Chapter 5

2.2K 64 1
                                    

"Gym class na. Favorite naten." Sabi ko. "Oo nga." Pag sang ayon ni River.

Pag dating namin sa Gym, inabutan namin yung teacher namin na naka tingin sa relo niya. Babae siya ah. Maganda? Pede na. Bago tong teacher. Lagot siya. "You are all ten minutes late! Ten laps now! Ang umangal ay madaragdagan ng one lap per word!" Sigaw niya. Syempre tumakbo kami. Pinapakita lang namin ang talent namin. Natapos kami ng barkada ko ng mas maaga kaysa sa iba. "Looks like, mabilis kayong apat. Gusto niyo bang sumali sa Track and Field?" Tanong niya samen. "Nope." Sabi nung apat.

"Sige na kailangan namin kayo." Sabi niya. "Tanungin mo si Addison. Baka gusto niya." Sabi ni River sa teacher. "Addison!" Di ako kilala nung teacher. "Ako yun." Sabi ko. "Ah. Totoo pala yung nabalitaan ko. Addison, gusto mo bang sumali?" Tanong niya. "Gusto niya." Mokong talaga si Justin! "Okay." Sabi nung teacher. "Gusto din ni Justin!" Sabi ko. Kung napapansin niyo hindi kami gumamit ng po at opo kase ganon talaga kami. "Okay. Bukas may meeting tayo ah." Sabi niya samin.

"Ba't pati ako?" Tanong ni Justin. "Aba! Ikaw yung sumagot para saken edi ako rin sasagot para sayo." Sabi ko. "Tara na! Math na." Sabi niya. "Hi Enzo!", "Ang bilis tumakbo ni Bryce!", "Ang hot tumakbo ni River!", "Justin, cute kang tumakbo!" At "Ang talented nila!" Ang maririnig sa classmates namin.

"I know that it's your first day of school pero I don't care. Kayong lahat ay may long test and it is recorded." Sabi nung masungit na teacher. Dati na siyang teacher dito. Ang name niya ay Mrs. Tam. Di na kami nag reklamo nung friends ko pero yung iba nag reklamo.

Tumingala ako sa taas. "Why are you wasting your time while looking there, Ms. Haynes?" Aba! Di alam ng teacher na to na tapos na ako. "FYI lang. Tapos na ako." Sabay abot nung test paper. Dinampot ko yung bag ko at tumayo. "Pede na bang lumabas?" Tanong ko kaso hindi siya sumagot. "Silence means yes." Sabi ko at lumabas ako ng naka smirk. Nag bulungan yung classmates ko dahil sa smirk ko.

River's Point of View

Nung lumabas si Adds, tinignan nung teacher yung test paper sa bandang likod. "Lokong bata yun!" Sigaw niya at inilapag yung test paper ni Adds sa teacher's table. "Sa sandaling nakita mo to ibig sabihin nakalabas na ako! Hahaha!" Yun yung nakasulat tapos may drawing nung teacher sa baba. Natawa ako pati yung tatlo. Isa yan sa mga dahilan kung bakit siya member ng barkada.

Bigla ko tuloy na alala kung paano nabuo ang grupo namin... Ngumiti ako sa aking sarili habang lumalabas na kami nung tatlo para puntahan si Adds sa helicopter.

"Hoy! Ba't naka smile ka na parang tanga diyan?" Pang aasar ni Adds. "This is nothing, Adds." Sagot ko ng may smile pa ren. "You are really out of your mind. You keep on smiling without any reason." Adds talaga oh. I rolled my eyes.

"Punta na tayo sa hide out." Sabi ni Enzo. "Okay." Sabay pa kami ni Adds tapos tinignan niya ko ng masama. "Tara na!" At hinila niya na ako.

Being one of the BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon