Suffering

1.4K 47 7
                                        

Jema's POV

Narinig ko na ang pagsara ng gate na nagbabadya din ng paninikip ng aking dibdib. Unti- unting binalot ng kadiliman ang pigura ng aking minamahal habang papalayo ang sasakyang may lulan sa kanya.

Tila pinagsakluban ng langit at lupa ang nararamdaman ko habang paakyat sa aking kwarto. Tumutulo pa rin ang mga luha na kahit anong pigil ko ay kusang umaagos na parang walang bukas. Pagsara ko ng pintuan ay napaupo ako at napasandal dito at di na napigilan ilabas pa ang nararamdamang bigat ng mga haharapin namin. Kahit pala gaano niyo kamahal ang isa't-isa andami pa ring balakid sa pag-iibigan niyong dalawa.

Gaano ko kamahal si Deanna? Nagtiis din ako noon na itago nia na hindi masabi-sabi sa mga magulang niya. Oo alam ko naman na di siya out dati at hindi ito madali bilang part ng Chinese family at kailangan ko noon maghintay na maging ready na siya pero di pa rin mawalay sa isip ko na masaktan at pangibabawan ng kaba. Kahit pa nga kami na, yung magulang niya ay botong-boto pa sa iba at sa lalake pa may masakit pa ba dun? Hanggang hiwaga na lang nga ang katauhan ko sa mata ng lahat. Na habang patuloy ang paniniwala ng iba na sila nung kilalang basketbolistang lalake e ako naman talaga ang tinatangi niya.

Yung tipong kahit pagod ako ay hatid sundo pa rin ako sa kanya. Walang katapusang pag unawa kung di niya ko pwedeng makita sa tuwing kailangan ko siya. Kahit gustung-gusto kong madalas masilayan ang taong yun kailangan ko pa rin intindihin kung nasaan siya sa buhay niya ngayon. Ang hirap hirap siguro kasi sanay ako na pag mahal ko di ko kayang ilihim, para kong sasabog pag pinilit kong kimkimin ang nararamdaman ko para sa kanya. Oo andun na yung kailangan talagang maunawaan ko at suportahan ko siya sa pangarap niya. Dahil minsan din akong dumanas neto pero kasi ang hirap hirap. Lalo pag nasanay ka na na abot kamay mo lang siya. Pero heto na naman kami sa isang pagsubok na hahamon na naman sa tatag ng aming pagmamahalan. Di ko talaga mapigilan malungkot kahit na alam kong ako lang ang mahal niya.

Tinungo ko na ang aking higaan at nabalot na rin ng antok at bukas alam ko aasa na naman muli ako dahil sadyang marupok ang puso ko pagdating sa'yo.

"Hirap na hirap ka na diba? Edi tapusin na natin to." Bakas ang kalungkutan at inis sa boses niya na hinde ko inakalang isang araw ay maririnig ko ang mga salitang yun na lalabas sa kanyang mga bibig. Pilit kong hinawakan ang mga kamay niya ngunit inilalayo niya ito sa akin.

"Deanna, ano ka ba wag ka naman magbiro ng ganyan." Pagsusumamo ko rito habang napupuno na ng luha ang mga mata ko na wari'y nililiguan ang damit ko sa walang pagsidlan nitong pagbuhos. Pinipilit kong maging malakas ngunit di ko kinakaya ang mga sinasambit niya sa mga panahon na yun.

"Hindi na kita mahal, ayoko na!" Paulit-ulit umuugong ang mga katagang yun sa aking tenga habang di ko namamalayan na dumidilim ang aking paningin at papalayo siya ng papalayo sa akin. At kahit anong pilit kong abutin siya ay siya namang patuloy na paglayo niya. Nang bigla akong mapabalikwas sa aking pagkakahiga.

Panaginip lang pala pero para akong aatikihin sa puso sa sakit na naramdaman ko parang makatotohanan na di ko mawari. Napahawak ako sa necklace ko at kinapa ang letra na nagsisimbulong sa kanya lang ako. "B, ano bang ginagawa mo sakin..." Napabuntong hininga na lang ako.

Babangon na naman ako at gagawin ang routine sa magdamag, training, labas with friends, social media. Ewan ko ba bat umaasa pa rin ako na sa gitna ng magdamag kong yan may ikaw na biglang darating para bigyang kulay ang normal kong araw. Kahit pa alam ko naman na mahohopia lang ako sa schedule mo. Kaya minabuti ko na icheck na lang ang phone ko para di na kung anu-ano ang pumapasok sa isip ko. Pero yun lang yung kawalan ng paramdam galing sayo parang bumalik na naman ako sa kahapon na gusto ko munang limutin ngayon.

Eto na nga siguro yung sinasabi mong mawawalan ka ng oras. Oras sa ating dalawa na hindi mo ata alam kung gaano ako pinapasaya sa tuwing andiyan ka. Oras na kahit pagod tayong dalawa, yakap mo lang para ng natutunaw ang lahat ng lungkot, takot at kaba na nagtatampisaw lagi sa aking pandama.

Takot, punung-puno pa rin ako ng takot na isang araw hinde na kamay ko ang gusto mong hawakan at hindi na mga labi ko ang nais hagkan. Pangamba na baka magising ka isang araw na ayaw mo na. Ayaw mo na mahirapan at ayaw mo ng masaktan sa pag-iibigan natin na nais wakasan ng iba.

Galit, ayokong magalit pero di ko maiwasang magalit minsan sa mundo na mapanghusga kung anong meron tayo kahit na ang pinanghahawakan ko ay walang humpay mong pagpapaalala sakin na mahal mo ako. Maghintay ngunit hanggang kailan maghihintay sa mga salitang darating ang araw na wala ng magiging balakid sa ating dalawa. Darating nga ba ang panahon na ako naman ang una sa mahabang listahan ng mga nananahan sa iyong diwa?

Pagkaligo ko ay kinuha ko na ang bracelet na bigay mo upang isuot. Sabi mo noon sa akin ang kahulugan daw nito ay walang distansyang makakapigil sa pagmamahalan nating dalawa. Na kahit magkalayo tayo ay ako lang ang nasa isip mo. Kaya nga isuot ko ito sabi mo sa aking kaliwang kamay at isusuot mo sa kanan mo para ramdam natin na kapit kamay pa rin tayo kahit wala sa tabi ng isa't-isa. Ngunit bakit pakiramdam ko higit pa sa distansya ang unti-unti mong paglayo. Bago pa bumagsak muli ang mga namumugtong luha sa mata ko ay kinuha ko ang bracelet pati ang necklace na nakasabit sa leeg ko. Akmang aalisin ko na rin ang singsing sa aking daliri na sabi mo ay tanda ng pag-iibigang walang katapusan para sating dalawa pero hindi ko maalis ito sa kinalalagyan niya. Parang may pumipigil sakin na di ko mawari kung ano. "Deanna naman pwede bang ibalato mo muna sakin magtampo kahit ngayon lang uli. Kasi ansakit sakit na."

Iniwan ko ang singsing na nakadisplay sa kaliwang kamay ko ngunit itinago ko na ang bracelet at necklace sa cabinet ko. Di ko alam kung kailan sila muli babalik maaaring pagbalik na lamang ng kasiguraduhan na may bukas pang masisilayan ang pusong nananabik.

===========================================================================

A/N: I'll be working on the next chapter hopefully I'll be able to put it up before the month of February ends. Pardon for the mistakes on the previous chapter, auto correct really hit me hard lol and I wasn't able to proofread well. I am trying my best to get their personalities to be in sync with how we perceive they are in real life usually it's a problem that is hard to address in a fic. For me I have this bad habit of fusing personalities of the characters sometimes I don't notice that characters appear to be all alike. I would also want to take this time in thanking you guys for voting, commenting and adding this story to your reading list.

Why Can't It Be?Where stories live. Discover now