Tide

3 0 0
                                    

Bakit mag-isa ka lang dito?

Na-lock ka na naman no?

Nagtago ka na naman siguro sa ilalim ng kama,

o gisiksik mo na naman katawan mo sa ilalim ng lababo.

Kanina ka pa nagaiyak.

Tahan na...

mag-uwi din mamaya...

...si Kidlat.


Maya ka lang labas,

samahan mo na muna ako dito.

May dala ako Minute Burger,

sa'yo isa.


Malinis na kwarto ni Kidlat ngayon.

Wala na mga wrapper ng junk foods sa ilalim ng kama.

Hindi na din nagahalo ang mga nasuot sa nalabhan na.

May dalawang bote ng Smirnoff,

hindi sa akin yung isa.


Dali, Tide! Tabihan mo ako.

Maghiga muna tayo

kay kapagod sa trabaho ba.

Diba dito tayo nagatulog?

Ikaw, si Kidlat, at ako.

Ayaw ka niya katabi

kay ginadede mo man kasi mga daliri niya na parang baby,

pero hindi ka na baby.

Damulag ka naman kasi,

kaya sa tiyan ko na lang ikaw nagatulog.

Para kang ulap na grabe kalambot

pag ginayakap kita.

At naga-vibrate ka kapag naga-purr,

parang cellphone ko

kapag nandyan si Kidlat.


Baka huling punta ko na ngayon dito.

Ma-miss ko itong unan

na ginasipsip ang laway ko kada umaga,

na nagamantsa ng color brown kapag alisin ang punda.

Pero ngayon,

mga pakiusap ko na ang ginasipsip nito.

Kung magtulog dito mamaya si Kidlat,

marinig niya din kaya lahat ng gisigaw ko sa unan?

Siguro hindi na.

Simula ngayon,

hindi naman din siya magtulog mag-isa.

Hindi niya na man din malaman

na nagpunta ako dito.

Iparamdam mo na lang sa kanya

pag-uwi niya mamaya.


Huling higa ko na siguro dito, Tide.

Baka huling pagkikita na din natin.

Sana mahalin ka din niya,

nung nag-inom ng isang Smirnoff

higit pa sa pagmamahal ko sa iyo.

Siya na ang bago na mag-aalaga sa'yo ngayon.

Window Seat ItineraryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon