Part 3 PANIMULA

14 1 0
                                    

Leigh Anne's POV:

"Anne,anak.Ayos na ba lahat ng dalahin mo?Baka may maiwan ka pa."paalala Sakin ni nanay.

Alas tres y medya ng madaling araw,nag-aasikaso Ako paluwas NG Manila.Duon Ako mag-aaral ng koliheyo.Alas Tres pa lang gising na si nanay kanina upang ipagluto Ako ng almusal.

"Okay na po lahat Nay.Kagabi ko pa Po tsenek lahat ng dalahin ko.Si Tatay Po?"sagot ko Kay nanay.

"Tulog pa PO ba sya?"

"Naku anak,maaga syang pumalaot at may order daw sa Kanya na isda at pusit sa bayan.Nagmamadali nga sya kanina."Ani ni Nanay.

"Ganun Po ba?"sagot ko habang nagtatali Ako ng sintas ng sapatos ko.
Nagmamadali Ako kasi kinse minutos na lang dadaan na Ang bus pa-Manila.

"O,ubusin mo itong gatas mo.Pinagbaon na din Kita ng tinapay.May palaman na rin sakaling gutumin ka sa byahe."

"Salamat Po nay."

"Mag-iingat ka dun anak ha.Alam ko,kahit Di Kita paalalahanan,alam Kong kayang Kaya mo Ang sarili mo.At alam ko din kung gaano ka kabuting tao.Basta,makisama ka din lang ng mabuti sa mga ninang mo.At alam ko din naman na may kusa Kang tao."nakangiting Saad ni Nanay sa akin.Kita sa mata nya ang kasiyahan.

First time Kong mapapahiwalay sa kanila at sa mga kapatid ko.Panganay Ako sa limang magkakapatid.
Sa Manila Ako magka-college dahil na Rin sa hiling ng ninang ko na best friend ni Nanay.Sa kanila din ako tutuloy.Natuwa Ang Ninang ko nang
Grumaduate Ako ng High School bilang Valedictorian Kya inofferan nya akong papag-aralin.

Marami akong inexsaman na School sa Manila,at sa awa ng Dios,lahat naman ay naipasa ko.Ngunit mas pinili Kong sa UP mag-aral.Nuon pa man,pangarap ko ng sa UP mag-aral at target ko talagang maging Scholar ng bayan.Mahirap lang kami.Mangingisda si Papa,samantalang mananahi naman si Mama.

Habang lumalaki Ako,nakita ko kung gaano kahirap Ang Buhay.Si Papa na kahit masama Ang panahon,napipilitang pumalaot para lang may pangkain kami araw-araw.
Si mama naman,tumatanggap lng ng mga magpapatahi.At bibihira lang ang kanyang parokyano..
At dahil Lima kaming magkakapatid,Hindi sumasapat Ang Kita nila.Kaya,napilitan na din na tumanggap ng labada si Nanay paminsan-minsan.

Pag uwi ko galing school,tinutulungan ko pa si Nanay sa paglalaba.
Naiiyak akong tingnan Ang mga kapatid ko kapag may gusto Silang laruan o pagkain na Di mabili ni Nanay sa kawalan.
Kaya buo sa puso at isip ko na mag-aaral akong mabuti,magtatrabaho at tutulong sa pag-aaral ng mga kapatid ko.

"Halika na,'nak.Lumabas na Tayo at baka dumaan na Yung bus."pukaw ni nanay sa pag-iisip ko.Kita ko Sya na hawak na sa isang kamay Niya Ang Isa ko pang bag.

Tumayo na din ako at binitbit Ang isang bag ko .Inabot ko na din Ang gitara kong nasa case nito at isinukbit sa balikat ko.

Sinalubong kami ng lamig ng madaling araw..
Naupo kami ni Nanay sa upuan sa labas ng Bahay.Ininum ko pa ang papalamig ng gatas sa tasa na inabot ni Nanay sa akin kanina.

"Nak,mag-aral Kang mabuti.Tuparin mo Yung mga pangarap namin ni Tatay mo na Hindi namin nagawa."
Nakangiting baling ni Nanay sa akin sabay hawak sa Isa Kong palad.

"Natutuwa Ako na matalino ka.Na magiging Scholar ka Kaya naman madali na lng Ang pag-tupad mo sa mga pangarap natin."

"Opo Nay.Mag-aaral Po Ako ng mabuti.Ingatan nyo po ni Tatay Ang mga sarili nyo.At Ang mga kapatid ko Po.Ako ho Ang bahala sa mga pangarap natin."kumikislap Ang mga matang Sabi ko Kay Nanay.

Ngayon pa lang,excited na Ako sa pagpasok.Hilig ko Ang magbasa at mag-aral,Kaya naman Hindi naging mahirap para sakin Ang mga lumipas na taon na nasa eskwelahan Ako.

Araw-araw,okay lang kahit maagang gumigising kasi bilang panganay,obligado akong mag-asikaso ng almusal namin.
Si tatay Kasi madaling araw pa lang napalaot na upang mangisda.Samantalang si Nanay,hinahayaan ko pa syang matulog sa umaga Kasi alam Kong pagod sya sa paglalabada at sa pagtatahi.Kinasanayan ko na din naman Ang paggising ng maaga.

Kahit minsan kulang Ang baon ko pag napasok,okay pa din Sakin,Basta nakakapasuk.Naiintindihan ko Yung sitwasyon namin.Marami kaming magkakapatid Kaya ayos lang sa akin.
Dibale ng Ako Ang makulangan sa baon wag lang Ang mga maliliit ko pang kapatid..

Tuwing papasok Ako sa School,sinisiguro ko sa sarili Kong kumain ng madami sa Bahay para kahit kunti lng Ang pambili ko sa recess namin,ayos lng..Mas pinaghahandaan ko sa munting baon ko Ang mga school things na minsan ay biglaang pinabibili ng mga teachers namin.

Natigil sa pagdaloy Ang isip ko ng marinig Ang malakas na busina NG papalapit ng bus.Nag-iisang bus liner ito dto sa probinsya nmen sa Batangas.

"O sya,Ayan na Ang bus,hawakan mo na lahat ng gamit mo."Ani ni Nanay sabay yakap sa akin.kinuha ko naman Ang mga gamit ko at bumaling Kay Nanay."Nay,Ang mga kapatid ko ah,"
Ngiti ko sa kanya..

"Ingatan ka nawang lagi ng Dios,anak.Manalangin Kang lagi sa Kanya."tango nya pa sakin.

"Opo."at pinara ko na Ang bus.

Kumaway Ako Kay nanay ng makaakyat at makaupo na Ako sa tabi ng bintana..

Nang umusad na Ang bus,ipinuwesto ko na NG ayos Ang sarili ko.
Halo-along emosyon Ang nararamdaman ko.Saya,lungkot,excitement.

Saya Kasi finally,ito na ung unang hakbang para sa pag-tupad ko sa mga pangarap namin nila Nanay at Tatay.

Lungkot Kasi mapapahiwalay Ako ng ilang taon sa mga kapatid ko.
Para na din nila akong Nanay.Ako Ang gumagawa ng lahat para sa kanila pag minsang umaalis si nanay.

Excited naman Ako sa bagong yugto ng Buhay na tatahakin ko.

Napabuntunghininga Ako at muling inalala Ang huling bisita NG Ninang Lucille ko sa Amin.

"Naku Rosa,napakatalino naman Pala nitong si Leigh Anne!Ganitong Bata Ang masarap papag-aralin!"ngiting-ngiting Sabi sa akin ni Ninang Lucille habang hinahaplos Ang mahaba at alon-alon Kong buhok..

"Rosa,ayus lang ba sa inyo ni Nanding na papag-aralin ko ng koliheyo sa Manila itong si Leigh?Sa Bahay ko na din sya titira.Kami na Lang naman ni Ashley Ang nakatira sa Bahay.Si Amado ay matatagalan pa sa trabaho nya sa Ireland."banggit pa ni Ninang na Ang tinutukoy ay Ang asawa nya.

Nagulat Ako sa offer ni Ninang.Maging si Nanay at Tatay ay nakamaang lang din Kay Ninang Lucille.

"T-totoo ba Y-yan Mareng Lucille?"
Nauutal pang tanung ni Nanay..

"Oo Mare!Nais ko kayong tulungan.
Sayang Ang talino ni Leigh kung hanggang sekondarya lamang sya."kibit-balikat pang Ani ni Ninang.

"Naku,Mare..Ngayon pa lng,tatanawin Kong malaking utang na loob sayo itong gagawin mo para sa anak ko! Eto nga't nag-usap lang kame kagabi ni Nanding na Hindi nmen kayang papag-aralin NG koliheyo si Leigh."
Naluluhang anas ni nanay.

"Wala pa man,Mareng Lucille pero nagpapasalamat na Ako ng sobra sa Dios at sa iyo!"gagad na Saad naman ni Tatay.

Kaya naman sumama na din ako agad nung paluwas NG Manila si Ninang para kumuha ng entrance exam sa halos limang school.Sinamahan Ako ni Ashley, anak ni Ninang Lucille sa mga school.

At Ngayon nga,muli akong pabalik ng Manila para mag-enroll at hintayin na lamang doon Ang pasukan...

Haay,excited na talaga Ako!

Tiningnan ko Ang Oras sa maliit na relo sa aking bisig...May dalawang Oras pa para sa byahe...

Sa terminal NG bus sa Cubao Ako susunduin ni Ninang .Napag-usapan na namin ni Ninang ito kagabi pa sa cellphone.

Humikab Ako at nakaramdam ng antok.Matutulog muna Ako tutal matagal pa naman Ang byahe ..

HANGGANG...(Leonard & Leigh Anne )Book 1Where stories live. Discover now