Chapter 7

2K 64 2
                                    

Saturday ngayon so it means walang pasok kaso may Clothing store na kumuha sakin bilang model para sa catalog nila. Hayy! "Adds, Naks! Model na!" Mang aasar pa niyan si River. "Congrats!" sabi ni Justin. "We're so proud of you." sabi namin ni Enzo. "Kaya mo iyan." sabi ni Bryce. "Adds-" tinawag ako ni Reed pero hindi siya naka tapos sa balak niyang sabihin. "Walang tumatawag sa kaniyang Adds kung di ako." sabi ni River. "Ah sorry. Addi na lang tatawag ko sayo." sabi ni Reed saken. "Bahala ka." sabi ko.

Inaayusan ako nung dalawang babae. Pagkatapos nila'y tumingin ako sa salamin. Fierce ang dating ko sa black long sleeved dress na abot sa above thknees ang skirt. Yung palang sleeves ay see through tapos nilagyan ako ng hikaw sa tainga dalawa sa right at tatlo sa left. Dati na akong may butas dun eh. Naka Ankle boots ako at may spikes. Yung relo naman black na may silver. Yung hair ko straight.

Nang lumabas akosa Dressing room, nakita ko yung lima. Lahat sila nagulat. "Oh? Ano?!" Tanong ko sa kanila. "Ayos." sabi nila. "Ayos?" inulit ko. "Ano?" tanong nila. "Hayy! Ewan." pumuta na ko dun sa manager ng magazine. "Salamat talaga sa pagpayag mo sa offer namin ah." sabi niya. "You're welcome. Are we going to start?" tanong ko. "Ah. Dito ka uupo tapos ikaw ang bahala sa gusto mong gawin." sabi niya. "Okay." Umupo ako at nag ready. Nagpost ako ng konti.

"Miss Addison, change outfit na po." sabi nung isa sa mga stylist. "Okay." sagot ko at pumunta ako dun. Yung next outfit ko ay Blue dress na may laces na black. High-low yung skirt tapos may first layer na see through. Yung boots na parang wedge naman black tapos may blue stripes. Yung relo dito kulay blue na may black. May hikaw pa rin. Yung necklace silver siya. Kinulot yung babang part ng buhok ko at inayos yung make up.

Yung third naman parang wedding dress. Balloon yung skirt at mahaba. May ruffles at gold na designs pa. Yung hair ko naka Dutch flower braid kase yun yung sinabi nung stylist. "Ang ganda! Perfect!" " sabi nung manager. Yung lima naman nainip na ata kaya ayun nagbasa na ng kung ano ano dun. "Guys!" tinawag ko sila. "Miss, nakita mo ba si Addison?" tanong ng mapagbirong si Justin. "Justin, baliw ka talaga." sabi ko with rolling my eyes. "Mas mukha kang babae." sabi ni Bryce na naging dahilan para suntukin ko siya. "Pero masakit sumuntok." sabi niya habang hinihimas yung balikat niya. "Matakot ka na, Reed." Tinakot pa ni River si Reed. "Ba't ako matatakot?" tanong niya. "Alam naming apat na maganda si Adds pero tinuruan namin siya ng martial arts, boxing, kung fu at iba pa. Magaling din sa Sports yan. Captain ng Volleyball team for girls at Basketball team for girls. Isama mo na rin lahat ng Sports maging mind games." sabi ni River. "Ganon?" Ayaw pa talagang maniwala eh. "Oo. Magaling yan." Sabi ni Justin. Yes naman! "Sabi niyo eh." Ayaw pa rin maniwala nitong Reed na to. "Huwag mo ng subukan." Sabi ni Bryce. Nice back up! "Tama sila." Dagdag ni Enzo. "Dahil kayong apat ang nagsabi mukhang totoo." Sabi ni Reed. "Kase po totoo." Sabi ko. "Whatever you say." Sabi niya. Babanat pa sana ako kaso narinig namin ang "Ms. Addison, start na po ng last shot." sabi nung photographer.

"Ang ganda mo." Sabi ni Reed. "Ow?" Hahaha! May lagnat ba to? Maganda daw ako. Wew? "Hahaha! Maganda ka nga."sabi ni Bryce. "Ah okay. Kunwari na lang naniniwala ako sa inyo." Sabi ko. "Pshhh." Sabi ni River. "Huwag niyong pilitin ang ayaw maniwala." Sabi ni Enzo. "Ha. Ha. Ha. Enzo. Nakakabilib ka noh?"sabi ni Justin. "Kaya mo nga ako idol right?" Sabi naman ni Enzo. "Idol mo mukha mo." Sabi ni Justin sabay tawa.

Reed's Point of View

Ang ganda pala niya kapag nagpakababae siya. I'm not saying that she is a lesbian pero boyish kase. Maganda siya kahit ganun. Nadulas nga ako. Nasabi kong maganda siya.

Pagkatapos ng photo shoot niya, nagbasket ball kami. Medyo kulot pa yung buhok ni Addison pero naalis na ang make up. I watched her as she dribbled, ran and as her hair bounced. Damn. Gorgeous.

Being one of the BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon