Part 14

7 0 0
                                    

Leigh's POV

Masakit Ang ulo ko at inaantok pa talaga Ako.
Eleven na kagabi nang magising Ako sa tawag ni Tita Lucille sa cellphone ko.
Isasama daw nya Ako sa divisoria bukas ng madaling araw.
Kelangan ko daw gumising ng alas kwatro.

Dahil naabala na Ang tulog Ko sa tawag na Yun,hirap na akong ibalik yung tulog ko.

Nagbasa na lang Ako ng paperbacks ko.
At Yun nga,two thirty ng finally dalawin akong muli ng antok kaya parang lantang gulay sa antok ako ngayon. Kahit sa sasakyan kanina.Para akong hinehele sa antok.

Medyo nagising lang Ang diwa ko ng kumain na kami at nung May dalawang lumapit na lalaki at gustong makipagkilala kanina.

Tss..mukang mga Ewan e..lalakas ng loob!..pero ilibs din Ako ng kunti,nagawang mag-paalam Kay Ninang e..hmm..at least marunong gumalang..
Tos eto pang isang kolokoy,sinabi ko lang dun sa dalawa na boyfriend ko Sya,mukhang nakahanap sya ng ipang-aasar sa akin,hmp!

Di ko na lang pinansin mga hirit nya,tumayo Ako para umihi..

Ihing-ihi na Ako.
Kaya nang matapos ung babaing sinusundan ko,dali-dali na akong sumunod..

Paglabas ko ng Cr,tiningnan ko Ang Oras sa cp ko..
7:10am...

May message din si Ayo..

"Good morning bok,"message nya.

"Gandang morning yow!"reply ko..

At naglakad na Ako sa lamesa namin.

Tumayo na si Tita at Ang lalaking kasama namin ng makalapit Ako sa lamesa namin.

Muling inaabot sa akin ng lalaki ung french fries nya.

Nakakunot Ang noong tiningnan ko lang Sya.

"Salamat,pero busog na Ako."balewalang Sabi ko sa kanya.

"Hindi,ok lang.Hindi naman Ako kumakain ng french fries."sagot nito.

Kuleet!

Di ko kinuha Yung inaabot nya at tinalikuran ko na sya.Sumunod na Ako Kay Ninang.

Marami-rami na din kaming nakakasalubong na mga mamimili.

May mga dinaanan kaming stall.
Kinuha ni Ninang ung mga orders nya at binayaran.

Kinukuha ko naman Ang mga ito at inilalagay sa malaking stripe bag na bitbit naman nitong kasama naming lalaki.

"Leigh,pakitawag nga si Leo."baling sa akin ni Ninang..

Lumabas Ako sa maliit na tindahan na Yun at pinuntahan Ang lalaki..

"Psst,tawag ka ni Ninang sa loob,"nagulat pa ito ng tumingin sa akin.

Nilapitan ko Yung mga pinamili ni Ninang na binabantayan nya at muli Kong ikiniling  Ang ulo ko sa kanya at sininyasan syang puntahan na si  Ninang.

Naupo Ako sa upuang nasa harap ng katapat na tindahan.
Mga crackers,butong pakwan,kalabasa ,at kung anu-ano pang kukutin Ang tinitinda nila.

"Pabili nga Po nitong butong pakwan at sunflower,"baling ko sa tindera.
Naisip Kong bumili para kung tatambay kami ni Liz sa apartment ni Ayo,merun kaming kukutin.

Bumili na din ako ng extra,ilalagay ko naman sa jar para sa kwarto ko.Pampalipas Oras pag Hindi pa inaantok sa Gabi,hehe...

Isang linggo Mula Ngayon,start na ng klase namin.
Excited and at the same time,kinakabahan Ako.
Syempre,foreign sa akin Ang lahat.
At alam na alam Kong mangangapa Ako sa una..sa kung paano,Saan,ano,Ang pasikot-sikot sa loob ng UP campus..inihahanda ko na din Ang mga paa ko sa mahahabang lalakarin at tatakbuhin ko sa loob ng eskwelahan na Yun.
Pero syempre,para sa pangarap namin ng pamilya ko,walang Hindi Ako aaralin,at kakayanin.
Wala namang madali sa umpisa.
Lahat dumaraan sa uno.Sa proseso..
Kaya naman,mas pipiliin ko Ang damdaming masabik at matuwa sa panibagong daang aking babagtasin.
Daan patungo sa inaasam Kong pangarap para sa pamilya ko.

HANGGANG...(Leonard & Leigh Anne )Book 1Where stories live. Discover now