Tacurong, Pagod na Ako

3 0 0
                                    

Pagod na ako maggising alas kwatro;

magpasok sa school tapos late man din.

Pagod na ako makipagsiksikan sa multicab.

Wala na ako gana maggawa lesson plan.

Pagod na ako sa nagabago-bago na mga mukha kada Hunyo.

Pagod na ako sa mga multo na giiwan

na nagasama-sama sa akin kahit saan.

Pagod na ako magsulat ng mga kanta para sa'yo.

Pagod na ako magsunog ng mga liham

kay hindi mo man din kasi basahin.

Pagod na ako magpaikot ng baso.

Pagod na ang mga mata ko

kada alas tres ng madaling araw.

Pagod na ako sa alikabok mo

na gipuno na ang mga baga ko.

Naghalo na sa dugo. Naglapot.

Nagdaloy sa mga ugat

at gibalot ang utak at puso.


Tacurong, palayain mo na lang ako.

Hindi na gid ako makahinga.

Window Seat ItineraryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon