Chapter 22

884 24 1
                                    

Reed's Point of View

Birthday na ni Addison sa February 25. February 15 pa naman ngayon pero dapat perfect ang surprise ko para sa kaniya kaya nandito ako sa mall at naghahanap ng regalo. Ano naman kaya ang maibibigay ko sa kaniya? Mayaman na siya. Nasa kaniya na ang lahat. Ano pa ba ang maibibigay ko? Hmmm. Aha!

Tinext ko mga kabarkada niya at pinag usapan namin ang aking plano.

Addison's Point of View

Nakakatawa talaga si Reed. February 16 ngayon, kakatapos lang ng klase at bigla niyang naisipang magpunta kami sa mall.

"Ano bang gusto mong gawin dito sa mall?" Tanong ko sa kaniya. "Food trip tayo." Sabi niya ng naka smile. "Huh? Food trip?" Inulit ko. "Oo. Food trip, Baby. Ulit ulit?" Sabi niya at tunawa siya. "Heh. Baby ka diyan. Bakit ako kasama?" Tanong ko. "Kase nga Love is getting fat together." Sabi niya at nagblush ako. Bumilis yung tibok ng puso ko. "Hay. Ewan sayo. Bahala ka na nga." Sabi ko. Pumunta muna kami sa Japanese Restaurant. Bumili siya ng maraming sushi.

"You hate sushi, Reed." Sabi ko ng nakataas ang isang kilay.

"But I love you, Addison." Sabi niya ng nakangiti. Napa smile na lang ako sa kaniya. "Slefie muna tayo." Sabi niya at nag selfie kami sa phone niya. Nanghila pa ng siya ng isang waiter para kunan kami. Inakbayan niya ako sa mga picture.

Pagkatapos naming kumain sa Japanese restaurant, dumiretso kami sa MacDonalds. Bumili siya ng dalawang Coke float, chicken nuggets, dalawang burger at fries. Nag selfie muna ulit kami. Adik na at a sa selfie itong si Reed. Naka akbay siya at to do wacky.

Pagkatapos ay pumunta kami sa Pizza hut. Bumili siya ng isang malaking Hawaiian pizza. Selfie muna ulit.

Naglakad lakad kami at bumili ng ice cream.

Pumunta din kami sa Starbucks. Kinunan pa namin yung kape kasama kami. Okay? Obsessed siya sa Pictures. Bakit kaya? Pati sa pagkain obsessed na siya. Hayy.

"Pinapataba mo ako noh?" Tanong ko pagdating sa bahay ko. "Pede rin. Para hindi ka nil agawin mula sa akin." ssabi niya. "Hala! Nagiging clingy ka na." Sabi ko naman. "You made me like this." sabi niya. "Ako?" ako daw? "Opo. Ikaw po." sabi niya. "Oh ba't may po?" tanong ko. "Ikaw po kasi mahal ko eh." sabi niya. Sigurado akong nagbablush na ako. "Mahal din po kita." sabi ko ng may smile at blush. Asar yung blush. "Hehe!" tumawa siya. "Uwi ka na nga." sabi ko. "Sige po." sabi niya at sumakay na siya sa kotse niya. Bumukas bigla ang bintana ng kotse. "Love you." sabi niya ng naka smile. Ulit ulit pero bakit ganun? Ang sarap pakingan ng 'love you' pag galing sa kaniya. "Love you too." sabi ko. Pinanood ko hanggang makalayo yung kotse niya.

Love is getting fat together... haha!

Reed's Point of View

Kahapon ay Feb 16. Ngayon ay Feb 17 at pinlano ko na magbabasketball kami ni Addison. Yung kaming dalawa lang. "Addison, basketball tayo mamaya after class ah." sabi ko sa kaniya. "Ay sige. Sma sina Enzo?" tanong niya. "Hindi eh. Tayong dalawa lang." sabi niya. "Ahaha. Sige." sabi niya.

"Ano picture muna?" tanong ni Addison sabay tawa. "Oo. Bagay mo kasi yung suot mong Jersey." sabi ko. "Hay naku. Nambola ka pa." sabi niya. Nag papicture kami sa driver ko."Pag naka shoot ako ng sampong three points ng walang sablay at tuloy tuloy kailangan mo akong ipagluto bukas ah." sabi ko. "Hahaha! Sige. Sige." sabi niya.

Heto na. Inihagis ko ang bola...

Three points. Three points. Three points. Three points. Three points. Three points. hanggang maka more than sampu ako.

"Paano ba iyan? Naka sampu ako." sabi ko. "Galing ah. Ipagluluto kita bukas." sabi niya. "Yes!" Nag fist pump ako sa hangin.

Nag one on one kami. Magaling siya kahit di ko siya pagbigyan, nakakalusot siya. In the end draw kami. "Pag naka shoot ka ng three points, bibili tayong ice ream." sabi ko. Nagshoot siya. Sisiw lang sa kaniya to. Nashoot eh. "My girl is a shooter." yun ang sinabi ko at nagtatkbo siya papunta sa akin. "ice cream ko. Tara na." sabi niya at kinaladkad ako papunta sa kotse. Kinuha ng driver ang bola at dumiretso kami sa grocery. Yung driver na lang yung inutusan kong bumili dahil naka jersey pa kami ni Addison.

Habang naghihintay sa kotse, napagtripan namin yung mga dumadaan. "Pssst." tawag namin. Medyo nakabukas kasi ang bintana kaso may tint kay di kami makita nung mga tao sa labas. Lumilungon lingon sila, tila naghahanap sa tumawag sa kanila. Nakakatawa talaga lalo na kapag wala silang mahanap na tao sa paligid. Yung iba tumatakbo palayo at natatakot pero meron ding walang pakialam.

Addison's Point of View

Dumating na din ang driver at pumunta kami sa bahay ko. Pinauwi ni Reed ang driver at sinabing papasundo na lang siya.
Kinain na namin yung ice cream sa tabi ng pool habang nakababad yung paa namin. Hanggang medyo late na ng gabi nandun lang kami. "Ms. Addison, baka magkaskit po kayo ni sir Reed kung di pa kayo papasok dito." Sabi ng yaya ko. "Sandali na lang manang Roda." Sabi ko.

Maya maya pa ay umulan...

Patakbo na Sana ako papasok kaso si Reed hinila ako. "Huy." Sabi ko sa kaniya. "Hahaha! Ang ganda mo pala kahit nauulanan ka." Sabi niya. Nag blush ako. Yih. Blush, tumigil ka. "Heh. Si-sira ka ba?" Nabubulol ako. "Hahaha! Let's enjoy this moment sabi niya.

Manang Roda's Point of view

"Ms. A-" tatawagin ko Sana sila na nung umuulan na kaso nakita ko silang nag eenjoy. Ganyan din naman ako noon. Kinunan ko sila ng letrato gamit ang cellphone ko. Hala! Nakita ata ni Sir Reed.

Reed's Point of view

Nang tumila na ang ulan, pumasok kami sa loob ng bahay ni Addison. Nag patuyo kami at uninom ng hot choco.

"Manang Roda." Tawag ko sa yaya nang umakyat si Addison sa kwarto para magpalit ng admit.

"Se-ser?" Nagulat siya.

"Pa- Bluetooth naman po nung picture namin ni Addison sa ilalim ng ulan." Sabi ko.

"Ah. Okay po ser." Sabi niya.

Ang ganda ng litrato namin ni Addison.

Being one of the BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon