How the hell did I ended up here sitting here in her clean dinning room?
While I watched her back from my post.
She looked like a woman from the vogue cover for this month.
She is wearing her robe casually but it doesn't look like it. Para siyang naliligaw na diwata dito sa mundo.
Napansin siguro nito ang mabigat kong tingin at nagawi ang mata niya sa akin.
“Gomez, stop staring.” Ani nito sa mababang tono. Yes, she just woke the fuck up.
Bakit? Naglasing ang gaga. Ewan ko ba rito sa babaeng 'yan kung ano ang trip sa buhay.
Pero siya lang kamo ang nag-all night ng inom pero mukha pa ring fresh kahit may hangover.
We stood in the same height. Sadyang madaya lang siya minsan at lagi nalang naka-heels. Well, bagay naman sa kaniya kaya, sige na lang.
She have a great face, brain, body, and nothing.
Bagsak sa ugali. Ewan ko ba kay Hail kung ano-anong sinasabi sa'kin kahapon na kesyo mabait naman raw ang babaeng ito.
Pero ang tanong talaga ay saang banda? Itong babaeng 'to ata ang nawawalang tagapagmana ng impyerno.
She is making my hell life more hellish than I anticipated. Kung hindi lang talaga dahil kina Mommy at Daddy ay hindi na ako tutuloy sa ginagawa ko.
Tangina din nitong babaeng kasama ko. Dagdag isipin pa e. Pahirap talaga. Ayaw nalang biglang mawala sa mundo e. Gusto pa talaga ng kasama niya.
“Whatever you saw last night is nothing. You didn't see anything.” Ani nito noong bumaling sa'kin while holding her freshly made coffee. I couldn't help but to offer her an eyeroll.
“Ge. Una na ako ha? Iyon lang pala sasabihin mo pinatagal mo pa ako rito.” I replied, dismissively. While I dragged my tired body out of her unit.
At puta talaga! Sinong gago ang titira sa 107th floor tapos ngayon pa inabutan ng hayop na maintenance ng elevator. Kaya wala akong choice kung hindi tumalon dito o mag-lakad sa kasumpa-sumpang hagdan.
Siguro, isa ako sa mga nagpapako kay Hesus sa krus kaya ako nakakaranas nang ganito hirap.
Pero sa kaniya ko talaga lahat ito isisisi. Parang tanga, inom nang inom hindi naman pala kaya. Kung masamang tao lang ako ay pababayaan ko lang ang epal na 'yon kaso hindi e.
Inabot ako nang halos dalawang oras sa pagbaba ng hagdan. At nagulat naman ako noong makita ko matapos bumaba ay ang siyang pag-alis ng maintenance sign sa elevator.
Wala na bang mas lalala ngayong araw? Nagulat naman ako noong biglang bumuhos ang malakas na ulan. Fuck! Just fucking great.
Zero visibility dahil sa lakas ng hangin at ulan. Tangina mo talaga, Audenzia Irish Montreal. Isa kang sumpa at anak ng demonyo.
“Let's go, dumbass.” Her foxy gray eyes were staring in my dark orbs as if telling me that either way, I will be following her biddings.
Para akong tutang sumunod dito. Everyone seems to know her, since most of the people here in the building flash their eyebrow and smile or even nod.
Akala mo artista si tanga. Pero she looks like a goddess more than a celebrity.
“Guessing you didn't maximize your brain and use the forsaken stairs without asking the maintenance officer if you can use the elevator. You are even dumbfounding me with your stupidity. Are you sure you are leading shithead in the class?” Walang pakundangang ani nito. She did not stutter. Ang sarap niya sakalin.
Nakaka-inis siya kasi totoo.
“And thank you, Genius!” Gigil na saad ko dito. She just shrugged off my words and continue walking as if she owns everything. Well, lagi niya naman itong ginagawa. Hindi na bago sa akin.
She is damn ridiculously high maintenance bitch. Not the bitch with basic sense of bitch. But a bitch you cannot straggle to death because she is making a point. Nabuhay lang para maging pabigat na pahirap sa mundo, lalo na sa law school. Na-bored sa buhay kasi mayaman, matalino, maganda, maganda, maganda ulit kasi iyon ang totoo. She is the perfect visage of aristocratic wealth, fashion, and beauty.
***
“Hoy, may pasok ako kay Justice Rodriguez.” Reklamo ko dito dahil kanina pa umuulan. At wala akong way para makapasok sa school.“I hope stupidity can be a cause of death of people so, those who commits plenty of them can be dead on the spot.” She casually mentioned while eyeing me. Indirectly informing me that she wants me dead because of my stupidity.
“Check the announcement. Ang tanga kasi. Ayaw mag-check ng phone.” Pasaring pa nito bago nagpatuloy lumakad sa malawak na living room ng condo niya.
Edi siya na ang putang perfect diba? Sabi naman ni Ruelle mabait daw itong kumag na ito. Pero bakit hindi naman totoo. Hindi hamak na mas mabait pa si Atty. Reverence dito e.
Ito anak talaga literal ng demonyo. Bakit ba kasi kailangan ko pag-tiisan 'to?
Ah, oo. I have to before I can manage our firm. Pwede naman sa firm na lang ni Atty. Red e. Kaso epal talaga ang pamilya ko at dito pa talaga ako pinadala sa kampon ng impyerno.
Siguro talaga andami kong kasalanan noong past life ko kaya ko ito nararanasan.
I mean, mabuti naman akong estudyante noong undergraduate days ko. Mabuti rin naman akong kamag-aral at kaibigan. Mas mabuti din akong anak at kapatid. Pero bakit ko ba kasi nararanasan ito ngayon?
Agad naman bumalandra sa'kin ang announcement posted 6 hours ago. Meaning nakita na ng kupal na ito na wala kaming pasok kanina pero hindi pa rin ako sinabihan at hinayaan ako mag-mukhang tanga sa pagbaba pero sinundo rin ako sa baba? Gaano ba kalala ang tama nito sa utak?
Siguro naibagsak siya noong baby pa siya kaya ganito.
“Stop thinking nonsense about me.” Ani ng demonyo.
“Ayyy demonyo!” Bulaslas ko matapos bigla nalang bumalandra sa harap ko ang masamang hangin ng UP Law School.
“If I am a devil then I will the prettiest if ever.” Mahangin na ani nito pero may bahagi ng pagkatao ko na gusto siya sang-ayunan. Pero dahil masama ang ugali niya ay huwag na lang baka lalo lumaki ang ulo.
“Sige na. Kuwento mo naman 'yan e.” Balik ko naman rito. Nakita ko ang paglukot ng mukha nito at nagmartsa paalis ang baliw.
Mahilig talaga siya magtayo ng aircon. Lalo na sa kaniyang ulo. Napaka e! Walang wala sa girl crush ko.
She is nothing compared to Atty. Reverence.
That woman is the epitome of class, sophistication, elegance and Intellect.Mabait pa. I love her so much especially whenever she would open her pretty mouth to discuss something. Ay parang gusto mong i-record ang boses niya para mapakinggan mo ulit. She explain complicated ideas flawlessly. Na para bang ang dali lang ng mga iyon. Kaya kahit may kahirapan ang exam niya ay mataas pa rin ang nakukuha ko kasi mahusay siya magturo.
Kung sa utak lang naman pala ang usapan ay may laban naman 'tong epal na 'to. Pero sa personality ay talo na agad. Walang wala 'to.
O, sa'kin lang talaga siya walang modo?
Wala akong maalala na kasalanan sa kaniya para pahirapan ako nang ganito.
Punyeta!
Hays, bakit kasi kailangan pa akong magpa-mentor sa kaniya? Ayoko ko na!
****
A/N: Errors ahead! The timeline is right when Ruelle and Reverence is still in a relationship.
They will be mentioned, along with Hail. But less interaction with the said characters kasi Law School ang topic. I will make sure to get into details with some law and case.Remember Irish from the conference? Her charming personality there will be different from here. (If you know, you know)
YOU ARE READING
Soulless of The Pure
RomanceShe is everything written in books that is entitled to rule the world. Everything magnificent is after her name. But everything about her is just a façade. She is nothing good. She is fucked to the core. She is Audenzia Irish Montreal. While Prielle...