Kalalim ng gabi.
Kalamig ng hamog.Nagalakad tayo sa daan.
"Ano love language mo?" tanong ko.
"Siguro, physical touch. Ikaw ba?"
"Ako siguro, nagasulat ng kahit ano—
mga tula, mga liham. Ka-cheezy gani,
corny pa gid."
Pero sabi mo hindi,
dahil seryoso at tapat ang magsulat.Hawak mo ang susi pagbalik sa pulang pinto.
Makabungol sa loob, pero narinig ko
na gipindot mo ang doorknob.
Grabe kadilim
pero wala may nagpasiga ng ilaw.
Naubos na mga kuwento ko.
Naghiga na lang tayo
at nagtitig sa kisame.Marinig ko ang mga patak ng tubig
ng sirang gripo sa shower room.
Patuloy na ginakilala ang isa't isa.
Gipakiramdaman ang bawat minimal na kilos.
May ginahintay na hindi alam paano sabihin sa mga salita,
pero sa isip mo at sa isip ko,
alam natin eksakto kung ano iyon.
Hininga na lang ang pagitan natin dalawa, hanggang
nagdisisyon ako na wala na pagitan.Lasa kang isaw at amoy usok ng barbecue.
Gipalamig ng hamog ang pisngi mo.
Alam ko ganun din ako,
pero wala na tayo pakialam.
Sixteen degrees na ang aircon, pero
nagataas na nagataas na nagataas
ang init sa loob
na parang Gensan kung udto adlaw.Nagkalat ang mga unan, T-shirts, mga pantalon.
Nagusot ang comforter, bed sheet, at mga habol.
Naglakbay mga kamay natin hanggang saan nila gusto.
Naramdaman ko na may tatlong nunal ka
sa likod, dalawa sa tenga, at isa sa leeg.Giyakap mo ako na parang ahas na ginayakap ang pagkain niya.
Alam ko ano gusto mo sabihin
sa yakap mo na iyon.
Parang hunas at taob ng dagat
ang bawat galaw mo.
Mga raga-raga na nagalaro sa mainit na bumbilya.
Kung hindi tayo mapaso, linlangin tayo ng tubig
hanggang tayo ay malunod.Nung naubos na lakas mo,
nakatulog ka sa braso ko.
Gisuklay ng mga daliri ko ang buhok mo.
Gihalikan ang nuo mo at naiwan
sa mga labi ko ang lasang dagat mong pawis.Nagahagok ka.
Ako, tulala.
Sa liwanag ng streetlights sa bintana.
Naalala ko ang mga gabi na nagabalik lahat—
siya na huling kasama ko sa ganitong sandali.
Mahigit sobra isang taon na man din pala
pero hindi pa din naghilom ang mga sugat.Unang beses ko to ginawa sa tanang buhay ko.
Buo na desisyon ko gawin ito.
Patawad kung ikaw naging kasama ko.
Patawad kung ngayong gabi,
may ginadurog tayo na puso.
Patawarin mo din sana sarili mo,
dahil sa pagsikat ng araw,
maging tula na lang din ang lahat ngayong gabi.Sa himbing ng tulog mo,
hindi mo na siguro narinig
na ginakantahan kita ng Carole King,"Tonight, you're mine completely.
You give your love so sweetly..."Naramdaman ng braso ko
na nagdaloy ang laway mo
sabay nagpasok sa tenga ko
ang maaligamgam na luha ko.