"Punta tayo sa Dreamweaver's Hill, Loves,
kahit sa huling pagkakataon na lang sana..."
mga huling salita ni Kidlat
bago niya gi-rev up ang Honda Beat
na dati ako ang angkas,
pero ngayon
ang taong magsama na kanya
sa biyahe ng buhay.
Kapag mawala ako dito nang matagal na panahon,
ma-miss ko din siguro ang Tacurong,
tulad ng pagka-miss ko sa Arakan.
Mag-alis ako oyy!
Pera tsaka ATM lang dalhin ko para gaan.
Iwan ko lahat ng bagahe
kasama nung maleta na gipahiram ni Ate.
Iwan ko lahat ng stripe T-shirts ko
kagaya ng ahas na ginaiwan ang balat niya.
Iwan ko ang gitara ko
kasama ng aking mga rockstar problems.
Kaya ko man din magbili ng mga bagong damit.
Kaya ko mag-Jollibee lang habang gabiyahe.
Kaya ko magbayad ng hotel para tulugan,
pero sa lodge lang ako magtulog kay sayang ang pera.
Goods man din kay wala ako utang.
Nagsikap gid ako para di magkautang,
kay sa utang na loob pa lang, nalumos na ako.
At least, walang Bumbay na maghabol sa akin.
Mag-akyat na ako sa Yellow Bus.
Dito ako lagi nagasakay noong gatrabaho pa ako.
Baka huling sakay ko na din siguro ngayon dito.
Nagausad na yung mga gulong,
sana mag-usad na din buhay ko.
Sa sidemirror, amat-amat na na nagaliit ang roundball ng Tacurong
parehas na kaliit ngayon ng mga utak nila
na naging utak ko din.
Utak ko na nagaalog-alog kay gisandig ko sa bintana.
Bintana na grabe kaingay,
parang gihalo na bungisngis at hagulhol,
parang kulog na naga-rumble and roll.
Mag-full blast na lang ako ng earphones
hanggang mabungol ako kay John Denver,
"All my bags are packed, I'm ready to go."
Mag-alis ako oyy!
Magpunta ako sa mga lugar na walang makakilala sa akin
Yung di sila magsabi na magaling ako mag-English,
para hindi din nila ako sabihan na perfectionist.
Hindi man ako naga-smart-shame ba.
Gina-excuse lang talaga nila stupidity nila.