EPILOGUE
LANI PUFFED her cigarette. Itinaas niya ang paa niya sa ibabaw ng coffee table habang isinandal naman niya nang mabuti ang likod sa upuan. She arched back her neck, looking at the dark ceiling up above. Nanatiling ganoon ang posisyon niya.
Wala nang pumapasok sa utak niya sa lahat ng nangyari. Gusto nalang niyang magpahinga. Makalipas ang ilang minuto ay nakaramdam siya ng uhaw. Tumayo siya para kumuha ng maiinom. Nang buksan ang pinto ng refrigerator ay wala iyong laman kung hindi isang bote ng tubig na kalahati nalang ang laman at ang iba ay puro na alak. Napangisi si Lani. Kailan nga ba nagkaroon ng lamang maayos ang refrigerator nila magmula nang magkandaletse-letse ang buhay nilang mag-ina?
Napalingon si Lani sa pinto nang marinig iyong bumukas. Alam niyang nakauwi na ang ina lalo na nang magsimula na itong kumanta sa sintonadong boses. Napapikit ng mariin ang dalaga nang tawagin ng ina ang pangalan niya.
"Lailanie!"
Hinayaan niya lang ito at nagpatuloy sa pagtingin sa mga alak sa loob ng ref.
"Woy! Something's here, hehehe!" rinig ni Lani ang sabi ng ina. By then she knows that her mother saw what she brought back home. Kumuha siya ng dalawang bote ng alak sa loob ng ref at pabalyang isinara iyon.
"Don't touch that," matigas niyang sabi ngunit tila bingi ang ina. Marahil ay dala ng alak, humagikhik iyon sabay lingon sa kanya.
"Why?" sabay sinok at nagpatuloy muli sa sasabihin, "Hindi naman niya malalaman. She's sleeping. Or dead." Saka iyon tumawa.
Naiirita man si Lani ay hinayaan niya iyon. Lasing ang ina niya at naiintindihan niya ang kabaliwan noon, iyon din ang bilin ng kaibigan niya. Tinungga niya ang isang bote ng alak at inilapag sa mesa ang isang puno pa.
"She's dead, right?" anito sa seryosong tono habang nakatingin sa kanya. Of course, Rose is dead. For a year now. Her naked body preserved in a glass, skin and bones still intact. She's still pretty in Lani's eyes. "Bakit ka nagdala ng walang kwenta dito sa bahay?"
Napantig ang tenga ni Lani sa sinabi nito. Lalo pa nang dumampi ang dulo ng daliri ng ina sa salaming pagitan ng katawan ng nahihimbing na dalaga at ng magulong mundo. Agad siyang tumayo dala ang bawas nang bote ng alak. Lumapit siya sa ina at inihampas sa batok nito ang bote. Nabasag iyon ay naglaglagan ang mga bubog sa sahig, kasabay ng basang katawan ng ina na nakamulat ang mata nang lumagapak sa sahig.
"Don't touch her with your filthy hands," ani Lani na umatras pabalik sa mesa para kunin ang isa pang bote ng alak. Tinungga niya iyon saka umupo sa sahig katapat ng salaming kinalalagyan ng babaeng minahal niya sa loob ng isang taon, sa harapan ng hubad na katawan ni Amalia Rose.
"Pagod na ako, Rosas."
Sumandal siya sa coffee table saka sinipa ang katawan ng ina na nasa paanan niya para makainat siya. Itinaas niya ang bote ng alak.
"Cheers para sa buhay nating magkasama. You're still mine in the end."
BINABASA MO ANG
This Old Man [Completed]
Mystery / ThrillerThis Old Man || Horror-Thriller || Completed A group of ten teenagers decided to bully a poor province girl who they bumped once. Until she hanged herself. A year later, they were hunted one by one. For those who seek revenge, it was more than just...