Ang groupchat ay parang life.
Sa pagsimula, nagkakaroon ka ng mga kakilala na pwedeng mahantong sa pagkakaibigan.
Makakahanap ka ng mga taong makaka-intindi at makakapalagayan mo ng loob.
Mapagkekwentuhan mo ng mga nangyayare sayo o kaya naman ay balita mula sa crush niyo.
Nandiyan din ang share-an ng problema o kaya sa pagkakainis mo sa isang bagay/tao.
Mga emoji na nagpapakita kung ano ang nararamdaman mo, merong mga umiiyak, nagdadrama at tumatawa.
May like sign pa nga pag walang magawa sa buhay at basta pindot na lang.
Madalas may mga seener lang na ayaw makigulo sa inyong pag-uusap
At kung minsa'y humahantong sa 'turn off chat' ng mga taong maiilap
---
Sa pag-uusap niyo naroroon ang komunikasyon
pero minsan hindi maiiwasan na mahantong sa konsumisyon.
Mga away na mas malala pa sa operasyon
Kaya nagkakaroon ng pansariling desisyon
Ang magleave sa inyong nabuong konbersasyon,
Kagaya ng mga taong sa iyong buhay ay nawawalang parang ilusyon.
--
Hii.Oy mga beastmode dyan. CHILL GUYS ^_^
VOTE, COMMENT, SHARE
-Riaiisha