CHAPTER 2

880 44 14
                                    


AMBRE'S POV


Dahan-dahang nginunguya ang laman ng bibig, kunwari hindi gutom. Nagulat ako kanina nang makita siyang nakatayo sa harapan at may dalang binalot ata dahil mukhang hindi naman niya binili sa cafeteria o sa kung saang resto. Nakalagay kasi siya sa talagang pang binalot, dalawang lalagyan na may lamang kanin at chop suey naman sa isa pa. 

Medyo alanganin pa ako dahil bukod sa gusto niyang salo kami sa ulam dahil 'yon lang talaga ang dala niya ay may allergy din kasi ako sa talong which is ingredient ng chop suey. 

Sigurado rin ako na nakita niya yung pagkinang ng mata ko kanina nang makita kung ano yung ulam dahil ito talaga yung paborito ko. Ito kasi talaga yung niluluto sa amin sa orphanage dahil siyempre kailangan healthy din kaya natutunan ko rin talaga 'tong mahalin habang lumalaki ako. Lalo na ilang buwan na rin akong hindi nakakadalaw doon kaya hindi ko talaga natitikman yung dish na 'to dahil rin wala naman akong oras na magluto ng medyo matagalan. Hanggang Linggo din kasi ang trabaho ko, ako mismo ang nag-request non dahil sayang din ang magiging suweldo at wala rin naman akong ibang gagawin sa apartment kung hindi ang tumunganga lamang. Kapalit naman non ay ang mga leave na pwede kong gawin sa trabaho lalo na kapag may kailangang gawin na related sa pag-aaral ko.

Medyo nakaka-pressure man dahil kanina niya pa ako pinapanood habang parang may hinihintay, hindi pa rin kasi siya nag-uumpisa na kumain. Hindi ko naman maitatanggi na nag-eenjoy ako dahil katulad ng lasa ng chop seuy na kinakain ko noon sa orphanage. 

"Masarap." Simpleng sabi ko habang nakangiting binasag ang katahimikan.

Sumilay naman ang ngiti sa mga labi niya matapos ko iyon sabihin at tsaka siya nag-umpisang kumain ng kaniya.

"Sinong nag-" Tatanungin ko sana siya kung sinong nagluto dahil halos kaparehas talaga siya ng lasa nung kinakain ko noon nang matigil sa kamay niya ang mga mata ko.

Ngayon ko lang napansin dahil masyado akong busy umiwas sa kaniya noong unang subject pa lang, tumambad sa akin ang kamay niyang puro band aid lalo na ang kaniyang mga daliri.

Napansin naman niyang nakatingin ako sa kamay niya kaya dali-dali niya itong tinago sa sleeve ng suot niya.

She cleared her throat bago magpatuloy kumain at ganon na lamang din ang ginawa ko.

Pansin ko din na walang talong yung luto niya, siguro ay coincidence lang, baka hindi rin siya nakain non.

______________

Natapos kami sa pagkain at nasa hallway na, titingnan na namin ang room kung saan ang second class namin, pero siguro ay hindi pa bakante dahil dalawang oras pa bago magsimula ang klase namin.

"Show me around the campus?" Napatingin ako sa kaniya at napakamot sa batok.

First year lang rin kasi ako at ilang buwan pa lamang dito, hindi ko pa alam lahat ng facilities na meron sila dahil talagang lagi akong nauwi kapag tapos ng klase, wala rin akong organization na sinasalihan dahil wala rin nama akong oras para doon.

"Why don't I show you around instead?" Napabaling ako sa taong nagsalita, kung hindi ako nagkakamali ay siya si Reos, President ng SSG. 

Kita kong nawala ang ngiti ni Kiara sa labi at ang pag-irap nito nang ipulupot ni Reos ang kaniyang braso sa balikat nito.

Do they know each other?

"Oh, come on, Ara. I did you a favor para ipasok ka dito kahit na kalagitnaan na ng school year oh, don't give me a cold shoulder." I saw him pout.

Ombres Et LumiéresWhere stories live. Discover now