🖤 SOMETHING'S NOT RIGHT 🖤

22 8 0
                                    

Something's not right...

Naglalakad ako papalapit sa bahay namin. There is something about this day na parang sobrang lamig. Alam kong malapit na ang araw ng mga puso pero hindi naman ganito kalamig dapat. I think...

Something's not right...

And then I saw it. Yung anino. Pag-tingala ko sa bintana sa taas, may anino ng kung sino or kung anuman na nasa loob ng kwarto ko. Hindi ko sure kung ano or sino ba iyon. Walang ibang tao dapat sa kwarto ko so...

Something's not right...

With each step, attempting to get closer to our house, parang bumibigat ang bawat hakbang ko. Tipong hindi ako makahinga. I feel...

Something's not right...

Tumingala uli ako sa bintana at nakita ko na naman ang anino. Parang nakasabit ito mula sa kisame. Wait...

Something's not right...

Biglang may pumarang tricycle sa tapat ng bahay namin at bumaba doon ang Mama ko. Tinawag ko siya pero hindi niya ako narinig. Nilakasan ko tawag ko ng 'Ma' pero hindi pa rin niya ako narinig. Imposible...

Something's not right...

Kaya sinundan ko nalang si Mama sa loob ng bahay. Tawag siya ng tawag sa pangalan ko pero tuwing sasagot ako, hindi naman niya ako pinapansin. Umaakyat siya sa hagdan para pumunta sa kwarto ko. Sinundan ko siya. Then binuksan niya ang pinto, habang ako ay nasa likod niya. But...

Something's not right...

Nasa likod dapat ako ni mama pero bakit nakasabit ako sa kisame ng kwarto ko? Nakadilat ang mata...hindi gumagalaw at wala nang hininga...Habang malakas na sumisigaw at umiiyak si mama ay naalala ko na... Sorry, Mama...Tinry ko naman talaga e. Tinry ko naman yung best ko sa school para makapag-aral ng mabuti...Kahit na nakakapagod...Kahit na araw araw akong puyat...Kahit na gabi-gabi akong umiiyak dahil sobrang hirap...Tinry ko naman po para sa inyo. Kaso...

Something was not right.

🔏 YUYU

Pastel Sky - One shot stories and tragediesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon