Part 1

52 2 0
                                    

Nagka-crush ka na ba?

Napukaw na ba ang interes at kamalayan mo sa isang tao?
Nahulog na ba ang  loob mo sa isang malapit na kaibigan?

Hah!Panu mo ba masasabi na in love ka na sa kaibigan mo?
Anu-ano bang palatandaan na unti-unti ng nag-iiba ang pagtingin mo sa Kanya?

Nadudungol Ako.
Hindi ko alam Kung paano tatanggapin yung sinasabi nilang nahuhulog na sya sa akin.

Para sa akin kasi,pag kaibigan,kaibigan lang..
Walang talo-talo.
Walang mahuhulog sa isa't-isa..
Wala dapat magbabago..

Ang kaibigan para saken ay isang kakampi sa lahat ng bagay..
Katawanan.
Kaiyakan.
Kasangga.
Kasamang mangarap.
In short,kapatid...

PEro bakit ganun?

Bakit kelangang biglang magbago Ang lahat?
Hay!AYOKO NITO!

______________________________________

Leonard's POV

"Ma,labasin mo nga po si Tom sa lanai,parang lasing na. Papagpahingahin mo na sya."
Ani ko kay Mama ng sadyain ko Sya sa kusina.Alas nuebe na ng Gabi.Kakarating ko lng mula sa opisina ko.Nakakaramdam na Ako ng pagod at matinding antok ngunit kinailangan Ko pang  dumaan dito sa Pasig,sa Bahay ng mga magulang ko dahil kaarawan ni mama.

"O,nandiyan ka na pla?Kasama mo ba si Carla?"gulat na Ani ni mama.

"Hindi ho.Nasa Cavite ho sya."mahinang sagot ko.
Mabagal na napasulyap ako Kay Mama ng marinig ko Ang malalim na buntonghininga nya.At nakita ko pang napapailing sya ngunit Di nagsasalita.

"Maayos ba kayo?"Sabi nya ng ilang minuto kameng walang imikan..

"Ayos naman po Ma."mahinang sagot ko.Bumaling sya sakin at matagal nya pa akong tinitigan at ngumiti.

"Buti naman at nakadaan ka pa dito.Halika,maupo ka na at ipaghahain Kita."anyaya niya sa akin.

Mamaya na ho ako kakain.Si Tom Po muna sana ang puntahan mo.Baka mag-away na naman Sila ni Papa pag siya pa ang nagsaway Kay Tom."Ani ko na napapailing..

"Sige,maupo ka na muna at pupuntahan ko muna ang kapatid mo."aniya sabay tapik sa balikat ko.

Kinuha ko ang baso sa estante at kumuha NG tubig sa ref.Ininum ko muna ito at saka hinila ang upuan sa tabi ng lamesa at naupo.Napapabuntung-hininga akong inalis Ang spec sa aking mata.Masakit Ang ulo ko.Inaantok na Ako pero nakakaramdam ako ng gutom.

Muli akong bumuntung-hininga at inilibot Ang aking mga mata sa maliit na kusina ng aming bahay.
Apat taon na akong Hindi nakatira dito mula ng mag-away si Shiela,ang bunso Kong kapatid at si Carla.
Muli,may sumaglit na munting kirot sa puso ko nang maalala ko ang dahilan ng kanilang pag-aaway.
Kasabay nun ang malabong mukha na dumaan sa isip ko na syang nakapagpatigil sa aking pagmumuni-muni.

Agad kong hinamig ang sarili ko at itinigil ang pag-iisip ko sa kanya.
Ayokong mas lumalim pa ang pag-iisip ko sa mukha niya.
Ayoko syang alalahanin.
Ayokong limiin sya sa isip ko.
Kahit isang minuto,ayokong tumambay sya sa isipan ko.
Ayokong makaramdam nang sakit at panghihinayang.
Muli Kong tinitigan ang baso sa harapan ko at napapabuntung-hiningang muli, napapailing ako kasabay ng napangiti ng marealize ko kung ilang buntong-hininga na ba ang nagawa sa  loob lamang ng ilang minuto.

Natigil ako sa pag-iisip ng marinig ko Ang sigaw ni Papa.

Napahakbang Ako sa Sala,at nakita ko si Mama na hatak sa kamay si Tom habang papasok sila sa loob ng sala .Habang si Papa nman ay galit na nakatayo sa puno ng hagdan.Si Bernie,Ang pangatlo Kong kapatid na lalaki ay nasa pinto naman at isinasara ito upang siguro hindi marinig ng ilang bisita ni Papa na nasa lanai at nag-iinuman. Mga katrabaho nya Ang mga iyun sa aming Baranggay Hall.Tagalinis sya duon at kanang kamay na din ni kapitan.

HANGGANG...(Leonard & Leigh Anne )Book 1Where stories live. Discover now