HULING PAGTANAW

194 7 0
                                        


Deanna POV


"Wala na kami ni Deanna Wong."

Paulit ulit na nagpeplay sa utak ko ang pinakamasakit na anim na salita sa tanang buhay ko. Na kahit ilang buwan na ang lumipas ay parang sariwa pa rin ang sugat na dinulot ng hiwalayan namin.


Tatlong taon. Mga taon na nabalot ng lungkot at masasayang alaala. Sa kanya ako unang naging matapang ngunit kailangang mas maging matapang ngayong wala na siya. Akala ko kasi mapapanindigan natin ang bawat pangakong binitawan. Akala ko mukha mo pa rin ang bubungad sa bawat pagbangon sa umaga. Akala ko kamay mo pa rin ang tanging hahawakan hanggang sa aking kahinaan. Akala ko sabay tayong tatanda, pagmamasdan ang bawat uban sa buhok ng isa't isa habang ngumingiting gilagid na lang ang nakikita. Akala ko tatahakin natin ang bawat sulok ng mundo ng magkasama. Akala ko kaakbay kita sa pag-abot ng ating mga pangarap. Akala ko lang pala kasi tandang tanda ko pa...


"Ayoko na kasi hinde na ako masaya."


"Paanong hinde ka na masaya? Jema paano naman ang tatlong taon, tatapon mo na lang ba basta yun? I built my world around you. Andami dami pa nating plano magkasama. Tell me how do I fix this?"


"Hinde na. Hinde na talaga." Nakayukong sinasapo nito ang ulo niya. Hinde na maibaling pa ang tingin pabalik sa akin na parang wala ng mahihiling pa kungdi ang lumayo sa akin.


Hinawakan ko ang mukha nito at hinarap sa akin. "Bakit naman ganun kadali para sa'yo ang iwan ako?"


"No hinde madali pero kailangan. Magkaiba yun."


"Ang hirap kasing tanggapin na ganun ganun lang wala na tayo."


"Hindi yun ganun ganun lang. Deanna iba na ang tinatahak nating landas pareho. Alam ko di mo pa lubos na maunawaan sa ngayon. Bata ka pa sigurado ako makakatagpo ka pa ng taong mamahalin ka at magmamahal tulad ng pagmamahal na binibigay mo. Sa ngayon, hinde na talaga tayo magwowork, you will find someone you deserve."


"May iba na bang nagpapasaya sayo Jema?" Kinuha nito ang isang kamay ko sabay pinisil at iyon na ang huling beses na nakasama ko siya sa labas ng court.


Masakit oo walang kasing sakit. Pero gayunpaman looking back sa naging relasyon namin puno pa rin ako ng pasasalamat at wala akong pinagsisisihan o gustong bawiin. Napakaraming bagay akong natutunan dahil kay Jema sa tatlong taon naming pagsasama. Aaminin ko naggrow ako sa loob ng mga taong yun. Maliban sa masasayang alaala baon ko ang bawat leksyon na buhat nito. Kaya ko palang magsakripisyo sa ngalan ng pag-abig. Maraming bagay akong hinde ko inakala na magagawa ko pala kasi hinde yun yung pagkakakilala ko sa sarili ko maybe I deserve to give myself some credit. Higit sa lahat, kaya ko din palang pakawalan ang taong naging mundo ko. Because at the end of the day, ang importante maging masaya siya. She deserves to be happy.


=========================================================

AN: So that concludes Why Can't It Be. This last chapter is dedicated to all the GaWong fans who have supported my writing all this time thank you. I believe 100 of 'em are GaWong fans like me to be honest lolz. Just a little backstory so I wrote WCIB as an outlet fic to begin with. A fic where I can pour my thoughts and feelings about the happenings on GaWong at that time as petty as it may sound to some. I supported 'em around UAAP S81 and quit shipping few months before their breakup due to personal reasons. Though their relationship may have ended, I believe they were one of the best ships loveteam wise, we are talking about electric chemistry and charisma. They actually changed the way viewers have seen LGBT relationships in the mainstream despite not being actresses themselves. They did that so huge props to D and J, personally on my end as part of that spectrum I am indeed thankful. They shared so much to the public, it may sound debatable whether it has been a good decision or not for the sake of their personal relationship. However, it did brought a lot of kilig and inspiration and ultimately paved the way for the public viewers to embrace the idea of GL as a real thing that should not be frowned upon except be celebrated as all forms of love definitely deserve to be celebrated.


Why Can't It Be?Where stories live. Discover now