Deanna's POV
Game day, opening ngayon ng UAAP Season 81 women's volleyball. Makakatapat pa namin ang rival school namin na la salle. Eto na naman ako sa pagpapahirap sa sarili, pinangingibabawan ng kaba at pressure. Alam ko naman na di ako ang mag-isang member ng team pero lagi kasi sa kokote ko na kapag setter ka ikaw ang magseset ng plays. Kaya ganun na lang ako tirahin sa kung anu anong social media.
Kasalukuyan akong nasa dugout nang sumambulat sa paningin ko ang mukhang di ko pagsasawaan. Ginawaran niya ko ng matamis na ngiti at binati ng goodluck. Ganun lang kaikli pero malaking bagay na sa akin. Lumapit kaagad ako at binalot siya sa aking mga bisig. Mahigpit ko siyang niyakap gusto kong namnamin lagi yung bawat minuto na kahawak ko siya. Oo clingy na kung clingy pero ganun talaga pag mahal mo ang hirap bitawan.
Bahagya kaming napabitaw nang marinig namin ang kantyawan nila. "O tama na yan may laro pa tayo Deans." Kaya naman kahit ayaw ko pa ay kusa na ngang kumalas si Jema at nagpaalam.
"Sige na B dumaan lang ako para maggoodluck sa'yo"
Hinawakan ko naman ang mukha niya ng dalawang kamay ko. "Thank you lab it means a lot to me." Sabay hinalikan ko siya ng mabilis sa gilid ng labi niya. Napangiti ako ng nakita kong namula siya at dali dali ng umalis.
Inakbayan ako ni Bea ang captain namin, "O inspired ka na niyan a, galingan natin D let's give our all." Tumango naman ako bilang pagtugon.
Pinangibabawan ata ako ng kaba feeling ko masyado naging predictable ang mga sets ko hindi kami makaubra sa lasalle parang napaghandaan ata kami ng husto. Mas babad sakin si Jaja kaya batid ko na di ganun kaganda ang nilaro ko. Hanggang sa tuluyan na ngang tinangay ng dlsu ang unang panalo sa season 81. Hiyang hiya ako sa pamilya ko na lumuwas pa para panoorin ako ngunit ang masasaksihan nila ay ang masaklap na pagkatalo namin sa kamay ng karibal na eskwelahan. Sa harap ng madaming tao nangingilid na ang mga luha ko, hinahanap ko siya pero kita ko ang pag-aalangan niya lalo na ng lumapit sa akin ang mga magulang ko at niyakap ako. Tuluyan ng tumulo ang mga luhang namumuo sa mata ko. Umagos ang mabigat na damdamin ko sa aming pagkatalo. Waring sinisisi ko ang sarili ko dahil hindi ko naipanalo nagkulang ako bilang setter. Inalo alo nila ako at sinasabing binigay ko naman ang best ko pero di ko talaga mapigilan na pasanin ang bigat ng una naming pagkabigo.
Habang pabalik ng dorm ay nanlulumo pa rin ako habang binabasa ang mga masasakit na salita sa twitter patungkol sa laro ko damay pa pati ang kasintahan ko na wala namang kinalaman sa pagkatalo namin. Gusto kong manapak, sumigaw, magalit pero wala talo kami e panigurado pag sumagot ako ako pa rin ang masama. Pinili ko na lang ibuhos ang mga hinanakit ko sa piling ng unan ko.
Jema's POV
Nasaktan ako ng natalo ang Ateneo, parang teammate ko na din si Deanna dahil ganun din ako kaapektado sa bawat pagkatalo nila. Nakita ko na hinahanap niya ko at gustong gusto ko din lapitan siya at yakapin ng mga oras na yun. Ngunit napatigil ako ng nilapitan siya ng parents niya at niyakap. Awang awa ako sa mahal ko pero wala akong nagawa ng panahon na yun. Minessage ko na lang siya. "B sorry gusto kita yakapin pero andiyan sila. Wag ka na po umiyak nalulungkot din ako."
Nung gabing iyon di rin ako dalawin ng antok alam kong nahihirapan si Deanna dahil sa mga pangyayari at alam ko din nagbabasa na naman yun sa twitter na wala ng ginawa ang mga tao kungdi pagsalitaan siya ng masama at gawan kami ng issue. Minessage ko siya, "B gising ka pa? Asan ka?"
"Uu dito nakahiga na." Reply niya sa akin.
Bumangon na ako at tinungo ang dorm niya wala pa naman curfew papapasukin pa naman ako. Nang andun na ko sa dorm nila ay tinawagan ko siya.
"B nasa baba ako. Labas ka."
Maya maya pa ay nakita ko siya magang maga ang mga mata niyakap ko agad ng mahigpit. "Andito na ko sorry ngayon lang."
Nang akala ko tulog na siya bumangon ako dahan dahan para makauwi na pero hinablot niya agad ang kamay ko. "Saan ka pupunta dito ka na lang please."
"E baka mapagalitan ka."
Kinuha niya ang mga kamay ko at nilagay sa mukha niya at nagpout. "Ngayon lang please." Hindi na ako makahinde Deanna Wong ba't ganito epekto mo sakin napabuntong hininga na lang ako at humiga na sa mga braso niya. Lumipas uli ang gabi na nagkulong muli kami sa aming sariling mundo.
===============================================================================
A/N: I'm really sorry guys, it's been what, more than 2 weeks since the last update. Anyway, here it is and moreso I have written chapter 5 and 7 too. Still have to work on the 6th tho, nonetheless I'm happy to mention and psyched to be honest because I really enjoyed writing the next chapter. Hope when it goes out you will enjoy reading it too. Big congratulations to Ateneo for another 3 sets win against UP and to our very own Deanna Wong for that POG recognition. If it is not too much to ask maybe you guys can hit that vote button too along the way. Thank you so much to all the patient readers of this fic. Peace out y'all and till next.
YOU ARE READING
Why Can't It Be?
RomanceBakit pagdating sa'yo, I'm always at a loss for words, I don't know what to do.