Carmela's POV
"Allan..." tawag niya sa pangalan ni Allan
Bumitaw ako sa pagkakahawak ko sa balikat niya.Ganun din si Allan.Bumitaw siya sa hawak niya sa bewang ko.
"Allan.Umuwi ka na." sabi ni Jessie
"Pag-usapan natin yung problem natin mag-Fiancé.Hindi mo kelangan humanap ng babae.Selos lang yan." sabi ni Jessie na ikinabila ko
Lahat ng tao sa prom ay nakatingin sa amin.
"Umuwi ka na.Hindi ako uuwi." sabi ni Allan ng matigas
"No!Alam ko hindi mo ko matitiis pati na ang anak natin.She miss you very much." sabi ni Jessie
--anak? Ano to? Lokhan!!
Tinignan ako ni Jessie at hinead to foot niya ako sabay taas ng kilay..
"Hindi mo kelangan mamulot ng basura."sabi pa niya
Tumingin sa akin si Allan.Hinawakan ni Allan ang kamay ko at nagsalita siya..
"Sorry Carmela..Let me explain first!" sabi niya ng nagmamakaawa
Kumunot ang noo ko hindi dahil naguguluhan kundi hindi ako makapaniwala na naloko nanaman niya ako.
"Explain? Yan oh! Nandyan na sa harap ko! Nandyan na yung ieexplain mo! Maliwanag na sa akin na niloloko mo ko! Niloko mo ko at ngayon niloko mo ulit ako!" sabi ko sabay bitaw sa kanya at tumakbo nanaman
Tumakbo ako papaakyat sa kwarto ko pero katulad ng inaasahan ko ay ang paghabol sa akin ni Allan.
"Carmela! Please!" sabi niya habang hinahabol ako
Hindi ako huminto.Umiiyak ako at nasasaktan! Bakit ako hihinto sa taong dahilan kung bakit ako nagkakaganito.
Hindi ako makapaniwala sa saeili ko ma hinayaan ko na lokohin nanaman niya ako.Sinaktan nanaman niya ako.Pinaikot nanaman niya ako.
Maya-maya pa ay narinig ko ang pagsigaw niya pero hindi na siya sumunod pa.Lumingon ako...Nandun sa harapan niya si Jessie.
"Wag mo na siyang sundan.Umuwi na tayo.Uwian natin si Jana.Doon mahal ka namin.Hindi ka namin sasaktan.Hindi ka namin paghahabulin."
Napailing ako.Hinubad ko ang shoes ko at tumakbo paakyat ng room ko.
Ako rin naman.Hindi ko siya sasaktan.Siya lang naman ang nanakit eh.Hindi ko siya iiwanan.Pero parati niya akong iniiwan sa ere.Mahal ko siya pero hindi niya kayang panindigan.
Pag-akyat ko ay patuloy lang na umaagos ang luha ko.Iniisip ko ang ginawa ko.Ngayon ko lang narealize na napakatanga ko para patawarin siya.
Hinayaan ko siya na paikutin ako.
Agad akong umupo at sumandal sa pader habang yakap ko ang tuhod ko.
*riiinnnggg*
Inabot ko ang wireless telephone at sinagot ang tawag.
"Carmela..." sabi sa kabilang linya
Napahagulgul ako ng marinig ko ang boses niya
"Bakit anak? Umiiyak ka ba?" nagaalala na tanong ng nanay ko
"Bakit? Anong nangyayari?Anak? Ayos ka lang ba jan?Si Tatay ito.Ayos ka lang ba?"
Mas lalong bumilis sa pagdausdus ang luha ko ng marinig ko sila.Si tatay.Si Nanay.Si Ate at Si Kuya.Lahat sila umaasa sa akin.Lahat sila nagaalala at nagsusumikap para mapagaral ako kahit mahirap.
Lahat sila kumakayod para matustusan ang pangangailangan ko at maalagaan ako.Mabigyan ng magandang kinabukasan na hindi nil nakamit dahil sa pagiging mapusok ng dalawa kong kapatid.
Sila ang nagbabayad ng bill ko dito sa kuryente at tubig samantalang sila doon ay halos walang ilaw na maliwanag at walang tubig na magamit.
Pinunasan ko ang luha ko at inayos ko ang sarili ko bago ako nakipahusap muli.
"Naku nay tay! Wag po kayong *pause...* m-mag alala sa akin..A-ayos *sniffsniff* lang po ako..K-konting sipon at ubo lang po." sabi ko naman
Isinandal ko ang ulo ko sa pader at pumikit.Hindi ko mapigilan na hindi umiyak.Ako andito sa maluwag at malaking kwarto.Samantalang sila ay nandun sa isang maliit at barung barung namin na bahay.
"Naku! Ang anak ko may sakit ka pala bakit hindi ka nagsasabi ! Naku kawawa naman ang anak namin walang nagaalaga sayo jan. Naku anak pasensya ka na ha.Wala ang nanay jan.Kelangan ko kasing kumayod anak para may ipambayad ka jan sa dorm mo.Naiintindihan mo naman di'ba." sabi ni nanay
Pinipigilan ko ang sarili ko sa paghagulgul dahil sa kapabayaan ko..
Antanga tanga mo Carmela!
"A-ayos lang po nay.Naiintindihan ko po.W-wag niyo po akong alalahanin dito.Maayos po ako." sabi ko sabay takip ng bibig para pigilan ang paghikbi ko ng malakas
"Sige anak.Bast---"
"CARMELA! LUMABAS KA JAN! MAGUSAP TAYO! CARMEL--"
"Ano yun?--"
"Wala po yun nay! Sige po may gagawin pa po akong project nay.Sa susunod po ulit.Bye.I love you.!" sabi ko at ibinaba ko na ang telepono
Inayos ko ang sarili ko.Pinunasan ko ang luha ko.Mabuti na lamang at water proof ang make up ko kung hindi napakapanget ko na.
Broken hearted na nga! PANGET PA!
"CARMELA---" binuksan ko ang pinto
Pagbukas ko ay natigilan siya.
"Carmela..." sabi niya sa akin
Hindi ako nagsasalita pero nakatitig lang ako sa kanya.Puno ng galit ang mga mata ko.Nagagalit ako dahil naloko nanaman niya ako.
"Carmela--"
"Umalis ka na.I don't wanna see you anymore!" sabi ko at isasara ko sana ang pinto pero as usual hinarang niya"Let's talk!" sabi niya at medyo tumaas ang boses
Tumaas ang kilay ko..
"Talk? Nakipag usap ka ba sa akin ng maayos para sabihin na ikakasal ka na! Nakipag usap ka sa akin ng maayos para sabihin na may anak ka na! Kinausap mo ba ako para magpaalam na 'CARMELA MAY ANAK AT ENGGAGED NA AKO! PWEDE BANG PAIKUTIN KITA ULIT PARA MASAKTAN KA!' kahit ganoon lang sana Allan eh! pero hindi mo ginawa! Hindi mo ginawa kasi nageenjoy ka na saktan ako! Na paikutin ako sa mga mapagpalarong kamay mo! " sigaw ko sa kanya
"Napakawalang hiya mo Allan! Lahat kinuha mo! Hindi mo man lang ako binalaan na hindi ka na pwede! Nakakagago lang kasi!" sabi ko pa
Naiinis na talaga ako! At feeling ko pag hindi ko to nailabas ay sasabog ako! Napakagago niya para gawin sa akin ito! WALA SIYANG KARAPATAN NA SAKTAN AKO! WALA SIYANG KARAPTAN PARA PAIYAKIN AKO NG GANITO!
"Carmela makinig ka kasi---"
Tinakpan ko ang mga tenga ko at umiling iling
"AYOKO!AYOKONG MAKINIG SA MANLOLOKO AT GAGO NA KAGAYA MO! AYOKO ALLAN ! AYOKO!!!" sabi ko saka ako humagulgul
Niyakap niya ako pero pumalag ako!
"BITAWAN MO AKO!"sabi ko