Chapter 8

1.9K 58 0
                                    

River's point of view
"Monday na naman." Sinabi ko sa kanila. "You're not a Monday person then." Sabi Ni Reed na feeling joker. "Thanks Captain obvious." Sagot Ni Addison na kanina pa nakatutok sa phone gaya nina Enzo at Bryce. "Anong sabi mo Addison?" Tanong ni Reed habang nakakunot noo. "Wala." Pabuysit na sabi Ni Addison. "Ah. Ganun ha." Sabi ni Reed habang naka smirk.

Nagulat kaming lahat ng biglang niyakap ni Reed si Addison. "Bitiwan mo nga ako! Nasisiraan ka na ba?! Kakatakas mo lang sa mental no?!" Nagpupumiglas si Addison habang tumatawa naman si Reed. "If I were you, I'll let go of her." Tumayo na si Bryce at parang handa na niyang gulpihin si Reed. Sa bagay, napupuno na din ako Kay Reed eh.

Lulusob na sana kami ni Bryce kaso biglang nagsalita so Enzo. "Reed, let Addison go. Bryce at River, alam ko ang balak niyo." Sabi niya. Sa wakas naman at pinakawalan na ni Reed si Addison.

"Nakakainis ka!" Sigaw ni Addison kay Reed. "Ayos ka lang ba Addison?" Lumapit si Bryce sa kanya. "Nasayang yung attack ko. Asar!" Pagbubuysit Ni Addison at biglang tumawa sina Bryce at Enzo. "Ano ba kasi yang nilalaro mo?" Curious na ako promise. "Clash of clans." Sabi Ni Bryce sabay tawa. "Teka lang ah. Dadownload ko." Sabi ni Justin sabay labas ng IPhone niya. Nilabas ko na rin yung akin at naki Clash of Clans fever na ako.

Addison's point of View
Nasa Comfort room ako nagyon at nakatingin sa harap ng salamin. Tinitignan ko ang sarili ko na parang tanga lang.  Nakakainis  talaga si Reed. Niyakap pa ako. Grrr.

Biglang nag flashback sa utak ko yung hug tapos bumilis hung heartbeat ko. What the-? May sakit ba ako sa puso? Kinapa ko ang dibdib ko at naramdam kong mabilis talaga ang tibok. Lub dub! Lub dub! Lub dub!

"Huwag ka ngang magwala ng ganyan! Shit!" Sigaw ko sa sarili ko.

Inalog ko ng kaunti ang ulo ko at naghugas ng mukha. Pinunasan ko ang mukha ko at huminga ng malalim. Naglakad na ako pabalik sa mga kaibigan ko.

Lumipas ang mga araw at Friday na. May basketball game ngayon yung mga barkada Ko. Sunod sunod na lay up, slam dunks at fade away ang nakita ko at syempre nanalo sina Enzo with a score of 150 at sa kalaban naman ay 4 points lang.
Tumakbo ako papunta sa kanila para I-congratulate sila kaso biglang lumapit si Reed at niyakap ako. "Uhm..." Iyan lang ang nasabi ko pero di niya pa rin ako binitiwan. Sisigawan ko na Sana siya ng 'Hoy! Loko ka! Bitiwan mo ko! Maniac!' Kaso Hindi ko nagawa dahil may sinabi siya. "Shh. Nanalo naman kami. Wala yung mama ko para mayakap ko." Bulong niya. Aray! Parang biglang sumakit yung puso ko dun sa sinabi niya. "Sige na nga. Kunwari na lang Hindi ito nangyari." Sabi ko at niyakap ko din siya. Nagyakapan lang kami dun ng medyo matagal. Yunng yakap niya nakakagaan ng loob, komportable, payapa, parang ligtas ako, parang tumigil sa pag ikot young mundo at parang ang sarap sa feeling. "Thank you." Sabi niya pagkabitiw niya sakin. Teka lang. Ba't bigla akong nilamig at nalungkot nung binitiwan niya ako? Bigla akong napatigil sa pag iisip ng marinig ko si River na tinatawag ako.

"Guys, saan victory party natin?" Tanong ko. "Bili muna tayong pagkain tapos punta tayo sa hide out." Sabi ni River. "Hide out? Ano yan tree house?" Sabi Ni Reed tapos tumawa siya. "Mas astig dun." Naka smirk si Bryce. "At bawal ka dun." Dagdag ko ng may pagtataray.

"Enzo, oh. Di daw ako pede." Ang childish na pagsusumbong Ni Reed Kay Enzo. "Sorry Reed. Bawal ka talaga. Kaming Lima lang ang pede." Sabi Ni Enzo. "Boom...." Sabi ni River na nagtrailing off dahil sa masamang tingin Ni Reed. "Tara na." Sabi naman ni Justin. "Bye." Sabi ko Kay Reed tapos nilabas ko dila ko. Belat. Bawal siya eh.

Yung hide out po namin ay isang malaking mansion sa city at ang ganda ng wiew pag gabi. Tawag namin dun sa tower ay The mansion of lights. Pag Gabi makikita mo yung mga ilaw na magaganda.

"Huy Addison." Nagulat ako kay River. "Huh? Ano?" Tanong ko. "Anong gusto mong toppings sa pizza mo? Kanina pa ako nagtatanong." Sabi niya sabay tawa. Oo nga pala kaniya-kaniyang pizza. "Gusto ko ng..." Sabi ko sabay trail off at napatingin sa labas ng Pizza house. may nakita akong babaeng sexy pero di pala kagandahan. No offense. "Hipon." Nabulong ko. "Hipon?" Inulit Ni River, Justin, Enzo at Bryce ng nakataas ang mga kilay at gulat na gulat sila. "May hipon sa labas." Sabi ko sabay turo dun sa babae. "Ah hahaha! Nagulat ako. Akala ko gusto mo ng hipon sa pizza." Sabi Ni River. "Pero pede naman." Dagdag Ni Bryce. "Kanina mo pa ipinaglalaban ang hipon." Sabi Ni Justin Kay Bryce. "Ahm. Gusto ko sa pizza toppings ay extra white onions, hipon para mapagbigyan si Bryce, Ground beef, ham, pepperoni, mushrooms at overloaded cheese." Sabi ko. "The best ka talaga Addi." Sabi Ni Bryce. "Takaw mo Adds." Sabi naman Ni River. "Guys, alam niyo bang ang hirap mag cheer kanina sa Laban niyo? Napagod at nagutom ako." Sabi ko habang umaarteng pagod at gutom. "Guys, hayaan niyo na si Addison sa gusto niyang kainin." Sabi naman Ni Enzo. "Kunsintidor." Bulong ni Justin.

Pag dating sa hide out, dumiretso ako sa veranda ng game room tapos  syempre party- party kaso napaisip ako ulit sa nangyari kanina. Yung hug niya.... Teka lang ha. "Hoy Addison ano bang problema mo?" Tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa paligid ng mansion namin. "Huy! Kanina ka pa tahimik ha." Sabi Ni Enzo na gumulat sa akin ng konti. "Nakokonsensiya ako dahil di pa natin sinama si Reed dito." Sabi ko habang nakatingin sa stars. "Alam ko naman na nakokonsensiya ka kaya tinext ko si Reed at pinapunta ko na." Sabi Ni Enzo ng may smile. Biglang tumunog any doorbell. Si Reed at nandito na. Napangiti ako pero bakit?

Being one of the BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon