Desolate

1.1K 43 7
                                    


Deanna's POV

Matagal akong nag-isip kung magmemessage ba ako sa kanya o hinde muna pero napagdesisyunan ko na bigyan muna ng oras ang isa't isa na makapag-isip kung ano ba ang gusto naming mangyaring dalawa. Sakto at ngayon din ang dating ng pamilya ko para manood bukas ng laban ko sa UAAP opening. Mas makakapagfocus ako sa bonding namin kung isasantabi ko muna ang kakaisip saming dalawa. Narinig kong tumunog ang cellphone ko kaya napatingin ako dito baka sakaling galing sa kanya pero nadismaya ako ng mabasa kong text pala ni Ate Cyrielle.

"Paadto name dira para sunduun ka mu kaon sa gawas pag ayos na kay dugay pa naman ka maligo." (Papunta na kami kami diyan para sunduin ka kumain sa labas, magprepare ka na at antagal mo pa naman maligo.)

"Ana jud ng cute dapat pirmi humot. Sige na kikilos na ko see you." (Ganun talaga ang mga cute dapat laging mabango. )

Maya maya ay nakita ko na si dad at mom. Dali dali pa ko niyakap ni mom. Para pa rin nila kong baby girl kung ituring. Yung baby niyo po hinihingan na ng baby ng b niya. Sa isip isip ko.

"Ija. Musta ka atat naba ka para ugma?" (Ija, kamusta excited ka na ba para bukas?) Pakli ni dad sa akin.

"Gina kulbaan na dad. Kabalo naka pag setter ang mo dala sa dula sigurado kung pangit akong dula mag daghan napud malipay nga mga basher nako." (Medyo kinakabahan na dad pressure kasi alam mo na sabi nila setter magdadala ng laro panigurado pag panget laro ko fiesta na naman ang bashers ko.) Tapat kong pagtugon kay dad.

"Anak wag ka magpadala sa kanila just continue to play your game, proud kami sa iyo whatever the outcome may be, tandaan mo yan." Dagdag pa ni mom.

I love my family to death and I love her too more than she'll ever know. Nakakalungkot lang talaga na di pa lubos na tanggap ng pamilya ko ang sa amin ni Jema.

Tanda ko pa ang mariing pagtutol ni dad noong minsang sinubukan kong hingin ang basbas nila sa aming pagmamahalan. " Deanna I will never accept her, babae ka at para sa lalake ka lang. Your mom and I are praying with God's guidance that you will someday see the light." Kitang kita ko sa mga mata niya ang sakit, pandidiri at pagkadismaya. Ramdam ko nung mga panahon na yun na higit pa sa masasakit na salita at ito nga ay nagdulot ng pagpili kong manahimik noon sa totoong nadarama dahil ito yung di ko kayang makita. Yung kaligayahan ko ang dumudurog sa kanila. Yung kaligayahan na di ko kakayanin mapunta sa iba. Pero sa sitwasyon namin na ako rin mismo ang nagbibigay kalungkutan sa maamo niyang mukha.

Ramdam ko na namugto ang mata ko ng naalala ko ang eksenang yun. Pero matigas ang ulo ko nangako ako sa sarili ko na kahit gano kahirap paparamdam ko kay Jema na di ako basta sumusuko gusto ko talaga na isang araw matanggap nila kami at kahit na alam ko nakakatawa para sa iba pero pakakasalan ko pa yung babaeng yun bubuo pa kami ng maraming little Deanna at little Jema. Bahagya akong napangiti na habang nananaginip ng gising na nagtatakbuhan ang aming mga future supling. Huminga ako ng malalim, here goes nothing, pagpapalakas ko ng loob sa sarili.

"Uhm dad, since manonood naman kayo bukas baka pwedeng magdinner tayo afterwards with Jema. I really want you to meet her baka sakaling pag nakilala niyo yung taong nagpapasaya sa akin, matanggap niyo na kami."

Biglang nagbago ang ihip ng hangin sa mukha ng aking ama. "Deanna kailangan ba talagang sirain mo itong minsan tayong sama-sama sa pagbanggit sa babaeng yun? I am not tolerating this relationship of yours kaya mag-isip ka."

"Ok dad. Kumain na po tayo." Parang gumuho na naman ang mundo ko sana maintindihan pa rin niya na sinubukan ko. Naramdaman ko na lang na hinahagod ni Ate Cyrielle ang likod ko. Laking pasasalamat ko na lang na kahit papano yung mga kapatid ko hinde ako hinusgahan bagkus ay suportado pa nila kung saan ako masaya. Sana isang araw maging ganun din sakin ang aking mga magulang.

Alam ko sa sarili ko na sobrang proud ako sa kanya di naman siguro lingid sa kaalaman ng lahat na yung kaakit-akit at mahusay na balibolista na may angking magandang boses din ay pagmamay-ari ng isang Deanna Wong lang naman. Sarap talaga isipin nun lalo pag nakilala niyo na siya kung gaano siya kaalaga sa akin at yung walang sawa niyang suporta alam ko mahirap makahanap ng katulad niya. Kung may sinasabing perfect package siya na siguro yun. Yung alam kong perfect para sakin ay hinde perfect para sa iba. Yung nagpapasaya sakin ay hinde nakakatuwa sa iba. At yung gusto kong forever na kami andaming pilit sinisira.

Tahimik kong naitawid ang pagkikita namin na yon. Bitter sweet meeting yung ansaya mo makikita mo sila ulit pero kulang kasi wala siya. Nagpaalam ako panandalian sa kanila at dun sila magstay sa hotel. Nung makaalis na sila parang tinutulak ang mga paa ko papunta sa ibang lugar sa lugar na ok lang kahit ganito lang ako. Tinungo ko ang tinuturo ng aking puso, dali dali ko binuksan ang pinto ng kwarto niya kung saan nakita ko na siyang tahimik na nakahiga at nakatalikod sa akin. Pinulupot ko agad ang braso ko sa baywang niya at agad naramdaman ang init ng kanyang katawan ng dumampi ito sa aking harapan. Waring naramdaman niya na may iba siyang kasama, mabuti naman mahirap na baka may ibang gumawa nito di niya mamalayan sa pagtulog niya. Bahagya niya kong sinilip ngunit tumalikod muli ng mamataang ako itong gumising sa kanyang pagkakahimbing.

"Anong ginagawa mo dito?" Malungkot niyang bati.

"I'm sorry B, I tried gusto ko sana mameet ka nila pero..." Di niya na ko pinatapos. "Wala naman bago dun. Pahinga ka na may laro pa kayo bukas." Niyakap ko siya lalo at siniksik ang ulo ko sa batok niya. Ito yung paborito kong ginagawa pag gusto kong kalimutan ang kalupitan ng mundo. Sa piling niya ramdam ko na kahit iwan ako ng lahat meron akong masasandalan. "Hayaan mo lang ako B." At nadama ko ang paghawak niya sa kamay ko ng mahigpit.


============================================================================

A/N: Thank you guys for sticking around despite the long gap in update. Anyway, meron ba mga namatay din dito sa pahabol na halik ni boss D? Mahirap maglowkey pag mahal mo e, right? Congratulation Deanna and Jema este Ateneo for that commanding win.  Actually I'm way behind their timeline already, sorry bout that plus getting sidetracked with all the good happenings that we are seeing lately hahaha.

Why Can't It Be?Where stories live. Discover now