Actually last year pa 'to pero hanggang ngayon tandang-tanda ko pa.
Magkakasabay kaming lumabas nang campus pero sa isang iglap kami nalang dalawa yung natira( idk how)
Gusto ko ng mahanap yung service ko kasi alam kong naiilang na siya sa akin kaya mas mabuti ng makalayo ng maaga.
"Ano ba yan nasaan ba naman kasi yung service ko????" I hopelessly said na medyo narinig niya ata.
"Wala kang service, ihahatid kita..."
Narinig ko iyon ng maayos pero feeling ko nabibingi ako... ano raw?
"Ano???"
Hindi siya sumagot kundi naglakad nalang ng mabilis at iniwan akong tulala sa sinabi niya.
--
Hahaha lol.Ang tagal na nitong nangyari pero ramdam ko pa yung pamumutla ko noon haha.
3 na taon na...
Hindi ko na alam.
---