Terrified

3.5K 58 3
                                    

Deanna's POV

Nanginginig yung mga kamay ko habang hinihintay ko yung taong mahal ko. Araw ng mga puso pero tila pinagbagsakan ng langit at lupa ang nadarama ko. Hawak ko yung bouquet ng sunflower sa likod ko habang nakamasid sa pagdating ng kasiyahan ko at napipintong kalungkutan. Nilapitan ko siya at hinalikan sa pisngi, ang tamis tamis pa ng kanyang pagkakangiti na alam ko na baka di ko na masilayang muli.

"Laaab, happy valentines." Sabay abot ng bulaklak galling sa likod ko at muli ay nabiyayaan na naman ako ng ngiting walang katulad mula sa mga labi niya. Kinuha ko ang kanang kamay niya at mahigpit na hinawakan papunta sa aming pwesto. Gusto kong pigilan ang pagkumpas ng orasan at manatili na lang na hawak ko ang kamay niya hanggang sa lumipas ang panahon ko sa lupa. Natigilan ako sa aking mga iniisip nang pinukaw niya ang atensyon ko.

"B okay ka lang ba? Upo na tayo gutom na sila o." Nakatingin siya sakin na may halong pag-aalala. Inilapit ko sa aking mga labi ang kamay niya na hawak ko pa rin at hinalikan ito.

"Oo naman ok lang ako, kinakabahan lang siguro ko sa lingo, tara kain na tayo," Sabay binalingan siya ng makabuluhan na tingin na tila nagsasabing, "Please bear with me." At parang nagbunga ang ilang buwan ng aming pagmamahalan ng agad niyang nakuha ang aking pinapahiwatig. Nabalot na ng lungkot ang kaninang di mapagsidlan na ngiti.

Siya na siguro yung pinakamatapang na taong nakilala ko na kahit alam niya na ang napipintong mangyayari mamaya ay masigla pa rin siyang nakikipag-usap sa aming barkada. Habang ako ito nagfofocus kunyari sa pagkain at pakikinig pero ang mata ko parang nakapako lang sa kanya.

Gusto ko lang maalala yung mga mata niya na kahit anong pagkukubli di maitago ang lungkot na nadarama. Nais kong maalala yung kumikislap niyang mga mata sa tuwing mag-aasaran kami, pakikiligin ko siya at magkasama kami anupaman ang sabihin ng iba. Pero mukhang nagwagi sila.

Gusto kong maalala yung ngiti niya na para sakin lang at wala ng iba. Yung ngiti niya na sabi nila pang toothpaste commercial pa nga pero sakin nangangahulugan lamang na mga ngiti na ayaw kong hinde na makita muli o makita dahil na sa iba.

Gusto kong hawakan yung mga labi mong kaylambot na hinde ko na yata makakalimutan pa lalo pag lumalapat din sa aking mga labi. Wala ng gugustuhin ang mga labi kong makapiling kungdi ang mga labi ng babaeng nasa harapan ko. Mga labing nagpapaalala sakin ng pinakamasayang araw ko sa mundo. Hinde ko na napigilan ng bahagyang pumasada ang aking daliri sa mga labing umaakit sa akin tuwina. Tila may sarili itong buhay habang binabagtas ang kabuuan ng iyong labi. Nakatingin ka lang sa akin na may lungkot pa rin pero di ko inaasahan na ipipikit mo rin ang iyong mga mata na parang gusto mo ring namnamin habang inuukit ko ang mga labi mong nakakabighani.

Gustong gusto na kitang halikan ng panahon na yun pero tulad ng minu-minuto na hinde ko mapigilan ang sarili kong angkinin ang mga labi mo sa tuwing magkasama tayo. Ngunit ang saglit na kasiyahan ay agad natuldukan ng binalik tayo sa kasalukuyan.

"Ehem..." Pekeng pag-ubo ni Bea kaya agad kaming natigilan sa aming sariling mundo.

"Deanna, Jema, baka pwede mamaya niyo na ituloy yan andito pa kami." Naghagikgikan ang mga siraulong to. Kasama naming lumabas sina Bea, Vanie, Celine at Tots triple date kumbaga.

Matapos kami kumain ay saglit na nagkwentuhan. Nagkaayaan pa nga mag "light drinks" daw pagkatapos pero tumanggi na ko dahil may mahalaga kaming dapat pag-usapan.

Tahimik naming binagtas ang daan patungo sa apartment ni Jema. Walang bumabasag ng katahimikan habang lumalalim ang gabi. Nakarating din kami sa paroroonan. Pagpasok ng sala ay tahimik akong naupo at akmang padiretso na siya ng kitchen ikukuha daw ako ng maiinom pero may sariling utak talaga ang katawan ko. Hinila nito ang kamay niya palapit sa akin at naglapat ang aming mga katawan sabay niyakap ko siya ng mahigpit. Yung sinasabi ng mga tao na yakap na walang bukas eto na siguro yun dahil sa panahon nay un para kong ginapos dahil di ko na kayang makawala sa tindi ng pagnanais na manatili sa kasalukuyang pwesto.

Nanatili kami ng ilan pang minute na nakalapat ang mga ulo sa balikat ng isa't-isa. Amoy ko ang pabango niya na parang pumupukaw sa aking magbalik tanaw sa mga panahon na nagigising ako na wala siya at nagkakasya ako sa pag-amoy ng unan niya kasi miss ko pa rin siya, miss ko siya agad. O minsan pag suot ko pa ang damit niya na paglanghap ko ay naiwan pa rin ang amoy niya na nakakadarang talaga. Para na akong adik sa kanya pag naaalala ko yung mga ganyang simpleng bagay na paniguradong mamimiss at hahanap-hanapin ko. Ayaw ko pang kumalas sa pagkakayakap ay nauna ng umalis si Jema sa aking mga bisig.

"Deanna, ano nga pala yung sasabihin mo? Diba yun naman pinunta mo dito." Marahan na paalala nito sa akin na may bakas pa rin ng panlulumo na nanunuot sa boses nito.

"Di ko alam kung pano sisimulan basta ang alam ko lang bakit ba ganito di ba pwedeng walang bawal, walang kokontra, walang limitations." Gusto kong sumigaw ng panahon na yun habang unti-unting tumutulo ang luha namin. Bakit po ba ganito. God knows gano ko kamahal ang babaeng nasa harap ko at ganun niya rin ako kamahal pero bakit andaming nagbabawal at tumututol sa aming pagmamahalan.

"Wala naman nagbago sa nararamdaman ko ikaw at ikaw lang but why do I keep on hurting you, di ko din alam." Napaupo ako sa sofa niya habang sapo sapo ang ulo ko na animo'y sumasakit sa bigat ng nararamdaman.

"Di ko din alam, napapatanong na nga lang din ako asan ba tayo, sa gitna, sa dulo o paikot-ikot na lang pero parang walang patutunguhan sa relasyon na to." Tumataas na rin yung boses niya habang matamng nakatingin sa akin dama ko yung sakit na nararamdaman niya ngunit di ko alam pano papawiin.

"I just want to be proud of having you D pero bawal, hinde pwede, lagi na lang bang Jema wait till I can hold your hand again in public?"

Hinawakan ko ang mukha niya habang pinapahid ang mga luhang namumutawi dito. "I love you so bad and I'm just too selfish you know. For the coming days I won't even have the time dahil I need to focus sa UAAP. Trust me I of all people want your happiness the most. Gusto kita ipagmalaki sa lahat na hey this girl is mine and I'm damn proud of it pero back to square one na hinde na naman pwede. But I'll just be as damned if I let you go now and see you be happy with someone else. Jema pls for the nth time, hold my hand even in the dark pls I can't afford to lose you. I don't know if I'll ever know happiness again without you." Hawak ko yung mga kamay niya nang nilapat ko sa mukha ko habang nakatingin sa kanya.

"Itatry ko B as long as I can kahit ang sakit sakit na. Pero ikaw lang ba ang busy Deanna pano mo nagagawang sabihin na wala kang maibibigay ni kahit latak man lang ng oras mo. Ganun ba talaga ko kainsignificant sa buhay mo?" Sabay turo nito sa dibdib niya na parang may milyon-milyong karayom din na tumutusok sa dibdib ko. "Mabuti pa siguro umuwi ka na muna maaga pa training natin. Gusto mo ba idrop kita sa dorm niyo?"

"Di na siguro alam ko you need to process things and I don't think it is safe for you to drive back with all these thoughts, maggrab na lang ako." Bago ko lumabas ng gate hinawakan ko ang kaliwang kamay niya at nilapat sa dibdib ko habang hinaplos ng kanan ko ang kanyang pisngi na hinilig sa kamay ko habang napapikit na ninamnam ang sandaling iyon. "B, just remember ikaw lang ang laman nito. Always B, don't ever forget." Habang itinuon ko lalo ang kamay niya sa dibdib ko para maramdaman niya ang mabilis na pintig nito na siya lang ang tanging binibigkas mula noon hanggang ngayon. Tahimik siyang tumango hanggang umalis na ko at nakasakay sa kotseng dumating.

Pagdating sa dorm ay para kong hinila ng kama hinde pagod mula sa mabigat na training kungdi pagod sa emosyon. "Mas makakapagfocus nga ba ko kung malungkot mong mukha ang laging maaalala ko?" Bulalas ko sa sarili hanggang dinapuan na ko ng antok.


================================================================================

A/N: I would like to call this an outlet fic. For every emotion that we can't let out especially in that dreaded uaapconfession lol. Anyway, this will be based on real life events meaning what the two have been posting will serve as a prompt for the story itself but just a bit of warning not to blur the lines of reality and fiction. All the feels, narration, POV, actions and dialogues involving the characters in the story are purely a product of my imagination. I'm not used to writing in tagalog but I think it's a breath of fresh air to do so. Anyway, lemme know what you guys think, I already got down the next chapter and will be uploading it in the coming days. So just hang in there guys things will get better maybe not in my story but in their real life story lol.

Why Can't It Be?Where stories live. Discover now