"I've been living my life na dependent na sa antidepressants. Hindi ko alam paano ko iraraos ang araw-araw na walang kasabay na gamot para lang makalimutan ang sakit. Gusto ko nalang tuluyan mawala ang kumakain sakin nang buhay. Sinabihan lang ako ng kapatid ko na nahanap niya ang support group na ito para makatulong sa akin".
Ilang araw na ko nakakarinig ng mga storya kung bakit kami nandito sa support group. Someone suffering from depression, anxiety, PTSD, and having suicidal thoughts. All of us have one thing in common, we want to overcome what's eating us alive inside.
Sana nga, kapag natapos ako sa two-week session ko dito, mawala narin ito. Sana ganun kadali. Wala naman akong pambayad sa therapy session at medications para mas mapabilis pawalain ito.
Halos sampu lang kami dito kasama na ang head ng group. Medyo maliit lang rin ang space ng Mind Support Group Center. Aside from the advices and support we receive, may pa-snack bar sila dahil inaabot kami ng meryenda dito. 4 hours session per week.
Pangatlong araw ko na ito pero parang lumalabas lang sa kabilang tenga mga naririnig ko dito at inaadvice sa amin. I know this is supposed to help alleviate the pain, pero bakit ang tagal?
"Thank you for sharing your side, Dara. I know it's a hard process but we will be here for you. We will understand you more. Some of us can relate and let us share our ways to help." sabi ni Gene, ang head ng support group namin.
Matapos niya magbigay ng advice at magshare ng side nila ang may similar experiences, ako na ang sumunod.
"I'm Archimedes, but just Archie. I was verbally abused by my partner recently dahil wala naman daw akong mapatunayan sa kanya na initially namin pinlano nung bago kami mag live-in. Nawalan ako ng trabaho as a data analyst dahil papalitan na ako ng digital software na mas efficient at effective kesa sa labor na pinrovide ko." napabuntong hininga ako at tumuloy uli sa pag-kwento.
"Wala na akong pambayad sa gastusin sa apartment at tinawag akong walang kwenta ni Ramona, girlfriend ko, dahil ambag ko lang daw ay pabigat sa kanya, na sana nakinig nalang daw siya sa magulang niya na wala siyang mararating pag kasama niya ko. All those months, she threatened to leave me with all the debts pag wala akong nabigay sa kanya. At ayun, iniwan niya na ko. Gusto ko lang naman mabuhay nang payapa." nagpapaka-tatag ako at pinipigilan manginig ang boses. There's a lump in my throat that is hard to swallow. Naghalo na ang galit at frustrations ko.
Sympathy. Ayan lang ang pinaparamdam nila sakin nang matapos ako magkwento ng side ko. Hindi ako mabibigyan ng pambayad sa utang ng sympathy na yan pero nakakagaan din kahit papano na may nakikinig sayo. They are trying to help me kung paano maayos ang relationship namin ni Ramona at posibleng alternative na paraan para magkaroon ng bagong trabaho.
Matapos ang third session ng support group, pumunta ako sa snack area dahil napagod uli ako magkwento at nakakapagod i-replay ang sakit na nararamdaman. Habang nilalantakan ko ang Tomi at Cheezy, may lumapit sakin na medyo namukaan ko dahil kahapon lang siya sumama sa amin sa Day 2 session. Something like Brianna or Brenda.
"Hi just Archie" sabi niya. "I'm Brie, like the cheese." How random. Nakipag-handshake siya habang nagpapa-kilala.
"Ayos din pala dito no? We support each other's agony despite having our own battles. Parang we could really help or save each other's lives" nakikinig ako habang tuloy sa pag-kain ng chips.
BINABASA MO ANG
Re: Mind
Fiksi IlmiahRe: Mind is an series of stand-alone anthology or short stories with a take on disturbing yet realistic and probable future when technology overpowers its creator. A dark and twisted alternate reality of revolutionizing what once was beneficial to...