Carmela's POV
Matapos kong mag-aral sa library at tapusin ang projects at assignment ko ay ichineck ko kung ano na ang oras.
10:55pm
owww.Since hindi pa ako inaantok nagiisip ako ng pwede kong gawin.
Nakatingin ako sa kabuuan ng school dito sa labas ng library.Dito na ako tumanda.Since kinder hanggang ngayong last year ko na sa highschool hindi ako umuuwi sa bahay o lumalabas ng school.
Bakit pa?Nandito na ang lahat ng kelangan ko.Ang shopping mall,park at iba pa na makikita sa labas.
Nakatanaw ako habang binabalikan ko ang alaala na kahit kelan ay hindi ko kinalimutan bagkos ay itinatago tago ko kahit na masakit.
FLASHBACK----YEAR 2010
Nakatitig kami sa mata ng isa't isa habang hinihintay niya ang sagot ko.
"Oo Allan.I will be your girlfriend.."
Masayang sabi ko.Matagal ko ng kaibigan si Allan.Since nandito ako nandito na rin siya.
Marami kaming pagkakaparehas.Madalas partners in crime kaming dalawa.Kung ano ang gusto ko gusto din niya.Siya ang nagaalaga sa akin pag may sakit ako.Nagaalala kapag hindi niya ako makita.Nagmamahal at rumerespeto sa bawat gusto ko.
Napakaperfect namin dalawa.Cliche ang story namin pero hindi ang problema.Dumating yung time na Anniversary namin at hindi niya naalala.Pinalampas ko iyon gaano ko man pinaghandaan ang araw na iyon.Nalaman ko na kaya pala siya hindi nakarating dahil gumimik sila ng barkada niya.
May mga pagkakataon pa na nahuhuli ko siyang may babae.Hindi lang basta babae.Katalik niya ito at nageenjoy talaga siya.Masakit oo.Pero wala akong magawa dahil mahal ko siya.Higit pa sa salitang sobra.
Pero sabi nga nila....
'Lahat ng sobra...Masama.'
Pero para sa akin
'Basta minahal ko siya.Siya na ang bahala kung babalewalain niya.Kasi ayos lang na sumobra ang pagmamahal ko sa kanya atleast umapaw man o masayang basta hindi ako nagkulang...'Pero dumating yung time na hindi ko na kaya...
Nasa kwarto niya ako nun.Magkatabi kaming natulog kagabi.Gumising ako at naligo na.
Habang naliligo ako...Narinig ko ang yabag niya at pagbukas ng CR.Naramdaman ko na lamang ang mainit niyang katawan.
Ang paghalik niya sa leeg ko ay nagdulot sa akin ng kakaibang sensyon.Pero imbis na kuryente ang dumaloy...Binalot ako ng kaba...Kaba na nagpapaalala sa akin kung gaano ako inaasahan ng pamilya ko.Na baka kapag ginawa ko to hindi ko na maibalik ang kabataan ko na dapat ay ineenjoy ko.
Sa huli itinulak ko siya...Tinakpan ko ang katawan ko at pinaabas siya...
'Please allan...Lumabas ka na.." I said
Halatang bitin na bitin siya pero pagalit siya na lumabas...
"A-allan.."
tawag ko sa kanya
Lumingon siya sa akin ng may iritang tingin..
"T-t-tatawagan ko na lang si J-je-jessie.." sabi ko kahit masakit
Si Jessie ang pinakagusto niyang bedmate.Madalas ko silang mahuli pero hindi ko pinapahalata.
"Ako na...Bumalik ka na sa banyo!" paangil na sabi niya
Napayuko ako sa sinabi niya...Akala ko tatanggi siya kasi mahal niya ako..Akala ko hindi niya ako hahayaan na gawin yun dahil masasaktan ako...Pero noon ko napatunayan na mas matimbang kay Allan ang pangangailangan niya bilang lalaki kesa sa akin na girlfriend niya.
Habang may nangyayari sa kanila ni Jessie ay umiiyak naman ako sa banyo.Masakit kasi mahal ko siya.
Pero ganun siguro talaga...May mga taong proud kasi mahal ka..
Meron ding mga taong proud kasi magaling ka.Nakakainis lang isipin na isa pala si Allan sa mga lalaking ganun.WALANG PAKIALAM.
END OF FLASHBACK
Napayuko ako matapos kong balikan ang alaala na iyon.Nangingilid nanaman ang mga luha ko at hindi nagtagal trinaydor nila ako at isa sa silang nagbagsakan.
Sinaktan niya ako ng paulit-ulit pero mahal ko pa rin siya.Mahal na mahal.
Hindi ko alam kung bakit pero mahal na mahal ko pa rin siya.Noon para akong isang kandila na nauupos.Ayaw ko man ang maupos pero natunaw pa rin ako at nawalan ng sindi.
Meron pa yung feeling na gustong gusto mong ngumiti pero napapabuntong hininga ka na lang kasi mismong labi mo ay umaalma na ngumiti ka.
Maya-maya nakaramdam ako ng isang mainit na katawan na nakayakap mula sa likod ko.
"I'm sorry..." bulong niya sa akin
Nabigla ako ng mapagtanto ko kung sino iyon.Alam niya talaga kung kelan siya ang iniisip ko.
"Umiiyak ka nanaman dahil sa akin.Noon umiiyak ka ng tahimik para hindi ko malaman na nasasaktan ka.Ngayon umiiyak ka pero ngayon nandito ako kasama mo." ---tumawa pa siya ng parang proud na proud siya sa ginawa niya
"Tingin ko napakabait ko dahil sa alam ko na umiiyak ka.Nakakaproud kasi kahit kelan hindi ko nakita na nasasaktan ka." sabi niya ulit
Hindi ako nagsasalita pero nararamdaman ko ang pagsikip ng paghinga ko.Ang pagbils ng tibok ng puso ko.Pati na ang paru-paro sa tyan ko.Sa tingin ko sa simpleng gesture nya nakakaramdam pa rin ako ng kilig.
He hold me tight as if he wants to hold me forever.As if he don't want anyone touch me unless he.As if he don't want to get me hurt.As if...He's telling that ...HE LOVES ME.
Napayuko ako in that thought of mine.
Ilang sandali pa ay nagsalita siya ulit.
"Noong niligawan kita sabi ko ikaw na ang babaeng last sa buhay ko.Ikaw na ang babaeng masasabi ko na AKIN pero nagbago lahat yun ng ....maakit ako ni Jessie.Siya ang unang nakatalik ko.Simula nun hindi ko na tinigilan ang pakikipagtalik.Para akong naadict doon.Hindi ko na naalala na ikaw...Ikaw yung babaeng mahal na mahal ko..Ikaw yung babaeng sabi ko last sa buhay ko.Ikaw yung babaeng magiging akin.Ikaw yung babaeng pinangakuan ko.."
"Sorry kasi kinalimutan kita.Sinaktan kita.Pinaiyak kita pero Carmela....I promise hindi ko uulitin pa iyon.Hindi na kita sasaktan pa.Hindi na kita paiiyakin pa.Just...J-Just let me love you...J-just be mine again.."--- sabi niya
Hindi ko alam ang sasabihin ko.
Mahal ko siya oo per hindi ko alam kung dapat ko pa siyang pagkatiwalaan pa ulit.
"Bakit sa tingin mo dapat pa kitang pagbigyan ulit? Kung sinaktan mo ako noon paano ako makakasiguro na hindi mo na uulitin iyon.Na mamahalin at hindi na ulit paiiyakin."