💕 T A R A 💕

24 11 0
                                    


Sabihin nyo nang mukha akong pera pero that's what I'm really looking forward kaya ako nag-apply ng work kahit 18 palang ako. Kailangan ko at ng pamilya ko ng pera kasi ako yung bread winner. Tatlong kapatid ko yung pinag-aaral ko tapos si mama hindi na nakakapagtrabaho kasi na-stroke na siya dati.

Actually, sobrang swerte ko nga na na-hire ako sa work ko kahit hindi qualified pagdating sa educational background. Nag-stop kasi ako para makatipid si mama sa mga gastusin ng pamilya namin. Pero ngayon na may work na ako, makakatulong na ako sa kanila. Kaya ayoko sayangin tong chance na'to para kumita ng pera. Pamilya ko ang priority ko at ang focus ko.

First day ko ngayon sa work at excited na'ko.

"Hi, ikaw ba yung new employee?" tanong sakin nung isang guy na taga-Finance department.

"Hello po. Yes po, I'm Tara."

"Hi, Tara. Ang cute mo naman. Tara, akin ka nalang."

Nge. Bakit nagpapa-cute si kuyang taga-Finance sakin? Pero in fairness, cute naman talaga siya.

"I'm Harvey nga pala," pakilala niya with a playful smile.

Relax, Tara. Lalaki lang 'yan. Mas importante ang work mo! - saway ko sa sarili ko.

—------------------------------

LIFE UPDATE: 2 months na kami ni Harvey. Yehey! Natanggal ako sa work ko dahil sa attendance ko kasi gusto ni Harvey, alagaan ko nalang daw siya. Yes, nagli-live in na kami. Gano'n din naman daw 'yon. Kasi kapag kinasal kami, magsasama rin naman kami sa isang bahay kaya bakit pa daw namin papatagalin pa?

Basically, pinagpalit ko yung trabaho ko para sa kanya. Mas pinili ko rin na makasama siya kesa sa pamilya ko. Pero okay lang iyon. Mahal ko naman siya.

Kahit na lagi kami nag-aaway minsan dito sa apartment niya at naririning ng mga kapitbahay namin. Possessive kasi siya at seloso na ultimo mga tropa kong nag-rereact sa mga posts ko, pinagseselosan. Kaya ending, bawal ako mag-cellphone. Tsaka yun din ang reason kung bakit ako lagi absent sa work kasi ayaw niya ako papasukin. Baka daw kasi landiin lang ako ng mga kawork namin. Nakakainis pero Kinikilig naman ako kasi ibig sabihin no'n mahal niya talaga ako.

Buti nga hindi pa kami pinapalayas ng landlady namin. Mag-o-one month na kaming delay kasi sa upa. Sabi naman ni Harvey next payday niya babayaran na niya. Hindi kasi kami nakapagbayad kasi inuna muna niya bayaran yung bill namin sa Meralco. Nagka-disconnection notice kasi kami e. Pero ayos lang iyon. Basta connected parin kami sa isa't isa.

May good news pala akong nalaman. I'm 2 weeks pregnant. Hindi ko pa masabi kila mama kasi hindi ko pa nasi-seen chats tsaka nasasagot mga tawag nila. Hindi ko pa kasi napadala yung sinabi kong pang tuition fee ng kapatid ko kasi nga wala na akong work. Hindi naman ako makahingi kay Harvey kasi ayokong magalit siya. Maiintindihan naman nila mama balang araw.

"Babe, I have good news.."

"F*ck! Talo!" Nagdabog na inilapag ni Harvey yung phone niya sa kama. Naistorbo ko na naman siya sa pag-mo-moba. "Takte naman, Tara. Ano ba 'yon?"

Inabangan ko na sampalin niya ako or masabunutan kasi minsan gano'n ginagawa niya sakin minsan kapag naba-badtrip siya. Nag-hesitate ako ng slight pero mukhang okay pa naman mood ni Harvey ngayon, a. "Buntis ako, babe."

Nakita kong namutla ang mukha ni Harvey. Speechless siya tapos nag-walkout. Nabangga pa nga niya ako sa braso pero hindi naman niya sinasadya 'yon, alam ko.

Siguro bibili lang ng pagkain. Ang sweet talaga ng boyfriend ko. Kaya nga kahit andami kong sinakripisyo para sa kanya...yung work ko, yung virginity ko, yung mama ko at mga kapatid ko...okay lang love naman niya ako. Kaya nga siya yung pinili ko, e.

Hindi naman ako nagkamali sa desisyon ko, 'di ba?

     
                              💕 YUYU

     
            

Pastel Sky - One shot stories and tragediesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon