---
Maganda ka at matalino pa
Halos lahat ng hinahanap ay nasayo na
Kahit sa talento ikaw ay papabida
Kabutihan sa iyong mukha ay di maikakaila
Ngunit isang araw itong lahat ay nag-iba
Kabaitan na hinahanap ay di ko makita
Bigla kong nalaman sa kaklase kong si Adriana
Na may talino at ganda ka nga,ngunit maldita ka naman pala
Ikaw ay nagpakita ng ugali mong di kaaya-aya
Sa aming canteen ako'y iyong binangga
Ito ba ay ginawa mo ng sinasadya?
O mali ang aking hinala sa iyong ginawa?
Sayang ang talino at iyong gandang nakuha
Ang ugali mo ay sadyang di ko inakala
Sa isang iglap ito'y totoo at kapani-paniwala
Ang dating pagkakakilala sayo ay naglaho na parang bula.
---
HUGOT HAHA!!!!
Salamat sa pagbabasa nyo nito guys and susubukan kong gumawa naman ng story..
entitled: 2 months na lang.
abangan nyo na lang :)
T.Y