7

208 12 4
                                    

“Natapos mo basahin ang cases?” Tanong ni Aury sa'kin noong makasalubong ako sa hallway.

“Almost. Ikaw natapos ka?” Ani ko rito tumango lang ito at ipinakita ang keynotes niya.

“Anong balita kay Attorney?” Tanong ni Aury ako naman ay nagulat sa tanong niya. Why would she ask about Attorney Montreal?

“Nothing special. Tahimik at Masungit. Hindi naman OA mag-utos pero hindi pa kami nag-usap na walang kinalaman sa pinapagawa niya. Tamad din magsalita so ayos lang.” I replied while she just nodded.

“Balita ko engaged daw si Attorney.” Ani nito at tumaas naman ang kilay ko sa sinabi niya.

“Issue lang 'yan.” Kibit balikat ko dito.

“Siguro. But I wonder what kind of person Attorney Montreal is. Ang usap-usapan matagal na siyang may reputation in Medicine. She is one of a hella anesthesiologist. Na kaya niyang mag-induce ng anesthesia kahit sa mga sensitive cases katulad nalang ng mga buntis. I wonder what changed and made her change field of interest.” Aury narrated habang ako naman ay nakikinig lang. Ngayon ako din kasama mo nang curious Aury, bwiset ka.

“Ganun talaga kapag masyadong matalino. Madali na-bbored parang yung dati naming mga prof sa Allejo.” Ani ko rito at tumawa lang si Aury. She know something. Ano kaya 'yon?

“Wala si Attorney Montreal bukas. She will represent a murder case.” Aury whispered while I turned to her with puzzled look. Bakit niya alam?

“Don't look at me like that. Balita kaya sa buong campus. Especially Attorney was making a noise ever since she started working with straight wins.” She appear to be confident with her information. Tumango lang ako bago kami pumasok ng room.

Walang namang masyadong ganap sa class ni Attorney. Umuulan pa rin ng 3 pero mabuti at bihira ang 5 ngayon. Mukhang mga nag-babasa na sila.

Good for them.

Wala kaming pasok bukas. Dahil may hearing sina Attorney.

Ayos na rin 'yon para may oras kaming mag-aral.

***

I went home and slumped to the couch and ponder why the hell I am doing all this?

Hindi namalayan na naka-tulog na ako. I woke up around 2 am. Agad akong nag-brew ng kape at nag-set up sa living room ng laptop at sandamakmak na cases namin.

Mabilis kong inasikaso ang kape ko bago naupo at nagsimulang mag-aral.

Ngunit natigilan ako noong makatanggap ng email from Attorney Montreal.

Good morning, Miss Gomez!

The academe would like you to extend your services as my transitional student assistant by accompanying me to my court hearing later. But if that is not possible let me know so, I could arrange someone else to take your spot.

- Atty. Montreal

Agad naman akong nag-reply na darating ako mamaya. Lahat gagawin ko para sa grade.

Agad naman akong nagsimulang mag-notes at nagbasa ng cases habang umiinom ng kape. Ngayon parang may magic at madali kong ma-absorb lahat.

Nung nakita kong mag-aala sinco ay nagligpit na ako at natulog. Ayoko mag-mukhang may napulot na zombie si Attorney bukas.

Kailangan maganda din ako bukas. Ayokong mag-mukhang kawawa tapos yung kasama ko parang galing ng fashion runway.

Sinabi din niya sa huling reply niya na 7 am ang hearing. Sana maganda ang mood ng taong robot.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 06 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Soulless of The PureWhere stories live. Discover now