIGAN!!?" sigaw nilang dalawa. Jusme.

"Oo" nakangiti kong sabi.

"Ay nako anak sinasabi ko sayo na ang Jiminash na yan ay may kasabihan na..."

"May kasabihan na KEEP YOUR FRIENDS CLOSE BUT YOUR ENEMIES CLOSER" pag tuloy ni Ate.

"Ma naman? Mabait si Jiminash nahihiya lang sya na ilabas yun" sabi ko at umakyat sa taas para magbihis.

KINABUKASAN.

"Jimin!" biglang may tumawag sa likod ko.

"Oh Tao Goma Gang!" sabi ko kanila Badjao sa may gate hahahah.

Mag aapiran na sana kami pero may tumawag ulit sakin mula sa likod ko.

"Jimin Sebastian" --Jiminash.

"Hi!" sabi ko sa kanya.

"Oyyyyyy~!!!! Sila na" sabi ng Tao Goma Gang.

"Hindi gagi" sabi ko at lumapit kay Jiminash.

"Sabay na tayo?" tanong nya.

"Ge. Tara" sagot ko at naglakad na kami papunta sa first subject.

Di ako makapaniwala sa mga nangyayari. Parang kailan lan sobrang galit sya saken pero ngayon... grabe kakaiba ang mga nangyayari.

"May project nga pala tayo sa Chemistry. Kailan mo gustong gawin ang project?" tanong nya sakin habang naglalakad kami.

Di nga? Kaming dalawa? Sabay na gagawa ng project?

"Ha?" nakatulalang tanong ko. Humarap naman sya sakin at hinawakan ang balikat ko.

"Huy? Hahaha ayos kalang?" natatawang sabi nya sakin.

"Oo" sagot ko

"Talaga 'to ang korni mo!" tinap nya pa ang balikat ko saka umalis.

"Wait lang, tara kain tayo sa kanila aling madrid" sabi ko sa kanya.

"Tara!" tapos pumunta kami sa may karinderya.

"Oh Buchim sino yung kasama mong babae?" turo ng nguso ni Aling Madrid kay Jiminash na naka upo sa may table 7.

"Kaibigan ko po" sagot ko naman.

"Kaibigan o girlfriend? "

"Hala. Aling Madrid naman"

"Oh eh bakit naman. Di mo ba naalala yung sinabi mo sakin na kung pupunta ka ulit dito sa karinderya ko eh may girlfriend kana diba?" sabi nya habang nagsasandok ng ulam namin.

"Hahaha hindi ko po talaga sya girlfriend" sabi ko at kinuha ang order namin.

"Oh eto nag order ako ng adobong manok at chapsuy" tapos nilapag ko yung pagkain namin sa mesa.

"Salamat, nga pala yung tungkol sa project? Mamaya kaya natin gawin?" tanong nya.

"Saan naman?"

"Edi sa inyo"

"Ano? Hindi pwede samin" sabi ko kasi paka habulin sya ng itak ni Mama at Ate Epane.

"Sa bahay" sabi nya.

Pumunta naman kami sa kanila at dun ginawa ang project...

Makalipas ng dalawang araw...

"Jiminash tara libre kita" aya ko sa kanya.

"Tara Mall tayo libre din kita" tapos sumugod kami sa mall pagtapos ng klase.

TO BE CONTINUED...

Jimin vs. Jimin [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon