CHAPTER 7

578 34 11
                                    


AMBRE'S POV


"Try this, Ara. I bought it from my favorite resto, naalala kita kaya dumaan muna 'ko do'n on my way here." Sino pa nga ba? Si Matt, si Reagan daw ang nag-aya sa kaniya. Nandito pa rin kami kayna Nixie, nagta-tanghalian at balak magpalipas ng oras hanggang gabi dahil wala naman kaming gagawin.

Hindi ko maiwasang mapangalumbaba habang nilalaro na ang pagkain nang makita kong hindi man lang nagrereklamo yung isa. They're having a great time, actually. Para silang may sariling mundo.

Nasa tapat ko si Kiara at nasa tabi niya si Mateo, si Reagan naman ay nasa tabi ko.

Biglang nawala ang gutom ko. 

Napatingin ako kay Reagan na nilalaro lang din ang pagkain niya habang pasimpleng nasulyap sa dalawang nasa harapan namin.

Hmm, I saw him gritting his teeth every time na nag-uusap yung dalawa. 

'I feel you.'

Mukhang may karamay ako ah, tama ba 'tong hinala ko? Kung oo, may kasama na 'kong magdusa.

Humarap ako kay Reagan nang nakangalumbaba pa rin. Inilapit ko ang hintuturo ko at ipinatong ang kamay sa balikat niya until he finally looks at my direction and I poke his cheek.

I smiled at him at nang mapagtanto niya ang dahilan ay agad nanlaki ang mga mata nito at umiwas ng tingin. He cleared his throat at kita kong namumula ang kaniyang tainga.

Huli ka!

Sunod-sunod na ubo ang narinig ko sa ibang mga kasama namin sa hapag kaya naman ay napalibot din ako ng tingin.

They're all looking at us at may mapaglarong ngiti sa mga labi nila.

"Itigil niyo 'yan at kumain na kayo." Malamig na tugon nito, tsaka ko lamang inilayo ang aking hintuturo at nagkibit balikat sa mga kasama.

Napapitlag naman kaming lahat nang isang malakas na pagbagsak ng kubyertos ang bumasag sa mga tawanan. 

Si Kiara na nakakunot ang noo at ang sama ng titig sa pagkain. Yung katabi niya ay parang nagulat din at agad na umayos ng upo.

________________

Nandito kami ngayon sa may pool area, nakaupo lang ako sa may tabi dahil ayokong lumusong. Hindi naman sa hindi marunong lumangoy pero tuwing magbababad ako, 'pagtapos no'n, isang araw akong lambot, sobrang sakit ng buong katawan at hirap huminga. Para ba 'kong naghihingalo na. 

Si Kiara ay halata pa rin ang bad mood, pero hindi nagpapatinag si Mateo at tuloy pa rin ang daldal sa tabi niya. Paa lang naman ang nakababad sa kaniya, mukhang wala rin sa mood na lumusong. 

Maya-maya ay tumabi sa akin si Reagan, naka-polo pa rin at mukhang wala rin balak makisaya. Yung ibang pinsan lang nila ang nagtatampisaw. 

"Tigilan mo nga yung kaka-ngiti mo ng ganiyan." Saad nito nang hindi ako binabalingan ng tingin kaya naman agad akong napatawa.

"So, kailan pa?" 

"Detalyado ba gusto mo? Tanda ko yung oras." He raised his brow habang nakangisi sa akin.

"Naks, whipped cream ka pala ha?"

"'Wag ako, alam kong parehas lang tayo ng sitwasyon, Ambre." Agad naman akong napanguso sa sinabi niya.

"Ikaw naman, binibiro ka lang, namemersonal ka na."

"Lakas mo din e, parang kailan lang hindi ka makatingin sa mata ng tao."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 11 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ombres Et LumiéresWhere stories live. Discover now