Chapter 11

1.3K 48 0
                                    

Bryce's Point of view
"Addison, nagugutom ako." Sabi ko. Nandito kami sa kuwarto niya. Nanonood ng Fast and Furious. "So? Anong gusto mong gawin ko?" Tanong niya. "Pakainin mo ako." Sabi ko. "Anong papakain ko sayo?" Tanong niya. "Kahit ano." Sabi ko naman. "Kahit ano? Oh. Eto tissue." Sabi niya sabay abot ng isang roll ng tissue. "Ano ba? Yung pagkain!" Sabi ko. "Sabi mo kahit ano. Baliw ka ba? O may period ka?" Pang aasar niya sa akin. "Oo. May period ako ngayon." Sabi ko ng may serious look. "Hayy naku. Pumunta ka sa kitchen. Maraming pagkain." Sabi niya nang Hindi man lang ako tinitignan. Sobrang mahal niya ang Fast and Furious.

Ano kayang pede kong gawin? Hmmm... Alam ko na. Bigla ko siyang kiniliti. "Hahaha! Ta-hahahaha! Ta-ta hahahaha! ma-hahahaha na-hahahaha!" Kahit ako di ko maintindihan yung sinabi niya. "Sto-stop hahahahaha!" Sabi niya pa. "Mangako ka muna na igagawa mo ako ng sandwich at Spaghetti." Sabi ko. "A-ayaw ko." Sabi niya ng may paghabol sa hininga niya. Kiniliti ko siyang muli. "Hahaha! o-hahahaha! Oo hahahaha! Oo na." Sabi niya. "Sabihin mo din na gwapo ako." Sabi ko. "Gwapo ako." Sabi niya. "Huh? ano?" Sabi ko sabay kiliti sa kaniya. "Ang gwapo mo." Sabi niya tapos tinigilan ko na siya.

Five minutes later, tumayo na siya sa Kama dahil nahabol na niya paghinga niya.  "Sige na. Gawa mo na ako ng pagkain." Sabi ko sabay tapik sa ulo niya. "Among tingin mo sa akin? Yaya mo?" Tanong niya. "Kung ikaw yaya ko edi masaya." Bulong ko. "Huh? Ano?" Tanong niya. "Wala. Sabi ko yung pagkain ko asan na?" Palusot ko siyempre. "Eto na po boss." Sabi niya sabay labas.

Bumalik siya nang may dalang pagkain. Agad ko naman kinain yung pagkain "Oh. Lamon pa more." Sabi Ni Addison. "Nagugutom nga eh." Sabi ko pagkatapos lumunok ng pagkain. "I love you talaga...." Sabi ko sabay trail off. "Huh? Hahaha!" Sabi niya. "Ahm... Kase ang sarap ng luto mo." Sabi ko ng may nerbyos. "Ahahaha! Okay." Sabi niya. Tawang tawa siya sa nasabi ko.

"Uy. Laro tayong COD." Sabi ko, out of no where. "Call of Duty?" Kinumpleto pa talaga ni Addison. Pede namang COD. Hays. "Ay! Hindi man! Cook of Duty." Sarcastic kong sagot. "Cook of Duty? Wala akong ganun eh. Tara punta tayo sa inyo. Laro tayo." Sinabi niya ng may pag tanga tangahan para mainis ako. Alam ko na nandun pa mga bisita ni Mommy kaya ayaw ko pang umuwi. "Hay naku! Ewan ko sayo. Tara na. Call of Duty na." Sabi ko. "Sige na nga. Tara sa Game room." Sabi niya sabay kaladkad sa akin papunta sa Game room.

"Para masaya, kung sinong matalo, kailangang gawin ang iuutos ng panalo. Deal?" Hamon ko sa kaniya. "Sige tol. Game on." Sabi niya.

Bakit ganun? Tatlong panalo na so Addison, ako wala pa. "Isa pa." Sabi ko. "Hahaha! Just accept it dude. I kick ass in COD." Sabi niya sabay tawa. "Heh. Mananalo din ako." Sabi ko. Edi naglaro ulit kami kaso panalo na naman siya. "Apat na utos ang meron. Hmmm. I would like to take a photo of you wearing a girl's clothing." Sabi niya with an evil smirk. "Ayaw ko." Sabi ko naman. "Yih. Ang daya mo. Nanalo ako tapos ayaw mo kong sundin." Sabi niya tapos galit ang itsura niya. "Pinaglololoko mo ko eh!" Sigaw ko. "Hay. Huwag mo kong kusapin kung di mo ko susundin at umuwi ka na din sa inyo." Sabi niya tapos nakatingin pa siya sa ibang direksyon. Hay naku! Iba talaga trip nitong babaeng to.

Hindi ko inaakalang, sasamahan ko palang magshopping si Addison ng damit na girly. Nandito ako ngayon sa mall, namimili kami ng damit pang babae. Yung napili Ni Addison ay White tank top, pink skirt at black blazer. Bumili din siya ng Black pumps at mga accessories.

"Isuot mo to." Sabi niya pagkauwi namin. "Nakakalalaki ka na Addison." Sabi ko. "A deal is a deal." Sabi niya. "Hay naku. Akin na nga iyan." Sabi ko sabay hila sa mga damit.

Sinuot ko na din. Hay. Bad trip. Mukha akong bakla. Pssh. "Smile." Sabi Ni Addison. How can I smile kung ganito suot ko? Asdfghjkl. Nasa tabi kami ng swimming pool at si Addison yung photographer, gamit ang camera niyang waterproof. Pinagpose niya ako ng nakatayo malapit sa puno, tapos Umupo sa damuhan, tapos yung last shot sa tabi mismo ng pool.

Addison's point of View
After kong kunan yung last shot, inilapag ko yung camera sa mesa na nandun tapos lumapit ako kay Bryce. Nakatingin siya sa akin tapos nagulat ako sa sumunod na nangyari. Bigla na lang akong niyakap at  hinila Ni Bryce. Nahulog kami sa pool. "Hahaha! Baliw ka!" Natatawa ako habang sinasabi yun. Natatawa ako sa mokong.  Nag basaan pa kami dun.

"Uhm. Guys?" Bigla kaming may narinig na boses. Napatingin ako sa pinagmumulan ng boses. Sina Enzo, Reed, River at Justin at nakatayo sa May gilid ng pool. Sina Enzo, River at Justin, mukhang gulat samantalng si Reed parang galit na nasaktan? Ano to? "Hi?" Unsure ako sa 'hi' ko. Biglang nag walk out si Reed.

"Anong drama nun?" Tanong ni River. "Oo nga. Anyare?" Tanong naman ni Bryce. "Selos siya." Bulong Ni Justin sabay ubo. Di ko lang alam kung tama pagkakarinig ko. So? Bakla pala si Reed? Gusto niya si Bryce? Hala. Lagot ako. Dali dali akong nagtatakbo at hinabol si Reed kahit nasa ang suot ko. Nasa labas na siya ng gate at medyo maraming tao ngayon pero never mind them. Sumasakay na sa kotse si Reed. "Uy. Reed!" Tawag ko. Bigla siyang napatingin sa akin. "Sira ka ba?!" Sigaw niya nang makalapit siya sa akin. Bigla niyang hinubad yung Varsity Jacket niya at ipinasuot sa akin. "Basang basa iyang shot mo oh. See through na tuloy. Baliw ka ba?! Ang daming nanonood sayo oh!" Sigaw niya. "Hoy! Kayo! Wag niyo nga siyang silipan!" Sigaw niya sa mga tao.

Hinila niya ako papasok ng bahay. "Pede bang huwag mo ng ulitin yun?" Tanong Ni Reed habang papasok kami. Yung to no ng Boses niya may concern and care. Ang lambing. Malumanay pa. "Di na." Sabi ko. Nakakapagpatigil ng mundo yung boses niyang puno ng care. Hayy. Pusong tumitibok ng mabilis at malakas. Lalaki ba ang dahilan? Hayy. Puso, umayos ka please lang. 

Being one of the BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon