---
Bakit ba napakabingi mo?
Hindi mo manlang marinig ang mga dapat na naririnig mo.
Puro na lang kasi iba ang pinapakinggan mo.
Di mo ba alam na malat na malat na ang puso ko sa kakasigaw ng pangalan mo?
Ni parinig sa nararamdaman ko, walang epekto.
Bakit ba napakabulag mo?
Di mo ba alam na ikaw lang ang mahal ko?
Ni existence ko nga di mo alam eh, Hello nandito kaya ako!
Eto ako oh buhay! Pero patay na patay sayo!
Bakit ba napakamanhid mo?
Nagpapansin na nga ako, hangin padin ang trato mo!
Hindi mo ba alam? Sistema ko rin ay napeperwisyo!
Syempre ikaw lang naman ang nagpapagana nito.
Bakit ba ang ganda mo?
Pag naglakad ka lahat ng atensyon nasayo.
Lumuwa na ang mata nila kakatitig sa mukha mo.
Nalaglag na rin ang panga nila sa sobrang inggit sa'yo.
Bakit ba ang snob mo?
Hindi mo manlang pinansin ang pag-amin ko.
Syempre busy-ng busy ka kakapapansin dyan sa crush mo, di mo alam na nandito lang ako.
Bakit ba hanggang friendzone lang ako?
Dahil hindi ko ba siya kasing gwapo?
Ano ba ang nakita mo sa kanya na wala ako?
Lahat naman ginawa ko para lang mapansin mo ah, bakit di ka pa din kuntento?
Naglakas ng loob na nga ako umamin, ngunit binasted mo.
Sadya bang hindi talaga ako ang tipo mo o hindi lang ako ang para sa'yo?
Hayaan mo makakamove-on din ako.
Pero pag nagmahal ako, sisiguraduhin kong kamukha mo.
--
Mga di makamove-on dyan lels!!!Long time no update hahaha!
Thanks for reading, vote, comment and share.
-Riaiisha