CHAPTER 1

1.3K 55 5
                                    


AMBRE'S POV

Nagising ako by the sound of my alarm na bumasag sa katahimikan na bumabalot sa maliit na espasyong nire-rentahan ko.

Kung nasaan ang kama, nasa tabi lang din ang lutuan o kusina, may maliit naman na espasyo para sa CR. 1.5k per month. Which is not that bad considering na nasa 3k lang din ang sinu-sweldo ko kada buwan sa pinagta-trabahuhan kong coffee shop malapit sa campus. Kasama na rin naman sa 1.5k yung bayad sa tubig at kuryente na minsan ko lang din ginagamit.

Since ang schedule ko ay mula umaga at ang pinaka-matagal ay mga 2:00 ng hapon, pumapasok ako ng 3:00 at kami na rin ng mga ka-shift ko ang magsasara nung shop ng mga 11:00 PM. Pabor naman din sa akin dahil walking distance lang din ang pagitan ng shop at ng apartment ko.

Bumangon na rin ako. 5:00 AM, kailangan kong makarating ng school ng 6:00 AM and 7:00 naman ang umpisa ng klase. Usually, I'm always the first one to arrive and kailangan ko pang kuhanin ang susi sa guard since naka-lock pa ang pinto, buti na lang medyo close ko na rin si manong dahil simula 1st semester ay ganito na talaga ang routine ko.

___________

Sumalubong sa akin ang iilang mga estudyante na naglalakad sa hallway, as expected, sarado pa ang room kaya buti na lang ay ibinigay na sa akin ni manong yung susi dahil alam niyang ako pa rin ang nauuna. Hindi naman kasi nagbago ang mga kaklase ko kaya hindi ko rin naman inaasahang mayroong mga magbabagong buhay at maisip na mas mabuting pumasok ng maaga kaysa muntik na laging masarahan ng prof ng pinto dahil sa kupad kumilos, alam na ngang malala ang traffic kapag umaga, late pa rin kung magsibangon at magsikilos.

Matapos mabuksan ang pinto ay ibinalik ko na rin kay manong guard yung susi at tuluyan ng pumasok.

Pabor din naman sa akin ang maagang pumasok dahil kagaya nitong first day, nakakapili ako ng gusto kong pwesto. Sa bandang dulo at pinaka-gilid.

Malayo sa atensyon, malayo sa mga nangangapit-bahay na mga estudyante dahil mga hindi katabi ang tropa. Dalawanan lang kasi ang magkatabi na upuan. Parang yung mga napapanood din sa movie lalo na sa anime. Ganon ang ginawang set-up kasi kapag pinagsama-sama ang mga magt-tropa sa iisang linya lalo na tuwing klase, asahan mo na may magaganap na mga pinagbabawal na teknik.

Alam ko naman na walang tatabi sa akin kaya doon ko na lang nilagay sa katabi kong upuan ang gamit ko. Masyado kasing maalikabok ang sahig, halatang galing bakasyon.

Hinubad ko muna ang salamin ko dahil nanlalabo na rin, kailangan nang punasan. As usual, wala talaga akong makita kapag hindi ko suot 'to. Sobrang labo kasi ng paningin ko, etong salamin na 'to, galing pa sa charity na pinagkaloob sa amin sa ampunan noong junior high school pa lang ako. 

Ngayon, 1st year college na, lumuwas ako at umalis sa ampunan dahil oras na rin naman para matuto akong mamuhay ng walang suporta ng kahit na sino. Nasa hustong edad na rin naman ako, 18 years old kaya nagawa kong mag-apply ng scholarship dito sa isa sa mga magagandang university dito sa Manila.

I'm currently taking BSBA, Financial Management Major. I don't really know why, ayon ang napili ko dahil simula bata ako ay nahilig na rin ako sa numbers, sa math and wala akong ibang maisip na course kung saan pwede kong gamitin yung hilig ko na yon. Wala rin naman kasi akong ganoong plano lalo na sa course. Sa tingin ko dito lang ako magaling at magiging komportable.

Agad kong sinuot muli ang salamin nang magbukas ang pintuan, andito na ang mga "sikat" kumbaga sa klase. They're the most out-going students na halos 1/4 ng klase ay kasama sa mga tropahan nila. Sila yung mga may alam sa lahat ng ganap ng campus at may mga kakilala sa halos lahat ng block.

Nagbukas na lamang ako ng libro, dinaanan ko kanina sa library, dahil alam kong tutulala lang naman ako sa klase sa mga gnitong oras na wala pa ang prof kaya ba't hindi ko na lang abalahin ang sarili magbasa ng mga posibleng lessons namin sa mga bagong subjects.

Ombres Et LumiéresWhere stories live. Discover now