6

287 25 8
                                    

Habang lumilipas ang araw at buwan ay siyang pagdagdag din ng mga dasal at sama ng loob namin sa mga professor namin. Yung dasal at sama ng loob namin kada Crim Rev ay mataas pa sa Mt. Everest.

Wala siyang patawad.

Tipong pati yung kaunting element ay tinatanong. Like, anong kulay daw ng damit ng biktima. Anong oras ang interval. Kung right-handed ba o left-handed.

Pati kung anong grounds pwede din ilagay. Paano daw naging homicide at hindi murder. Saan daw ni-state yung mga elements and how it is interpreted in the lens of Law.

Wala pa naman akong sinco sa kaniya. Baka dos. Joke lang hindi ko talaga alam.

Si Aury naman ay masama ang loob sa 1.5 niya sa written, ayun nakikipag-one-on-one kay Attorney.

Uno siya lagi.

Yung dos na sinasabi kong grade (hula lang 'yon) si Attorney lang naman nakaka-alam ng naka-sulat sa index cards.

Sa ibang block ay wala siyang pinapatawad. Feeling ko wala pang dalawang block ang magiging qualified grumaduate dahil sa kaniya.

Yung mga number one sa ibang block pina-uulanan niya ng 3 at dos sa written.

Paano ko nalaman? Ako lang naman taga-record. Kung alam ko standing ko? Syempre hindi.

“Miss Gomez, can you come here?” Nadinig kong tawag ni Attorney Montreal. We are here in her office. We are checking the pending papers siya naman ay busy sa pagtipa sa laptop at may tinatapos na kaso.

Attorney Montreal is known as one of the hellish attorney. Magaling siya mag-dismiss ng mga case. Walang kaso ang tumagal na hawak niya. At palaging sure win lalo na ang mga pro-bono cases niya.

I heard she haven't slept nung nakaraan dahil sa case na 'yon. She even drive herself to that rural place to gather more information.

At iyong professional etiquette niya ang pumapawi nang lubos kong sama ng loob. Tahimik siya at sarkastiko. Lahat ng lumalabas sa bibig niya ay sarkasmo.

Bawal siya kausapin ng walang common sense lalo't estudyante ka niya, patay ka.

Kung pagtuturo ay wala kang irereklamo. Yung dami nang pinapagawa niya ay nakamamatay.

Yung 60 cases per day parang ginagawa naming dinner dahil mahusay siya mag-discuss.

Kaya siguro walang tulak-kabigin ang Dean. Deserve yung mga papuri na akala namin rumor lang.

Siguro kapag na-bored ulit ang taong 'to ay kukuha ulit ng bagong degree. Minamani lang yung field namin.

At mukhang bata pa talaga siya. Halos ang ibang block ay matanda pa sa kaniya. Kung curious ba ako sa edad niya? Hindi.

Pakialam ko ba sa taong 'yan. Joke.

Bearable siya kasama. Hindi siya utos nang utos. Kapag lang sobrang occupied niya saka siya nag-uutos. Epitome of productivity si Attorney.

Tipong ngayong palapit ang exam ay kahit atheist ka ay magdadasal ka para pumasa.

“Print this file and put it in a brown long folder.” Utos nito sabay abot ng flash drive sa'kin.

Mabilis naman akong sumunod at sa faculty nag-print at sabay lagay sa brown folder. Hindi ko na binasa or kung ano man dahil halatang sa case niya.

Pagbalik ko ay naka-suot ito ng reading glasses while drinking water.

Agad naman akong tumikhim para kuhanin ang atensyon nito. Binalingan naman ako nito ng tingin.

“Okay na po, Attorney.” Tumango ito bago kinuha ang folder sa'kin.

Soulless of The PureWhere stories live. Discover now