Sa isang gilid ika'y aking nakita
Parang may iniisip at tulala
Hindi nag-aksaya ng panahon at sayo'y lumapit na
Baka pagdating ng oras ikaw ay mawalaTinanong ang mga tanong na para sayo'y di mahalaga
"Bakit ba ang sweet ng iyong mga ginawa?"
"Para saan ang pagtulong mo sa akin noong ako'y alalang-alala?"
"Ako lang ba ay iyong pinapaasa?"Sumagot ka sa iyong mga pabirong paraan
Pilit kong inaalala ngunit di matandaan
Basta ang alam ko, ako'y nagmanhid-manhidan
Para di maramdaman ang pakiramdam ng nasasaktanPapaalis ka na parang alapaap
Di mapigilan ang kaninang mukhang mapagpanggap
Sa sandaling ika'y hindi na nakaharap
Di alam ang gagawin kaya't ika'y biglang niyakapLubos na nakaramdam ako ng sakit
Bakit simpleng yakap lang ay iyong pinagkait
Tinanggal ang aking kamay nang walang bait
Humarap sakin na parang nanlalaitNgunit di ko napagtanto ang iyong sunod na ginawa
Niyakap din ako na parang ayaw makawala
Sa yakap mo ako'y nababahala
Baka biglang bawiin at sabihing 'biro lang' ha!Nagising na lamang ako bigla sa pagpapantasya
Nainis ako dahil ito'y paasa
Akala ko, tayo na'y magkakilala
Ngunit hanggang panaginip lang pala--
Another update for a busy week ^_^
Thanks for reading. Vote, comment, share
-Riaiisha