II. Her Thumb

182 53 71
                                    

HER THUMB




"SHHH. YAWA! Wag kayong maingay." Saway ni Sheila sa mga kasamang kanina pa nagsasagutan ng pabulong sa likod niya. "Kapag tayo nahuli, may sisipain ako sa inyo sa balls." Sabay pinandilatan ang mga iyon.

"I'm safe, wala akong balls." Ngumisi si Trixie na sinapak naman agad ni Joshua.

"Shh. Nyeta. Tahimik nga. Ayan na si Kalbong Guard." Nang mamataan sila ng gwardiya ng kanilang eskwelahan ay nagkanyakanya silang takbo. Nagsasamasama ang iba at naiba ang tinakbuhan ni Sheila at Trixie. Dumiretso sila sa isang building. Sa hallway ay nabangga ni Sheila ang isang babae na biglang napaupo sa lakas ng impact ng pagkakabangga nila. Dahil sa pagmamadali gawa ng humahabol ay di na niya iyon tinulungan. Pumasok sila sa isang bakanteng classroom at sa gilid ay doon sila nagtago.

"Miss, may nakita ka bang tumatakbong dalawang babae dito?" Nagdadalawang-isip man si Rose na siyang nabangga ni Sheila kanina ay hindi na niya nagawa pang tanungin kung bakit hinahanap ng guard ang dalawang babae. Mahuhuli na siya sa kanyang klase, may presentation pa man din siya ng araw na iyon. Itinuro niya ang isang classroom na nakita niyang pinasukan ng dalawa kanina. Nang makaalis ang guard at tiningnan niya ang mga gamit. Nagkalat ang bawat parte ng cellphone niyang keypad.

"Ano ba? Bitawan mo ako." Sheila was shouting. Dinig ang boses nito sa buong hallway. "Sa oras na malaman ni Mama ang ginagawa mo, the school will fire you." She was threatening but the guard wasn't seem threatened at all.

"Alam mo miss, bago pa ako matanggal, mapaparusahan ka muna." Nilampasan siya ng tatlo. Hawak ng guard si Sheila sa braso at nakasunod naming si Trixie sa dalawa. Kapwa masama ang tingin sa kanya ng dalawang babae.

"Humanda ka." Sheila mouthed at her bago pa man ito maglaho. Isa-isa niyang pinulot at inayos ang mga gamit.









"MAY PROBLEMA ba si Sheila?" Umupo si Joshua sa isa sa mga bakanteng upuan sa mesa nila. Nasa usual seat sila sa cafeteria na may pinagdugtong na mesa para magkasya ang sampung upuan.

This Old Man [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon