Sa Puno ng Narra

4 0 0
                                    

Gibuksan ko ang bintana ng bus.

Gihalikan ng hangin ang pisngi ko.

Kapresko ng mga dahon, ng hilamon,

ng bato, at ng basa na lupa.

Ganito pala pakiramdam kung 17 years

na hindi magbalik sa Arakan.

Makilala pa kaya ako ng mga tao doon?

Makita kaya kita?

*

Gidala mo ako sa puno ng narra

kung saan tayo nagabahay-bahay

gamit ang mga sako at mga kahoy na panggatong.

Gusto mo magmayaman, yung mga dahon

ang gigawa mo na pera.

Nagpitas ka ng mga bulaklak ng Santan

at gidugtong-dugtong mo kay

gigawan mo ako ng polseras,

ng kulintas, at ng korona.


Doon tayo lagi nagapahinga,

pagkatapos natin mangahoy sa gubat.

Kung mag-uwi, sa tabi tayo ng Tinanan nagadaan

at ginasabwag natin sa ilog ang mga santan

kay kulatahin gid ako ni tatay

pag mag-uwi ako na may korona.


At naglutang ang mga bulaklak sa tubig

tapos sige lang tayo tawa nang tawa.

Kung nagakagat na ang dilim

ginakwentuhan mo ako

tungkol sa mga kuring mundo, kung paano nagasiga

mga mata nila sa puno ng kawayan

pero hindi man ako matakot uy

kay kabait nila sa mga kwento mo.


At nagalakad tayo paakyat sa bungtod

kung saan kadami masyado mga alitaptap

na daw halos ginabalot na ang mga puno,

nagaigpat-igpat na daw Christmas lights.

Ginailawan nila daan natin.

Gibaba mo bigla ang sako mo ng mga panggatong.

Gihawakan mo ang mukha ko

at gitanong mo, "Balang araw, pwede din kaya maging tayo?"

Nagapalak na ang puso ko nun

at kagwapo mo masyado

habang ginatignan ko ang Mahogany mo na mga mata

habang ginapalibutan tayo ng mga alitaptap,

"Pwede man siguro. Pwede tayo

magtanim ng mga gulay,

mag-alaga ng mga manok at kanding.

Mag-ampon din tayo para wala na bata

na magtulog sa plaza."

At nagtawa na naman tayo ulit

kasi kabata pa pala natin.

*

Pagbaba ko sa terminal, kadami na nagbago.

May gasoline station na.

Marami na mga commercial buildings.

May meron din mga tricycle

na dati habal-habal lang.

Masaya ako sa mga bago na makita ko sa Arakan.

Habang nagalakad ako, nakita ko

ang tarpaulin ng bago lang gid nanalo na mayor dito.

Medyo mataba halos hindi ko na nakilala

pero Mahogany ang mga mata niya.

Kasama niya sa tarpaulin ang asawa niya

na grabe gid kaganda, parang diwata

katabi ang mga anak nila, tapos yung bunso

bago lang gibunutan ng ngipin sa harap.

Kailangan ko na gid siguro magpa-appointment muna

bago kita makita.

Nag-smile na lang ako.


Gibalikan ko ang mga lugar

kung saan mga bata pa tayo.

Naglakad-lakad ako sa tabi ng Tinanan

pero basura na ang mga nagalutang.

Nagakagat na ang dilim

pero wala na ang mga kuring mundo,

wala na din kasi yung mga kawayan.

Nakita ko din ang bungtod sa unahan.

Akala ko mga alitaptap. Kaingin pala.


Gibalikan ko ang puno ng narra

kung saan tayo nagabahay-bahay

pero hindi ko na nakita ang narra,

gigawa mo na pala na bahay.


Listen here: https://podcasts.google.com/feed/aHR0cHM6Ly9hbmNob3IuZm0vcy82NTgwY2JkMC9wb2RjYXN0L3Jzcw/episode/NGFjOWEwNjQtNTAzNy00Y2Y2LWI1MzQtMTM0ZjIzNGIwMDk5?fbclid=IwAR2g4k1FFxll6O8HOw18ehPnOgIrcFWY0QplsZ4_Y1ksBLukWZCSL9CO3O4  

Window Seat ItineraryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon