AMBRE'S POV
We're currently on our last subject para sa araw na 'to. Nagd-discuss ang prof habang itong katabi ko naman, kinakalikot ang kamay ko na nasa lap niya. Puffing her cheeks habang nakatungo na akala mo sa module nakatingin.
It's been nearly 2 months simula noong mag-transfer siya. 2 months na rin nang magsimula akong masanay sa presensya niya dahil halos araw-araw na rin kaming nagkikita.
Minsan pumupunta siya sa cafe kapag may duty ako tapos walang pasok, minsan naman din ay pumupunta siya sa apartment kahit hindi nagsasabi kaya sa madaling salita, talagang araw-araw nga kami nagkikita.
Isang linggo ko rin siya bago mapilit na huwag na akong hihintayin kapag nasa duty ako after school. Mahirap siyang mapapayag pero wala na rin akong nagawa noong may kondisyon siyang hiniling, sinusundo ako parati ng isang bodyguard niya after ng duty ko, using her car.
Ngayon, hindi ko malaman kung anong tinitingnan niya sa kamay ko. Hindi nalang ako uma-angal dahil nasanay na rin ako. Ganito siya kapag hindi niya naiintindihan masyado yung tinuturo nung prof. Maliban sa minsang malalalim na filipino words, hindi niya talaga maintindihan yung whole topic dahil nalaman kong last year na pala dapat niya sa college pero pinili niyang mag-transfer dito at ibang course pa kaya naman may mga terms talaga siyang hindi siya pamilyar.
Sinusubukan ko naman siyang turuan lalo na kapag may mga quizzes kinabukasan. Hindi rin niya nabanggit yung dahilan kung bakit niya pinili na lumipat kahit graduating na siya.
-
Natapos na ang klase at mag-aayos na sana ako ng gamit nang biglang pumunta sa unahan yung class representative namin.
"Okay, guys. Listen up." Natahimik ang mga chikahan at tumingin sa nagsalita sa unahan.
"As we all know, eto na yung buwan kung kailan magaganap yung 'The Best Partners', napanood natin siya last year pero unfortunately, Educ Department ang nanalo. Ngayon, pipili na ulit tayo ng magiging pambato ng department natin. Kung may 1/4 yellow pad kayo, pakisulat ng pangalan ng gusto niyong ilaban. Kami na ang bahala na magbilang mamaya, ganiyan din ang gagawin ng ibang blocks para fair ang pagpili."
Samu't saring bulungan ang bumalot sa buong silid. Halos lahat ay nakatingin sa katabi kong wala pa ring kaalam-alam. Kaya naman binawi ko ang kamay ko na siya namang nagpatingala sa kaniya sa akin at naka-kunot ang noo.
Kanina pa yan grumpy, may dalaw siguro.
"Naintindihan mo ba yung sinabi?"
"What?" Sabi na nga ba at malayo ang isip nito.
"'The Best Partners', we will choose the candidates that will represent our department by writing their names sa 1/4."
Itininapat ko naman sa kaniya ang hinati kong yellow paper.
"Dito mo isulat." Agad naman niyang ginawa yon at ganoon din ako.
'Kiara' - ito lamang ang laman ng papel ko dahil wala akong maisip kung sinong pwedeng i-partner sa kaniya.
Hindi ko naman na nakita ang nilagay nitong pangalan dahil pagtunghay ko ay nakatiklop na rin ang kaniyang hawak na papel.
Kinuha ko na ito sa kaniya bago tumayo dala ang bag at ipinasa ang papel.
Dumeretso na ako sa pinto, binuksan ito at pina-una siyang lumabas bago ako sumunod.
"Wala akong duty ngayon kaya baka umuwi nalang ako. Ikaw, saan ka?"