Uncontainable

1.2K 49 6
                                    

Jema's POV

Ang bilis bilis ng lakad niya kala mo naghahabol ng second ball. Nakakunot na naman ang noo at salubong ang kilay. Eto talaga parang pinaglihi sa sama ng loob. Nakarating na kami't lahat sa apartment tahimik pa rin siya.

"Pupunta punta ka dito wala ka naman palang balak kausapin ako. Sakit pa ng paa ko sa training a kung makapagpahabol ka kala mo nililigawan kita a." Tinry ko lang baka tumawa pero dedma.

Kasalukuyan na kaming nasa kwarto magkatalikod sa kama busy busyhan muna kami sa kanya kanyang phone kasi may dalaw ata tong katabi ko ang sungit. Nagbabrowse ako sa instagram napansin ko na inunfollow niya ako. Aba lintek lang ang walang ganti inunfollow ko din nga siya. Ayun humarap din ang mokong.

"Ba't inunfollow mo ko may atraso ka pa nga sakin."

"At ano naman ang atraso ko sa'yo Deanna Wong?" Paghahamon ko pa dito.

"Bakit dikit ng dikit sa'yo si Coach Karlo kanina?" Tignan mo tong batang to kaya pala masungit inatake na naman ng selos.

"Aba malay ko sa kanya di ko naman siya gusto no. Yan kasi naggirlfriend ka ng maganda kaya pala para kang may regla diyan kung magsungit. Selos na selos ka na naman Deanna Wong." Tawa tawa pa ko habang inaasar siya. Bigla naman ako hinigit papunta sa lap niya at niyakap. Kakilig na sana pero may balak pala kong patayin sa kiliti kairita to. Pinaghahampas ko ng unan para tigilan ako ayaw pa rin paawat di na ko makahinga. Buti tumigil din nabatukan ko tuloy. Nagpapacute pa ang mokong maghimas ng ulo niya napalakas yata ako kaya naman hinalikan ko kaagad ang ulo niya laki ng ngiti naman neto.

"Lab may naisip ako effective na way para di ka na nila lapitan. Napanood ko to kanina sa facebook." Yung mukha niya parang may umilaw sa sobrang proud sa naisip niya. Ano na naman kaya pakulo neto.

Hinawakan niya yung kaliwang kamay ko kala ko naghahanap na naman ng gulo e suot ko naman yung bigay niyang singsing. Tapos tinaas niya yung ring finger ko. "Keep mo lang ganyan tapos pag may lumapit sayo sabihin mo I got a girlfriend." Laki ng ngiti niya pa habang sinasabi yung plano niya.

"Baliw ka ba?!" Bulalas ko sa kalokohan niya.

"O bakit di ka ba proud sakin?" Umakting pang nasasaktan tong taong to. Uto uto naman ako sinakyan.

"Proud kaya. Pero kakahiya naman yan sabihin."

"Grabe kinakahiya niya talaga ko." Tumalikod effect pa tong batang to. Napayakap tuloy ako.

"Di naman po sa ganun e kasi naman alam mo namang out of the blue sabihin ko yun diba para naman akong assuming nun." Pag-alo ko dito. Tampururot na ang bata e.

"E ganito na lang para di ka maawkward gawa tayo ng scene para makita ko pano ka sumagot pag may asungot. Kunyari may crush daw ako sa'yo"

"Excuse me Deanna Wong di kunyari kasi may crush ka naman talaga sakin." Tawa na naman ako sarap asarin ng taong to pikon din e.

Nakasimangot na nagpatuloy si Deanna. "Kunyari nga hindi ako si Deanna Wong ba. Ibang tao si Coach Karlo daw ako."

"Tignan mo to inaaway pa ako pangarap naman pala maging si Coach Karlo." Tinawanan ko na naman siya medyo napipikon na talaga sumasalubong na ang kilay.

"Excuse me din Jessica Margarett Galanza di ko pinangarap maging siya. Kasi yung pangarap ko nakuha ko na." Muntik ako malaglag sa kama bigla bigla bumabanat tong taong to ng pakilig ng walang pasabi.

"Tameme ka no kilig ang mahal ko. Kaya ka nga naging akin e." Nakaganti agad siya sakin may pakindat pa ang loko.

"O dali na balik na tayo sa kalokohan mo." Pagchechange topic ko kaagad namumula na kasi ako lumalaki pa ang ulo niya.

"O sige mag-act na ko kunyari ako siya. A Jema tulungan na kita mag-exercise." Lumapit si Deanna sa likod ko at humaplos haplos ng braso ko ako naman syempre sarap na sarap kakuryente e at minsan lang din naman kami magkatime na maglambingan kaya lubus lubusin ko na.

Umubo kuning si Deanna kaya napadilat ako. Feel na feel ko na kasi kanina ang ginagawa niya. "Bakit parang enjoy na enjoy ka ata sa ginagawa ni Coach Karlo?"

"Adik mo B syempre ikaw ang nasa isip ko. Di yata ako papasang artista e." Natawa ako sa kalokohan namin.

Gulat naman ako bigla akong hinawakan sa bandang baba at tinignan ng malagkit. Balak ata ako tunawin. Jema maghunustili ka pagsaway ko sa sarili. "Good akin ka lang lablab a."

"Sige next na tayo, ibang tao naman di na si Karlo." Pambabasag ni Deanna sa pagspace out ko. Nagtaka naman ako sa posisyon niya ngayon.

"B bakit ka nakaluhod?"

"Nirereenact ko yung ex mo." Napahagalpak ako ng tawa asar din talaga tong jowa ko paborito pagtripan yung ex ko. "Lab curious ako pano mo siya halikan dati yumuyuko ka lagi?" Nabatukan ko tuloy sakit ng tiyan ko kakatawa. Nagulat ako ng bigla akong binuhat sa kama ni Deanna at ang lakas pa ng boses. "Loving loving time."

"Nga pala lab finollow na ulit kita. It's your turn." Pahabol pa niya.


==========================================================

A/N: As promised, enjoy. Will try to ransack a few hours of sleep before work. Anyway, just a friendly reminder to our fellow gawong fans who have reacted violently or unfavorably in the recent interview of Deanna. I know it is inevitable to get butthurt as a fan but just refrain from posting anything negative about them in UAAP Confession, katawa tawa tayo dun swear add to the fact that Deanna, Jema, their friends and take note Deanna Wong's very own mother are reading there so please please be mindful of our words there. We are not helping Gawong's cause by sounding righteous when we only know the tip of the iceberg. Don't make the same mistake that celebrity loveteam fans are making (trust me been there saw how crazy it can get). Don't get unreasonably attached to the point that we are acting as if we are Gawong themselves acting we know more than they do or feel entitled to be Jema and Deanna's voice about their relationship. At the end of the day we only see what they choose to show to the public.

Why Can't It Be?Where stories live. Discover now