KABANATA 18

110 7 0
                                    


Nagdaan ang ilang araw, tuluyan na ngang bumalik sa trabaho si Nikolai at minsanan nalang siyang umuuwi sa bahay nila. Masipag naman siyang hinahatiran ni Kitty sa opisina ng lunch. Masyadong nang busy si Nikolai at nag-aalala si Kitty dahil doon. Minsan ay napapabayan na niya ang sarili niya dahil masyado itong subsob sa trabaho.

"Where are you?" nagsalita si Nikolai sa kabilang linya.

"I'm here already, paakyat na." natuliro ang dalaga at mas binilisan ang paglalakad.

Malakas na napabuntong hininga si Nikolai sa kabilang linya dahilan para mangunot ang noo ni Kitty. "Sa labas kami magla-lunch, sorry hon." he said, softly spoken.

"A-Ah ganun ba? Sige, nandito palang naman ako sa tapat ng elevator eh. Ayos lang."

"I'm with my investors. Sorry talaga. Babawi ako mamaya hmm?"

Tipid na nangiti si Kitty. "Ano ka ba, ayos lang 'no? Kumain ka ng madami ha? 'Wag kang papagutom."

"Yes, thank you. I'm gonna hang this up, they're waiting for me."

"Okay-okay, bye. Take care, I love you."

"Hmm, I love you."

And the line died. Kitty smiled faintly as she lift the paper bag in her hand.

"Maybe next time Kitty. Intindihin mo nalang." hindi niya kayang itago ang pagkadismaya niya sa kaniyang mukha. Mabigat ang dibdib niyang lumabas ng building. Kahit na maganda ang pagkakangiti ni manong guard sa kaniya ay hindi nabura ang pagkalumbay na nararamdaman niya. Mukhang maaga siyang na-bad mood.

Sumakay siya kaagad sa sasakyan dala-dala ang lukot niyang mukha.

"Para kang bata Kitty." she scold herself. Napapadyak-padyak pa siya.

She put down the paper bag on the back seat when suddenly her phone vibrates on her pocket. She received a text message from him.

From: Honey kong bakla

Let's have a dinner date later. Be ready, see ya!

Unti-unting gumaan ang pakiramdam niya. Marupok!

Nakangiti siyang nagtipa sa screen ng cellphone niya and replied 'Okay'.

She bit her lower lip, "Oh my god!" Kitty exclaimed in excitement. Matagal na rin nung huli nila itong ginawa. Last month pa.

Abot tenga ang pagkakangiti niya hanggang sa nakauwi ito pabalik sa mansion.

Maaga pa man ay nagpaplano na siya ng isusuot niya. Dinner date? Lalabas ba kami or dito nalang sa bahay? Iyan ang katanungan ni Kitty sa isipan niya.

She proceeds to take a bath even if it's 2:00 o'clock in the afternoon. Gusto niya perfect lahat. Nababaliw na talaga siya!

Itinapat niya ang simpleng pastel color na chiffon dress sa harapan niya habang nakatayo sa life size mirror. Bagay na bagay ang lila na kulay sa kutis niya. She decided to choose it from her closet. Sunod naman niyang pinulot ang puting stiletto na may nakapalibot na clear crystals sa heels bilang disenyo.

How To Act Straight? [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon