AMBRE'S POV
"Do you have anything you'd like to ask me?" Basag nito sa katahimikan, papunta na kami sa room para sa first subject kaya napahiwalay na rin sa iba.
Napabuntong hininga ako sa tanong nito.
"Why? Masasagot mo ba kung sakaling meron?"
She just shrugged her shoulders.
"Depends?"
"Bakit parang nagpa-panic ka kahapon?" Agad itong napatigil sa paglalakad at humarap sa akin.
"I was worried, okay? I don't know where you disappeared to, I went to your apartment but you weren't there and you haven't answered any of my calls."
Para akong biglang na-guilty, parang ang sama ng dating ko sa inaasta ko ngayon. Nag-aalala siya sa'kin pero eto ako, kung ano-anong hinala ang pinapasok ko sa utak ko.
"Sorry, hindi naman ito yung gusto kong iparating. Sorry rin dahil pinag-alala kita."
Ngumiti lang ito sa akin. She's still looking at me with soft eyes, kahit kaninang mukhang pinaparatangan ko siya, hindi naaalis yung lambot ng tingin niya sa akin. Walang disappointment o kung ano man. She's too sincere na parang wala siyang gusto kung hindi ang paniwalaan ko siya.
"It's all fine. Let's go." She held my hand at nagsimula na ulit sa paglalakad.
"Paano mo nga pala nalaman na nandoon ako?" I felt her stiffened, napatigil sa paglalakad at medyo napahigpit ang hawak nito sa aking kamay.
"I have my ways." Sagot niya nang hindi tumitingin sa akin, hindi na rin ako nagtanong pa at nagpahila na lamang.
_____________
Natapos ang first year nang gano'n na lang. Nasanay na rin ako sa routine ng halos araw-araw naming pagkikita ni Kiara. Kapag weekends, nags-sleepover siya sa bahay. Minsan naman doon kami sa bahay ng mga pinsan niya. Come to think of it, hindi pa 'ko nakakapunta sa condo niya. Mas gusto kasi nito na sa apartment ko lagi kami.
Bakasyon na, meron kaming mga 2 months para magpahinga bago ang enrollment ng second year. Wala rin naman akong ganoong balak sa bakasyon kung hindi ang magtrabaho, at dahil wala naman na akong gagawin, siguro ay magre-request na lang ako na magduty sa mga bakanteng oras ko para dagdag kita rin.
Wala pang masyadong customer dahil maaga pa. Hindi ko namalayang napatitig na lamang ako sa pwesto kung saan usually umuupo si Kiara. Speaking of that woman, nag-text siya sa akin na hindi siya makakapunta, wala namang problema sa akin yon. Nasanay man akong lagi siyang nandito, naiintindihan ko rin na hindi naman sa lahat ng oras e lagi siyang nandito kung nasaan man ako. May mga bagay rin siyang kailangang unahin. Ange hindi ko matanggap, yung rason niya.
From: Sera
Hey, I can't make it today. Matt asked me to choose a gift for his mother's birthday since it's coming up soon. I'll see you tomorrow, don't forget to eat on time.
Napairap ako nang maalala yung sinabi niya sa text. Hindi ko alam kung bakit naiinis ako lalo na sa Mateo na 'yon. Oo, Matt na ang tawag, may nickname na sila sa isa't isa. "Ara" naman ang tawag noong isa sa kaniya. Taga-ibang department yon, engineering ang course at pambato rin noong nakaraang The Best Partner. Hindi ko rin alam kung kailan sila naging close pero simula noong matapos yung event ay parati na siyang naaligid kay Kiara. Yung isa naman, parang wala lang sa kaniya.
Minsan talaga, nakakainis yung mga masyadong mabait e. Hindi niya ba halata yung mga parang hopeless romantic na titig sa kaniya nung lalaki na yon.
_______________