SNH48 Group Best Partners is held by GNZ48, BEJ48 and CKG48. SNH48 Group members partnered together and performed during stages. Fans voted on the best performances and partners through the Pocket48 app. - AKB48 Wiki
AMBRE'S POV
1 week before the competition. Ang bilis, kailan lang noong nilabas yung mga listahan ng lalaban pero may isang linggo lang para mag-prepare para sa ihahandang performance.
Hindi gaya ng inaasahan ko, wala pa namang nangyayaring hindi kaaya-aya sa ngayon kahit na alam kong maraming tao o halos lahat pa nga ang tutol sa naging resulta ng botohan. Maliban sa isa, kahapon ay nadatnan kong panay sulat ng mapanghusgang mga salita ang table ko.
Pathetic, para namang hindi kami mga college sa style nila. Imbis na panghinaan tuloy ng loob ay nainis lamang ako.
Well, hindi pa rin mapapantayan ng inis ko yung masasamang titig ng katabi ko sa table ko buong klase. Hindi siya nagsasalita at nakatingin lamang doon na tila ba ang lalim ng iniisip. Kahit na alam kong hindi maganda ang mood niya, inuuna niya pa rin akong pakalmahin, she's caressing my hand using her thumb from time to time.
Hobby na niya 'yon pero isa rin 'yon sa mga ginagawa niya para pakalmahin ako kapag alam niyang wala ako sa mood.
May ideya naman ako kung sinong may pakana noon, nasa sulat na rin nila ang hint.
Mga worshipper noong Karl. Narinig ko sa mga chismisan ng mga kaklase namin na nagalit daw ang mga yon sa naging announcement. Hindi ko alam kung sinasadya ba nilang iparinig sa akin o ano.
Nawawala lang ang mga bulungan na yon kapag nandito na yung katabi ko.
Sa totoo lang, hindi talaga ako naniniwalang ako ang dapat na manalo dahil unang-una sa lahat, sino naman ang bumoto sa akin para mangyari 'yon? Multo ba sila?
Pero wala na rin akong magagawa dahil hindi rin naman ako tinitigilan ni Kiara. Hindi ko siya masalisihan para kumbinsihin yung mga pinsan niya na baka pwedeng alisin ako sa listahan dahil maging sila, takot sa kaniya.
Wala siyang ibang ginagawa kung hindi pagaanin ang loob ko tuwing nakikita niyang tulala ako, hindi ko kasi talaga ma-imagine ang sarili kong magperform sa harap ng maraming tao. Kung sa recitation pa nga lang, grabe na manginig ang kamay ko at grabe magwala sa kaba ang puso ko.
_____
"Sabi ni Mrs. Mendez, proceed daw tayo sa gymnasium para sa P.E." Saad ng president namin.
Tumayo na rin kami para pumunta kung saan kami pinapapunta ng prof namin. Discussion lang yon pero dahil wala namang designated na classroom para sa subject na 'yon ay lagi kaming sa gymnasium napupunta.
"Let's go?" Hinawakan niya ang kamay ko before intertwining our fingers. Napatitig na lamang ako doon habang sumusunod sa likod niya. Sanay na rin ako, lagi niya yang ginagawa.
"You're staring too much. Now, you're aware how your hand perfectly fits mine?" She asked, smirking.
Hindi ko naman mapigilang mapatawa at mapailing na lang sa mga sinasabi niya.
Gaya ng sabi ko, sanay na 'ko.
That's why kung sakaling bigla na lang siya magsawa sa'kin, gaya ng bigla niyang pagpapakita ng interes sa isang kagaya ko out of nowhere. I don't know what she wants from me and why she's doing everything na in the end of the day, sa'kin pabor. If one day, her eyes won't shine like they usually do kapag nakikita niya 'ko, if she no longer find me amusing or interesting at bigla na lamang umalis kagaya ng biglaan niyang pagdating.