Leigh's POV:
Nagising Ako sa tunog ng cellphone ko..
"H-hello,"nakapikit pa Ang mga mata ko ng sagutin ko Ang tawag.
"Hello,"ulit ko ng di sumasagot Ang asa kabilang linya.Tiningnan ko pa ang cp ko kung sino Ang caller,
Tss..si Ayo.Bakit Di nasagot tong lalaki na to?!
"Ano,magsasalita ka o ibaba ko tong cellphone ko?"asar na Sabi ko sa kanya.
"Ahm,wag!Ah,hehe,h-hello..ganda Kasi NG boses mo pag bagong gising,hehe ."
"Tss..,o,bakit ka tumawag?!"masungit na tanong ko sa kanya.
"Andito na Ako sa labas ng gate nyo.At mukhang kakagising mo lang,hehe."
Napakunot noo ako.
Anung ginagawa ng kolokoy na to dito e kaaga-aga!Ayy,shame!Ngayon nga pala ung enrollment ko!sucks!
Bigla akong halos mapatalon sa kama.
Bakit ba nakalimutan ko Ang araw ng enrollment?!
"Yow,wait,give me twenty minutes okay?Ligo lang akong mabilis.I'm sorry ah!"taranta Kong Sabi Kay Ayo.
Tumawa naman ito sa kabilang linya.
"It's okay..Take your time."Ani nito.
Ibinaba ko na Ang phone ko at dali-daling kumuha ng mga gamit at mga susuotin ko.
Hah!ito Ang ang ayaw ko sa lahat,Yung nagmamadali!kainis!
Bakit ba hindi tumunog Ang alarm ko?!
Or nai-set ko ba?tsk,parang Hindi ah!
Grrr!Agad na akong akong naligo at nagbihis.
Tsk,bruha Kasi Yung Ashley na Yun!
At inalala ko kung bakit Ako napuyat.
Ten thirty na Ako naihatid sa Bahay ni Ayo nung isang Gabi.Inuna naming inihatid si Liz sa apartment nya.
Inabot naman kami ng traffic pauwi sa Bahay ni Ninang..Tulog na Sila nung dumating ksmi.
Si Ashley naman nasa party ng Mommy ni Lander.Kinabukasan,hapon na kami nagkita ni Ashley sa Bahay..
Halos maghapong tulog Ang bruha,nalasing daw sya.Bandang alas ocho kagabi,nagsidatingan Ang mga friends ni Ashley..nagkulong lang Ako sa kwarto at Hindi Ako bumaba.
Buti na lang tapos na Ang hapunan nung magsidating Yung mga Yun,Di na ako mapipilitang makiharap sa kanila.Ngunit ng patulog na Ako nung bandang alas dies,sya namang katok ni Ashley sa pinto NG kwarto ko.
"Yes,Ash?"tanong ko sa kanya ng buksan ko Ang pinto.
"Lika,jamming ka samin sa baba."
Todo ngiti nya sakin sabay hawak sa kamay ko."Ahm,wag na Ash,antok na ako tsaka maaga ako sa School bukas."magalang na tanggi ko sa kanya.
"Sige na please,gusto kang maka-jamming ng mga friends ko,please?"
"I'm sorry Ash,but--"
"Ah,no buts!May kasalanan ka pa sakin kagabi.Di ka sumunod sakin sa birthday ng Mommy ni Lander.This time,I'll take no for an answer."pagpuputol nya sa sinasabi ko.
Napabuntung-hininga naman ako.
Kaya kahit asar na ako,napilitan akong sumang-ayon sa gusto nya."Ok,palit lang Ako ng damit."walang magawang Sabi ko.Nakapantulog na kasi ako ng damit.
Pumasuk din sya sa kwarto ko.
Napakunot noo naman Ako at tiningnan sya muli na nagtatanong Ang mga mata ko sa kanya."Baka i-lock mo Ang door mo at di ka na bumaba.Hehe."nakangising Sabi nya sakin.
