--
Minahal ka niya ng higit pa sa sarilí ńiya.
Kahit imposible kinaya niya.
Ilang araw pa lang kayong magkakilala pero parang feeling mo may kakaiba.
At ayun nga sinabi niya sayo ang mga katagang 'gusto kita'
Lumipas ang mga linggo, naghihintay pārin siÿa na tanggapin mo.
Sabi mo susubukan mo,
at ganun nga ang nangyare sa inyo
Ano na nga ba ang sitwasyon nyo?
Kùng yung isa ay nagmamahal at yung isa naman ay tinuturo sa sarili na mahalin ang isang 'siya'.
One sided ba ang tawag dun? O yung love na pilit lang?
Dumaan ang mga araw at buwan. Salamat naman at minahal mo na siya. Pano ba namang hindi eh araw-araw mong sinasabi sa sarili mo na KAILANGAN.
Naturuan mo na rin ang puso mong magmahal,kahit na mayroon parin diyan sa puso mong laman;isang taong pinaasa ka lang.
Sa paglipas ng panahon. Natanggap mo na talaga sa sarili mo na, siya na lang. At hanggang doon pilit mo parin sinasabi sa isip mo na 'Kailangan'
Mahal mo siya. Dapat lang, dahil nakokonsensya ka, ayaw mo din naman na mawala na naman ang isang taong nagmamahal sayo. Mahihirapan ka ulit.
Nagpatuloy ang relasyon niyo hanggang sa..
Nawalan ka na ng oras sa kanya. Siya naman itong si naghihintay na magkaroon ka ng oras para sa kanya.
Ganun lagi ang sitwasyon.
Laging naghihintay na maalala mo siya.
Hahabulin ka samantalang ayaw mo naman magpaabot at patuloy sa pagtakbo.
May time na nadapa siya, naisip niya kung bakit siya naghahabol sayo.
Nagkaroon siya ng lakas ng loob at tumayo dahil sa iniisip niyang 'mahal ko siya'
Nagpatuloy siya sa pagtakbo habang ikaw naman ay papalayo.
Napagod siya at huminto.
Masyado ka nang malayo sa kanya.
Hindi ka na niya maabot.
Wala na siyang pag-asa na natitira pa...
Sa pagtakbo mo, hindi mo namalayan na wala na pala siya.Bigla mo siyang naalala sa mga paraang napapangiti ka.
Hinanap mo siya. Pero wala na...
Wala na ang taong nagmamahal sa'yo. Iniwan mo siya, hindi mo lang alam.
Tumakbo ka pabalik para sa kanya,pero pagod ka na at hindi mo na siya nakita.
Napalugar ka na lang sa isang sulok. Nagsisisi? Oo. Ngayon mo lang narealize ang efforts niya sayo. Pero hanggang realization na lang iyon.
Nabigkas mo ang salitang SAYANG. Oo sayang lang ang oras na inilaan sayo. Dahil hindi ka naman karapat -dapat sa pagmamahal na iyon.
--
Sorry guys. Pumasok lang yan bigla sa utak ko. So hindi ko talaga siya napag-isipan ng mabuti XD.
Thanks.
Vote,Comment or Share :))
-
Riaiisha